[Campaign] #HUSGAngBAYAN PARA SA KARAPATANG PANTAO -PAHRA

#HUSGAngBAYAN PARA SA KARAPATANG PANTAO
Vote for this campaign for the 5th HR Pinduteros’ Choice Awards…
Gobyernong Pnoy: Pamamahala At Kaunlaran Sa Iilan,
Disgrasya Sa Karapatan Ng Mas Maraming Mamamayan!
Sa ika-5 taon ng pamumuno ni Pangulong Aquino ay sapat na ang ating nakita at naranasan upang makapagbigay ng ating pananaw at husga kung paanong inimplementa o nilabag ang pag-respeto, pag-protekta at pagsasakatuparan ang mga karapatan pantao ayon sa mga pandaigdigang kumbesyon na nilagdaan ng ating pamahalaan.
Para sa ika-66 taon ng pagunita sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR, Dec. 10, 1948) ilahad at pakinggan natin ang “#HUSGAngBAYAN PARA SA KARAPATANG PANTAO” upang maging gabay ni PNoy sa kanyang nalalabing isang taon at kalahating panunungkulan. Inaasahan din natin na mula sa kampayang ito ay maging tuntungan ng pag-buboo natin ng isang Human Rights electoral agenda para sa mga susunod na kakandidatong opisyales ng bansa sa 2016.
PANAWAGAN SA PAKIKI-ISA SA ON-LINE AT OFF-LINE CAMPAIGN:
I. On-Line #HUSGA NG BAYAN para sa Karapatang Pantao
Nais nating mas marami ang maglabas ng kanilang mga pagtingin / husga sa HR record nga pamamahala ni Pang. Aquino mula sa publiko at mga organisasyon sa
sa mga social media sites. Ang mga pagtingin/husga ay iko-konsolida at ibabahagi sa Press-Conference sa Dec 8 at ito din ang magiging batayan ng ating mga panawagan sa International HR Day sa Mendiola, Dec 10.
a) I-download at gamitin (i-upload sa FB at Twitter) ang “Bagsak Seal” template/poster ng HR week Husga ng Bayan. (naka-attach psd. at jpeg)
b) Samahan ng maikling paliwanag. Pangunahing Content/laman ng template ay:
GRADING/RATING : FAIL or PASS (BAGSAK O PASADO)
URI NG KARAPATAN: PARTIKULAR NA KARAPATANG NALABAG
DAHILAN/ISYU/POLISIYA : bakit BAGSAK (fail) ang inyong rating
LOGO/PIRMA: LOGO O PIRMA NG ORGANISASYON
Sa mga mahihirapan sa pag-gamit ng Bagsak Seal template sa photo shop maaaring diretsong mag post ng status sa wall at i-attach ang “Bagsak Seal” poster at sundin ang laman ng template, halimbawa:
GRADING: FAIL
URI NG KARAPATAN: LAHAT NG HUMAN RIGHTS
DAHILAN: Dahil walang National Human Rights Action Plan (NHRAP) ang Pilipinas na 2 beses pang na ipinangako sa United Nations Universal Periodic Review (UPR 2008 at 2012)
c) MAG CHALLENGE AT ITAG ANG LIMA (5) PANG KAKILALA Friends/Organisasyon/ Group himuking maki-isa sa pagbibigay ng grado kay PNoy bilang #HUSGAngBAYANparasaHR
Halimbawa: (Pwede na itong icopy at paste, palitan lamang g panglan/org na inyong mga gustong hamunin
“Sa pag-alala sa #HumanRightsWeek2014, hinamon ako ng @PAHRA na ibigay ang aking #Husga. Hinahamon ko rin si @Pedro @Juan @Maria @PRRM @Y4R na ibigay din ang kanilang #HUSGAngBAYAN sa pamamahala ni PNoy para sa karapatang pantao at hamunin din ang 5 pang kakilala..”
or
“Sa pag-alala sa lingo ng karapatang pantao, hinamon ako ng @Rose na ibigay ang aking #Husga. Hinahamon ko rin si @Pedro @Juan @Maria @PRRM @Y4R na ibigay din ang kanilang #HUSGAngBAYAN sa pamamahala ni PNoy para sa karapatang pantao at ibigay din ang hamon sa 5 pang kakilala.”
d) Maaaring maging malikhain at I-modify ang template/poster ayon sa inyong mga focus ngunit hinihiling lang po natin na makikilala pa rin ang image na kasama ito sa kampanya
e) Maaaring mag Blog kung mas detalye at mahaba ang inyong nais ipahayag at ishare
f) Laging gamitin ang hashtag na #HUSGAngBAYANparasaHR at pls isama po sa tagging palagi ang ang PAHRA para sa mabilis na pagpapalaganap at konsolidasyon
Fb account: philippinehumanrights
Twitter : @PAHRAhr
E-mail: pahra@philippinehumanrights.org
II. Off-Line activities : Events at Mobilizations
Nagsimula na po ang mga activities noong ika-26 ng Nob ng ilunsad and 18 days of Activism Against Gender-Based Violence at mag cuculminate ito sa isang sama-samang mobilisasyon sa Mendiola sa ika-10 ng Disyembe , ang eksaktong araw ng pagunita ng International Human Rughts Day. Ngunit huwag pong kalimutan ang pahabol na Pride March sa Dec. 13. Kabuoang listahan ng mga activities (ibaba)
a) Inaanyayahan at in-eecouraged ang lahat na magsidalo at matuto pang lubos sa mga bago at pagpapalalim ng mga issues ng HR sa ibat’ibang pagtitipon (maliban po yong by invitation tulad ng dinner ng AI sa Dec. 3 – limitado po ang imbitado)
b) Makipag-talastasan ng direkta sa mga lead organization/s na nakasaad sa listahan o mag-abang ng mga detalyte sa mga social network sites at ipapadala rin ng PAHRA lahat ng mga detalyeng aming makakalap.
c) Magpadala ng notice sa PAHRA kung may mga events pang hindi nasama para mai-post din po.
d) Ipalaganap ang mga activities at mag-imbita pa sa ibang mga networks at mga friends an gating mga activities para mas marami ang mamumulat sa HR
e) Sa mga organizers ng events at mobilization, kung maaari ay ma- irelate o ma-synthesize ang mga gawain na kakawing sa kampanya osa husga/ pagtingin para sa karapatang pantao
g) SUMAMA SA MOBILISASYON sa DECEMEBR 10, 9:00 ng umaga sa Mendiola, Manila
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.