[Right-Up] Hidden Victims of the Pandemic: The Old Man, the Jail Aide, and the Convict -By Aie Balagtas See (Philippine Center for Investigative Journalism)

Hidden Victims of the Pandemic: The Old Man, the Jail Aide, and the Convict Three persons deprived of liberty describe how inhuman conditions in the country’s jails and prisons are placing them at greater risk amid the COVID-19 pandemic. Here are their accounts as told to Aie Balagtas See. The images, drawn by Alexandra Paredes,…

[Tula] Sa panahon ng mga robot -ni Greg Bituin Jr.

Sa panahon ng mga robot sinanay sila upang maging mga ala-robot sumunod lang sa chain-of-command at huwag sumagot sinanay sa “yes sir”, tiger look na nakakatakot sinanay raw nang sa laban ay di lalambot-lambot kaya trato nila sa mga sibilyan ay plebo na papaluin lang upang disiplinahin ito hazing sa akademya’y dinala nila sa tao…

[Tula] “Kumusta ka na?” -ni Leni del Rosario

“Kumusta ka na?” ni Leni del Rosario Malaki. Malaking malaki ang ambag ng manggagawa sa buhay ng bansa. Atsa kasalukuyan ay malinaw na nakikitang kung walang manggagawa ay walang kakayanang tumakbo ang isang bansa. At walang yamang paghahatian ang iilang nagsasamantala sa lakas pag-gawa. Bukambibig ngayon ang pagpipilit na magbalik trabaho na ang mga manggagawa…

[Tula] May araw din ang mga ina… -ni Nina Somera

May araw din ang mga ina… Aakalain mo na iyon ay karaniwang gabi. Sa isang iglap tinangay at pinatay ng buwitre at ng kanyang galamay: Mga anak na minsa’y may minimithi. Hindi pa rin umaaraw. Ang Pebong Silang ay balot sa takot Maging sa mga pabaong bangungot. “Totoo ba ito?” Nais mong magduda… Ililihis sa…

[Tula] May bukas pa -ni Pinong

HAWIIN ANG LAMBONG NG DILIM, MAY BUKAS PA KASAMA. Sa higit isang buwan ng lockdown, madaming nabago sa takbo ng pag-iral ng ating buhay. Normal ang pagkabagot, pagkabalisa at matakot sa kahihinatnan ng buhay at kabuhayan pagkatapos ng lockdown. Walang katapusang gutom at paghihintay sa ayuda, paulit-ulit tayong hinahaplit ng kahirapan, at ang walang pakundangang…

[Tula] Kwarantyn -ni Pinong

Kwarantyn -ni Pinong “Hindi magwawakas sa paglift-ng lockdown ang tungkulin ng mga Artistang Bayan na gamitin ang talento para magsulong ng demokrasya, karapatan, hustisya at pagpapanagot sa pamahalaan. At hindi maipipiit ang ating pagkamalikhain ng buryong, o inip at lalong hindi,ng kawalang-pag-asa. May bukas pa…may bukas pa tayong pagwawagian.” #TugTugPak #KayaNatin #AristangBayanMagingay #TatambayDiTatahimik #MassTestingNowPH #AyudaParaSaMasa…

[Right-Up] Isang Pagsaludo -by Kristian Rivera

Isang Pagsaludo Kristian Rivera I believe that imagination is stronger than knowledge. That myth is more potent than history. That dreams are more powerful than facts. That hope always triumphs over experience. That laughter is the only cure for grief. And I believe that love is stronger than death The Philippines is like a Man…

[Tula] “Kumusta ka?” -ni Jhay de Jesus

“Ang tulang ito ay sumasalamin sa alalahanin ng mga kababayan nating mahihirap sa ilalim ng pandemya at krisis na nagaganap sa kasalukuyan. Mahirap maging mahirap, lalo sa panahong ito.” “Kumusta ka?” ni Jhay de Jesus Kumusta ka? Higit isang buwan na pala tayong di nagkikita Kahapon nagluto ako ng isda Ikaw, nakakain ka pa ba?…

[Tula] ” Tula ng Dukha” -ng Sining Dilaab at Ynd Cebu

” Tula ng Dukha” ng Sining Dilaab at Ynd Cebu Kumusta na? Hindi paman tuloyang nakalaya Hito na naman at lumuluha mga kamay ku’y nakagapus At hindi makapag salita Nakalok-lok sa isang sulok mga mata’y nanlulumo Nakatitig sa mga anak ku’ng Naghihintay na may maisusubo Sa tiyan nilang kumokulo Umaga tanghali’t gabi naghihintay Sa ayuda’ng…

[Tula] Sabi nila’y “Presente” ni Greg Bituin Jr.

“Presente”, ang sabi nilang may hawak na larawan sa taunang Kalbaryo ng Kawalang Katarungan patunay na ang mahal nila’y di nalilimutan na winala noon, di na makita ang katawan sila’y iwinala gayong pinaglaban ang tama pagbabago ang adhika, bayan ay mapalaya mula sa kuko ng mapagsamantala’t kuhila hanggang ngayon, ang hinahanap na hustisya’y wala “Presente”…

[Tula] Pandemya -Tula Ni Pinong

Tumigil ang mundo At natakot ang lahat Nawalan ng halaga ang pera Ang kapangyarihan ay nawalan ng pangil Ang mga armas ay nawalan ng silbi para mangikil At naningil ang mundo Pilit nating pinakitunguhan ang moralidad na tila matagal na ring namamahay sa ating tahanan, hindi lamang natin napapansin Alam nito ang bawat sulok ng…

[Tula] Anila, “Stay at home” -ni Greg Bituin Jr.

panawagan ngayong / lockdown, “Stay at home.” basta may pagkain / upang di magutom sundin lamang ito / sa panahong lockdown dapat kung mayroon / tayong malalamon. “Stay at home” ngayong / naka-kwarantina subalit pamilya’y / may makakain ba? dapat tiyaking may / pagkain sa mesa nang di magkasakit / ang buong pamilya. mayroon ba…

[Tula] Nais kong magboluntaryo laban sa COVID-19 -ni Greg Bituin Jr.

nais kong magboluntaryo laban sa COVID-19 ayokong sa bahay lang, itlog ay palalakihin subalit di ako doktor, nars, o health worker man din nais ko lang tumulong, anumang kaya’y gagawin kumbaga, ayokong nasa gera’y walang magawa habang tigil sa trabaho ang kapwa manggagawa sa nangyayaring ito’y dapat lang bang tumunganga? maghintay lang kung kailan kwarantina’y…