[Announcement] Serbisyong pangkalusugan sa panahon ng COVID-19 -PMPI

Sa mga mahal po naming mga kababayan,
Ang PMPI (Philippine-Misereor Partnesrship, Inc), isang network ng mga 250 CSO (civil society organization) ay magbibigay po ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na sakop ng ating network.
Dahil sa katangian ng kinakaharap nating situwasyon, ang serbisyo po ay sa pamamagitan ng cell phone at ibang paraang online gamit ang social media (katulad ng Messenger, Facebook, Viber, o website).
Katuwang po natin sa serbisyong ito ang dalawa nating CSO – INAM Philippines (Integrative Medicine for Alternative Healthcare Systems [INAM] Philippines, Inc) at MAG (Medical Action Group, Inc).
INAM PHILIPPINES
Ang INAM Philippines po, sa pamamagitan ng ilang boluntaryong doktor at integrative medicine practitioner ay magbibigay ng direktang konsultasyon online o sa cell phone. Nasa ibaba po ang mga pangalan ng mga boluntaryo, at ng serbisyong puede nilang ibigay, iskedyul ng konsultasyon, at paraan ng pagkontak sa kanila.
May ilang datos lang po na hihingin ang mga boluntaryong manggagamot para sa ating rekord. Dito po ay hinihingi na namin ang inyong pahintulot na maisama ang mga datos ninyo sa aming rekord (Ito po ay bilang pagsunod sa ating Data Privacy Law). Wala naman pong problema kung hindi kayo magbigay ng datos (o ilang datos) kung hindi kayo sang-ayong magbigay. Patuloy pa rin po kayong pagsisilbihan ng mga boluntaryong manggagamot. Ang ilan pong mga datos ay gagamitin para sa statistics (o sa pagbibilang ng mga pasyente, edad nila, diagnosis, at iba pa) sa ating dokumentasyon at report.
ITO PO ANG MGA DATOS PARA SA ATING DOKUMENTASYON:
1. Pangalan ng pasyente
2. Edad
3. Kasarian
4. Tirahan [hindi po eksakto, puede na po ang bayan o distrito; halimbawa Taytay o Tondo)
5. Kontak (cell phone o email address; mahalaga po para sa follow-up)
6. Paano nalaman ang ating serbisyo (PMPI, organisasyon ninyo, Facebook, kaibigan, kapitbahay, o iba pa)
7. Diagnosis (manggagamot po ang magtutukoy, ayon sa kanyang pagsusuri)
8. Action (manggagamot din po ang magdedetermina; halimbawa po ay counselling, payo, reseta, referral, o iba pa) Mananatili pong kumpidensiyal ang mga datos; hindi tutukuyin ang inyong pangalan o anumang pagkakakilanlan sa anumang report.
MAG
Ang MAG ay nagbibigay din po ng serbisyo ng kanilang mga volunteer na doctor, psychologist, psychiatrist, neurologist, internist, pediatrician, at iba pang espesyalistang doktor.
Kontakin po si DR AMY NG-ABCEDE kung nais ninyong magpakonsulta.
CP: 09982369934; 09658907715
Website: https://www.facebook.com/medicalactiongroup
PMPI
Ang PMPI po ay may mga boluntaryo rin, na karamihan ay mga psychosocial counsellor (nagbibigay ng payo sa inyong mga alalahanin). Katulad po ng sa INAM (sa itaas) ang pagtrato natin sa mga datos. Nasa ibaba rin po ang lista ng mga boluntaryo ng PMPI, at ng serbisyong pwede nilang ibigay, iskedyul ng konsultasyon, at paraan ng pagkontak sa kanila.
Sana po ay mapangibabawan natin ang COVID sa lalong madaling panahon. Patuloy po nating payo sa ating lahat ang physical distancing (1 dipa ang layo sa ibang tao), handwashing, disinfection ng mga doorknob at ibang parating hinahawakan, at pagpapalakas ng resistensiya (8 oras na tulog, libangan, masustansiyang pagkain).
May mga detalyado rin pong impormasyon na inihanda ang INAM Philippines tungkol sa pag-iingat sa COVID-19. Ipagtanong po sa inyong samahan o bumisita sa facebook ng INAM: Integratib Medisin.
Mag-ingat po tayong lahat tuwina.
Padayon!
Pls download and share the following to your social media accounts:
HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.