Tag Archives: karapatang pantao

[Blog] 10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 9 Kalikasan at karapatang pantao -Mokong Perspektib

10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 9 Kalikasan at karapatang pantao.

Vote for this article for the 5th HR Pinduteros’ choice awards…

Photo Screen-grab from KAISA UP Diliman FB page

Photo Screen-grab from KAISA UP Diliman FB page

“man’s environment, the natural and the man-made, are essential to his well-being and to the enjoyment of basic human rights–even the right to life itself.” UN

profile copy

Bilang pagpapatuloy ng ating Mokong year-ender wrap up mula sa http://mokongperspektib.wordpress.com/2014/12/26/10-human-rights-issues-ng-2014-no-10-climate-justice-campaign-yolanda-rehabilitation-etc/ , pumunta naman tayo sa ika-9 na pwesto para sa pinaka-tinangkilik na kampanya ng mga mambabasa ng HRonlinePH.com para sa taong 2014 ay ang “#HUGATREE ON EARTH DAY 2014” ng Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI).

HugATree Photo by PMPI

“The idea is very simple. Supporters of the cause will just post online a picture of themselves hugging a tree. They could post it on Facebook, on their own blog, on Twitter, or wherever so long as it can be seen by the public online. To generate bandwagon effect and to monitor the success of the campaign, we will use the hashtag #HUGaTree.

It is optional for the poster to explain why he/she is participating in the campaign, why he/she chose a particular location or tree, or anything that could add hype to the campaign. It is highly encouraged that the members of our network explicitly connect their explanation to mining, sustainable agriculture or climate change.

April 20-22: Uploading of individual pictures in support of the campaign”

Ang pag-hits ng mga posts tungkol sa envi at HR ay manipestasyon nga kaya na sa “subconscious” ng mga mambabasa ay umiiral ang matinding pagpapahalaga sa kalikasan? Ito ba ay dinudulot lamang ng sunod-sunod na environmental disaster na dinadanas sa ating bansa? Kung ano paman, ang mahalaga ay naiuugnay na ang kalikasan at karapatang pantao.

Kung anupaman ang mahalaga ay wala namang nahigad sa mga nag-#HugATree. Wala nga ba?

Read full article @mokongperspektib.wordpress.com

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Campaign] #HUSGAngBAYAN PARA SA KARAPATANG PANTAO -PAHRA

#HUSGAngBAYAN PARA SA KARAPATANG PANTAO

Vote for this campaign for the 5th HR Pinduteros’ Choice Awards

Gobyernong Pnoy: Pamamahala At Kaunlaran Sa Iilan,
Disgrasya Sa Karapatan Ng Mas Maraming Mamamayan!

BAGSAK SEAL copy
Sa ika-5 taon ng pamumuno ni Pangulong Aquino  ay sapat na ang ating nakita at naranasan upang makapagbigay ng ating pananaw at husga kung paanong inimplementa o nilabag  ang pag-respeto, pag-protekta at pagsasakatuparan ang mga karapatan pantao ayon sa mga pandaigdigang kumbesyon na nilagdaan ng ating pamahalaan.

Para sa ika-66 taon ng pagunita sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR, Dec. 10, 1948)  ilahad at pakinggan natin ang “#HUSGAngBAYAN PARA SA KARAPATANG PANTAO”  upang maging gabay ni PNoy sa kanyang nalalabing isang  taon at kalahating panunungkulan. Inaasahan din natin na mula sa kampayang ito ay maging tuntungan ng  pag-buboo natin ng isang Human Rights electoral agenda para sa mga susunod na kakandidatong opisyales  ng bansa sa 2016.

PANAWAGAN SA PAKIKI-ISA SA ON-LINE AT OFF-LINE CAMPAIGN:

I. On-Line  #HUSGA NG BAYAN para sa Karapatang Pantao

Nais nating mas marami ang maglabas ng kanilang mga pagtingin / husga sa HR record nga pamamahala ni Pang. Aquino mula sa publiko at mga organisasyon sa

sa mga social  media sites. Ang mga pagtingin/husga ay iko-konsolida at ibabahagi sa Press-Conference sa Dec 8 at ito din ang magiging batayan ng ating mga panawagan sa International HR Day sa Mendiola, Dec 10.

a)      I-download at gamitin (i-upload sa FB at Twitter) ang “Bagsak Seal” template/poster ng HR week Husga ng Bayan. (naka-attach psd. at jpeg)

b)      Samahan ng maikling paliwanag. Pangunahing Content/laman ng template ay:

CLASS CARD SAMPLE 1 copyCLASS CARD SAMPLE BLANK copy

GRADING/RATING  : FAIL or PASS (BAGSAK O PASADO)
URI NG KARAPATAN: PARTIKULAR NA KARAPATANG NALABAG
DAHILAN/ISYU/POLISIYA :   bakit BAGSAK (fail) ang inyong rating
LOGO/PIRMA: LOGO O PIRMA NG ORGANISASYON

Sa mga mahihirapan sa pag-gamit ng Bagsak Seal template sa photo shop maaaring diretsong mag post ng status sa wall at  i-attach ang  “Bagsak Seal” poster  at  sundin ang laman ng template, halimbawa:

GRADING: FAIL
URI NG KARAPATAN: LAHAT NG HUMAN RIGHTS
DAHILAN: Dahil walang National Human Rights Action Plan (NHRAP) ang Pilipinas  na 2 beses pang na ipinangako  sa United Nations  Universal Periodic Review (UPR 2008 at 2012)

c)      MAG CHALLENGE AT ITAG ANG LIMA (5) PANG KAKILALA Friends/Organisasyon/  Group himuking maki-isa sa pagbibigay ng grado kay PNoy bilang #HUSGAngBAYANparasaHR

Halimbawa: (Pwede na itong icopy at paste, palitan lamang g panglan/org na inyong mga gustong hamunin

“Sa pag-alala sa #HumanRightsWeek2014, hinamon ako ng @PAHRA na ibigay ang aking #Husga. Hinahamon ko rin si @Pedro @Juan @Maria @PRRM @Y4R  na ibigay din ang kanilang #HUSGAngBAYAN sa pamamahala ni PNoy para sa karapatang pantao at hamunin din ang 5 pang kakilala..”

or

“Sa pag-alala sa lingo ng karapatang pantao, hinamon ako ng @Rose na ibigay ang aking #Husga. Hinahamon ko rin si @Pedro @Juan @Maria @PRRM @Y4R  na ibigay din ang kanilang #HUSGAngBAYAN sa pamamahala ni PNoy para sa karapatang pantao at ibigay din ang hamon sa 5 pang kakilala.”

d) Maaaring maging malikhain at I-modify ang template/poster ayon sa inyong mga focus  ngunit hinihiling lang po natin na  makikilala pa rin ang image na kasama ito sa kampanya

e) Maaaring mag Blog kung mas detalye at mahaba ang inyong  nais ipahayag at ishare

f)      Laging gamitin ang hashtag na #HUSGAngBAYANparasaHR  at pls isama po sa tagging palagi ang ang PAHRA para sa mabilis na pagpapalaganap at konsolidasyon

Fb account:      philippinehumanrights
Twitter :          @PAHRAhr
E-mail:            pahra@philippinehumanrights.org

II. Off-Line activities : Events at  Mobilizations  

Nagsimula na po ang mga activities noong ika-26 ng Nob ng ilunsad  and 18 days of Activism Against Gender-Based  Violence at mag cuculminate ito sa isang sama-samang  mobilisasyon sa Mendiola sa ika-10 ng Disyembe , ang eksaktong araw ng pagunita ng International Human Rughts Day. Ngunit huwag pong kalimutan ang pahabol na Pride March sa Dec. 13. Kabuoang listahan ng mga activities (ibaba)

a) Inaanyayahan at in-eecouraged ang lahat na magsidalo at matuto pang lubos sa mga bago at pagpapalalim ng mga issues ng HR sa ibat’ibang pagtitipon (maliban po yong by invitation tulad ng dinner ng AI sa Dec. 3 – limitado po ang imbitado)

b) Makipag-talastasan  ng direkta sa mga lead organization/s na nakasaad sa listahan o mag-abang ng mga detalyte sa mga social network sites at ipapadala rin ng PAHRA lahat ng mga detalyeng aming makakalap.

c) Magpadala ng notice sa PAHRA kung may mga events pang hindi nasama para mai-post din po.

d) Ipalaganap ang mga activities at mag-imbita pa sa ibang mga networks at mga friends an gating mga activities para mas marami ang mamumulat sa HR

e) Sa mga organizers ng events at mobilization, kung maaari ay ma- irelate o ma-synthesize ang mga gawain na kakawing sa kampanya osa  husga/ pagtingin para sa karapatang pantao

g) SUMAMA SA MOBILISASYON sa DECEMEBR 10, 9:00 ng umaga sa Mendiola, Manila

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Karapatang Pantao, Ikasampu ng Disyembre. Ni Gregorio V. Bituin Jr.

Karapatang Pantao, Ikasampu ng Disyembre
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

Karapatang Pantao, ikasampu ng Disyembre
Araw ng taon, paggunita sa dangal at puri
May proseso ang bawat pagkatao ng marami
Pagkat iba-iba ang kultura ng bawat lipi
Marapat nating ipagtanggol ang ating sarili
Laban sa sinumang sa atin ay nang-aaglahi
Ang ginawa ni V ay di dapat ibintang kay G
Iwaksi na yaong ang mga asal ay kadiri
Sa sala ni X, bakit nagdurusa’y si Y at Z
Hindi natin dapat ihasik yaong maling binhi
Dapat loob natin ay nabubuhay sa mabuti
Ito ang sa araw ng karapata’y aking bati!

Igalang ang karapatang pantao by Greg Bituin

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Event] NAMELESS, CSSP, SAMASA Forum on Human Rights & Exhibit

NAMELESS, CSSP, SAMASA Forum on Human Rights & Exhibit

NAMELESS, CSSP, SAMASA Forum on Human Rights & Exhibit

When: December 9, 2013 Monday
Time2:00pm until 5:00pm
Where: 1st Floor Lobby, Palma Hall, UP Diliman

“Mga Hamon sa Karapatang Pantao sa Kasalukuyang Panahon”
in coordination with UP CSSP, SAMASA and UP Econ CWTS Students.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Statement] Ibasura ang Pork Barrel! Pondo ng Bayan, Direktang Ilaan sa Serbisyo at Kabuhayan -KAMP

KAMP on Pork Barrel

Ibasura ang Pork Barrel!
Pondo ng Bayan, Direktang Ilaan sa Serbisyo at Kabuhayan

Kahindik-hindik para sa Kampanya para sa Makataong Pamumuhay (KAMP) ang patuloy na pagkiling at pagtatanggol ng Pangulong Noynoy Aquino sa taunang alokasyon ng 25 bilyong pisong pondo ng bayan para sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na “pork barrel” sa kabila ng umaalingasaw na anomalyang kinasasangkutan dito ng maraming mga mambabatas, kasama na ang mga kaalyado ng kasalukuyang administrasyon.

Malaking insulto sa mamamayan na hindi malaman ni PNoy kung paano at saan ilalaan ang pondo sakaling tanggalin ito sa kamay ng mga nagpapasasang konggresista’t senador. Nakapagtatakang may nakikita pa siyang kabutihang naidulot ng PDAF samantalang malinaw na hanggang ngayon ay nananatiling tatlo sa bawat sampung Pilipino o 27.9 porsyento ng kabuoang populasyon ng kanyang mga “boss” ay naghihikahos at nadagdagan ng 600,000 ang dami ng mga nakaranas ng gutom mula Enero hanggang Marso 2013.

Nasaan ang pakinabang at sino ang nakikinabang sa buwis ng sambayanan? Kapos na kapos ang serbisyong nararapat para sa mamamayan. Sa halip na gamitin ang pondo para sa pangkalahatang proteksyong panlipunang magtitiyak ng wastong pamamahagi ng kita at kayamanan ng bansa tungo sa makataong pamumuhay para sa lahat, pilit na pinanatili ni PNoy ang kalakarang nakasalalay sa personal na pagpapasya ng iilan kung paano gagastahin ang kaban ng bayan.

Wala raw pondo para sa pangunahing karapatang pantao

Noong Marso 2013, ibinasura ni PNoy ang mungkahing batas, Magna Carta of the Poor, na magtataguyod ng limang pangunahing karapatang-pantao: wasto at sapat na pagkain, disente at abot-kayang pabahay, trabaho at kabuhayan, de-kalidad na edukasyon at serbisyong pangkalusugan. Ang dahilan: walang pondo at hindi nailagay sa dokumento ang katagang “progressive realization” o papa-unlad na pagsasakatuparan ng mga karapatang ito.

Ang taunang 25 bilyong pisong alokasyon sa PDAF ay katumbas ng pabahay para sa 62,500 pamilyang informal settler (P400,000 bawat isa). Halos 30 porsyento ng 92 milyong Pilipino ay informal settler. Tatlong taon nang naghihintay ang 104,000 pamilyang mahihirap na nakatira sa mga peligrosong lugar sa Metro Manila para sa katuparan ng P50 bilyong pabahay. Pautang pa ito ni PNoy samantalang ang PDAF ay libreng ipinamimigay!

Sa 25 bilyong piso, halos 14 milyong Pilipino na ang libreng maisasali sa programa ng PhilHealth gaano man kakapos ang serbisyong ibinibigay nito. Kahit paano’y maiibsan sana ang mahigit 50 porsyentong gastusin sa serbisyong pangkalusugan na direktang nanggagaling sa bulsa ng mamamamayan (Philippine National Health Accounts 2011).

Marami pang katumbas ang perang ito. Labas pa ito sa pondong nakalaan para sa mga programang nakatakda na sa ilalim ng mga ahensya ng pamahalaan at sa mismong pork barrel ng presidente.
Buwis, i-direkta sa Serbisyo, hindi sa bulsa ng sira-ulo
Tama si PNoy nang sabihin niya sa panayam ng mamamahayag na si Maki Pulido na kung sira-ulo ang magmamaneho ng kotse, pwedeng managasa. Pero alam na nga niyang sira-ulo, bakit bibigyan pa ng kotse? Unang-una, bakit ka mamimigay ng kotse na hindi naman sa iyo?

Malinaw na hindi buung-buong napapakinabangan ng mamamayang Pilipino ang PDAF. Panahon pa ng namayapang konggresistang si Romeo Candazo, ibinulaga na niya ang karumal-dumal na kalakaran sa paggasta sa pera ng mamamayan. May “kick-back” ang mga konggresista na umaabot sa mahigit kalahati ng presyo ng bawat proyektong pinopondohan ng pork barrel.

Tama at napapanahon na alisin na ang pork barrel. Tama at makatwiran na imbestigahan si Janet Lim-Napoles upang mapalutang ang mga senador at konggresistang kasabwat nito sa karumaldumal na krimen sa taumbayan. Ngunit, mas makakamit ang tunay na hustisya kung ang PDAF ay direktang pakikinabangan ng mga mamamayan.

Nararapat na ito ay ilaan sa proteksyon ng mamamayan laban sa lumalalang kahirapan at inekwalidad. Pondohan ang pagpapalawig sa serbisyong pangkalusugan, makataong programang pabahay lalo na sa mga maralita, paglikha ng trabaho, insurance para sa mga nawalan at hindi makakuha ng hanapbuhay, nakabubuhay na pension at suporta para sa mga matatanda at specially o differently abled, tiyak at de-kalidad na edukasyon para sa mga kabataan.

Alokasyon at Paggasta ng PDAF, walang Partisipasyon ang Mamamayan. Desisyon ng presidente ang alokasyon ng PDAF. Personal na diskresyon naman ng konggresista o senador kung paano gagastahin ang pondo.

Sa kalakhan, walang mahigpit na koordinasyon ang administrasyong Aquino sa mga civil society organizations kaya nakalusot ang mga pekeng NGO na naging kasabwat pa ng ilang mambabatas sa korupsyon sa pork barrel. Tama lang na maging mahigpit ang mga patakaran para sa mga grupong tumatanggap ng anumang tulong na gagamit ng mga pag-aari ng publiko.

Pagdating sa mga konsultasyon, kalimitang isinasali ng administrasyong PNoy ay mga kaalyadong organisasyon. Kung mapasama man ang mas malawak na pormasyon, puro mabilisang pagpupulong lang at madalas ay isinasantabi ang mga mungkahi ng mga ito sa kadahilanang walang “accreditation”. Suwertehin man na maimbita sa mga limitadong konsultasyon, wala pa ring saysay ang partisipasyon kung walang pagkilala ng mga ahensya ng pamahalaan.

Maraming paraan, hindi lang sa pamamagitan ng pork barrel, upang tiyaking ang buwis ng taumbayan ay direktang magsisilbi sa interes ng sambayanan. Ang mahalaga, paigtingin ng gobyerno ang mga mekanismo para sa malawak at makabuluhang partisipasyon ng mga mamamayan mula sa pagbubuo ng plano hanggang sa implementasyon at pagsubaybay dito. Ang kagyat na pagsasabatas ng Freedom of Information Bill ay isang kritikal na hakbang upang matiyak na sinusunod ng gobyerno ang mga prinsipyo ng accountability, transparency at partisipasyon ng publiko sa mga desisyon at gawain ng pamahalaan.

Honor ng mga Aquino: puro pagbabayad ng ilehitimong utang?

“Honor all debts” ang isang pamosong slogan ng ina ni PNoy, ang namayapang Presidente Cory Aquino. Dahil dito naisakripisyo ang serbisyong panlipunan para relihiyosong bayaran ang mga utang ng Pilipinas na karamihan ay hindi pinakinabangan. Nangutang pa ang gobyerno para bayaran ang mga ilehitimong utang na pinagpasasaan lang ng pamilyang Marcos at mga crony nito.

Ngayon, “honor all political debts” yata ang nasa likod ng katigasan ng sampalataya ni PNoy sa PDAF—isang paraan upang patuloy siyang suportahan ng mga pinagkaka-utangan niya ng kanyang tagumpay sa eleksyon at mapasunod o makontrol ang mga mambabatas. At kung ang batas na kaniyang sinusunod ay tulad ng Automatic Appropriations Law on Debt Servicing na awtomatikong nagtatakda ng budget sa pambayad-utang nang walang konsultasyon sa mamamayang pumapasan nito, delikado ang sambayanan.

Sa ganitong klaseng kalakaran, walang ibang natitirang sasandalan ang taumbayan kundi ang sarili niyang lakas at kapangyarihang singilin at sipain ang mga tila nagpapanggap na lingkod-bayan.

Sa ika-26 ng Agosto, aangkinin ng mamamayang Pilipino ang lakas at kapangyarihang ito: Isang milyong martsa sa Luneta at Mendiola. ###

Ibasura ang Pork Barrel!
Makataong Pamumuhay Para sa Lahat!

Kampanya para sa Makataong Pamumuhay (KAMP)
Ika-21 ng Agosto 2013

Iboto ang iyong #HRPinduterosChoice para sa HR NETWORKS POST.

Ang botohan ay magsisimula ngayon hanggang sa 11:59 ng Nov 15, 2013.

Ikaw para kanino ka pipindot? Simple lang bumoto:
• i-LIKE ang thumbnail/s ng iyong mga ibinoboto sa HRonlinePH facebook, i-share at
ikampanya.
• Bisitahin ang post sa HRonlinePH.com (links sa bawat thumbnail) at pindutin ang button sa
poll sa ilalim ng bawat nominadong post.
• Most number of the combined likes sa FB at sa poll buttons ang magiging 3rd HR Pinduteros
Choice na kikilalanin sa 2013 HR week celebration.

Makiisa sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa karapatang pantao. Pindot na!

WHAT IS 3RD HR PINDUTEROS CHOICE AWARDS? https://hronlineph.com/2013/10/01/3rd-human-rights-
pinduteros-choice-awards/

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Statement] Itaguyod ang karapatang pantao, sugpuin ang sapilitang pagwala! -FIND

PAHAYAG International Week of the Disappeared (IWD) May 27-31, 2013 ITAGUYOD ANG KARAPATANG PANTAO, SUGPUIN ANG SAPILITANG PAGWALA!

FIND

Nakikiisa ang FIND (Families of Victims of Involuntary Disappearance), mga pamilya, kaanak at mga biktima ng sapilitang pagwala sa buong mundo sa paggunita ng International Week of the Disappeared (IWD) mula Mayo 27 – 31, 2013. Ang taunang pag-alala na ito ay una nang sinimulan sa Latin America.

Ang paggunita na ito ay isang pagbibigay pugay sa mga naging biktima ng sapilitang pagwala, na kung tawagin ay enforced or involuntary disappearance. Ang enforced or involuntary disappearance ay isang karumal-dumal na paglabag ng karapatang pantao na isinasagawa upang patahimikin ang mga indibidwal na malayang nagsasalita at kumikilos para sa pagbabago ng lipunan.

Nagiging makabuluhan ang paggunita ng IWD dahil sa isang kasunduang internasyunal sa loob ng United Nations (UN) na nagbabawal ng sapilitang pagwala at pagkilala nito na walang sinumang tao, sa kahit anumang sitwasyon ay maaring dukutin at sapilitang iwala. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 38 na mga kaanib-bansa na pumirma at sumang-ayon sa kasunduang ito, ang International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance (ICPAPED). Kapansin-pansin na ang bansang Pilipinas ay hindi kabilang sa mga bansang ito.

Hindi maikaila na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong mahabang talaan ng mga biktima ng sapilitang pagwala. Ang kalakhan ng bilang nito ay idinulot ng mapaniil na diktaduryang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ang kabuuang bilang ayon, sa dokumento ng FIND, ay umabot ng 878 na hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring 613 na hindi matagpuan. Ang gawaing sapilitang pagwala ay nagpatuloy sa pagpalit-palit ng mga administrasyong sumunod. Sa katunayan, sa mahigit tatlong taong panunungkulan ni Pangulong Simeon Benigno C. Aquino III, ay mayroon nang 22 ka-taong dinukot at iniulat na sapilitang iwinala ng mga hinihilalang tauhan ng gubyerno o ahente ng estado.

Sa kabila nito, nagkaroon ng liwanag at pag-asa ang adhikain ng FIND na itaguyod ang karapatang pantao ng mamamayan at wakasan ang enforced disappearances nang lagdaan ng Presidente ang “Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012” noong Disyembre 21, 2012. Ngayon, maaari nang matulungan at makinabang ang mga biktima ng sapiltang pagwala sa pamamagitan ng programang rehabilitasyon, kumpensasyon at restitusyon, samantalang ang mga mapapatunayang may kagagawan ng krimeng enforced disappearance ay maaari nang sampahan ng kaso at managot sa ilalim ng batas, RA 10353.

Hindi nalalayo ang mga probisyon ng RA 10353 sa International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance (ICPAPED) kaya ang panawagan ng FIND sa pamahalaang Aquino ay isunod na, sa lalong madaling panahon, ang paglagda sa international convention. Ito ay isang kongkretong hakbang upang tuluyang puksain ang sapiltang pagwala sa bansa. hinihikayat din ng FIND, sa pakikipagtulungan sa mga municipal at city councils, ang paghain ng mga lokal na resolusyon na magdedeklara ng kanilang mga lugar na isang “Enforced Disappearance Free Area” bilang pagkilala at tugon sa batas, RA 10353.

Ang FIND ay tuluyang naninindigan at kikilos upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng sapilitang pagwala at mawakasan ang pagsasagawa nito. Samahan n’yo kami sa pagwawakas ng karumaldumal na gawaing ito at nang manaig ang pagrespeto sa karapatang pantao ng buong mamamayang Pilipino.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

wk of disappeared2 copysign petiton2 small

 

[Blog] Live webcast hinggil sa karapatang pantao ni Gregorio V. Bituin Jr.

Live webcast hinggil sa karapatang pantao

ni Gregorio V. Bituin Jr.

Isang malaking karangalan sa akin ang mapasama sa live webcast viewing ng Universal Periodic Review (UPR) ng Pilipinas nitong Mayo 29, 2012. Kasabay ito ng naganap na botohan ng mga senador sa impeachment. Isinagawa ang nasabing UPR sa ikatlong palapag ng multipurpose hall ng Commission on Human Rights (CHR) sa Daang Commonwealth sa Lungsod Quezon.

Nag-imbita ang PAHRA at PhilRights sa pamamagitan ng email at tawag sa telepono sa iba’t ibang NGOs at POs nang sila’y maimbitahan naman ng CHR para sa magaganap na live webcast. Maaga pa lang, bandang alas-dos ay naroon na ako, dahil nakalagay sa imbitasyon ay magsisimula ito ng 2:15 pm at magtatapos ng 8:15 pm. Nakaanunsyo rin ito sa HR Online. Maya-maya’t dumating na rin ang mga kinatawan ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), PhilRights, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Partido ng Manggagawa (PM), Medical Action Group (MAG), mga kawani ng CHR, Youth for National Democracy (YND), Sarilaya, Women’s Legal Bureau, mga department heads ng CHR, at marami pang iba. Ako naman ang kumatawan sa Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML). May photographer din at may taga-video sa loob ng session hall.

Mga 150 katao rin ang nakadalo sa live webcast, na nagsimula nang ganap na ikatlo ng hapon. Naka-LCD ito sa isang malaking pader. Malakas din ang sound kaya dinig ito kahit nasa bandang likod. Aircon ang silid na ang dingding ay salamin. Sa ibaba ng screen ay nakalagay ang http://www.unorg/webcast – United Nations Webcast. Sinimulan ang buong sesyon sa panalangin at sa pag-awit ng Lupang Hinirang.

Ang nag-emcee ay si Ms. Karen Dumpit ng CHR. At ang nagbigay ng paunang pananalita ay si Commissioner Norberto de la Cruz, Officer in Charge.

Sa live webcast, ang tagapag-ulat para sa Pilipinas ay si Department of Justice secretary Leila De Lima, na dating Chief ng CHR. Tinalakay niya ang ulat ng Pilipinas hinggil sa karapatang pantao sa harap ng mga kinatawan ng iba’t ibang bansa na pulong ng United Nations Human Rights Council.

Binanggit ni De Lima ang pagsasabatas ng amended Migrant Workers Act, ang amended Labor Code hinggil sa nightwork for women, ang pag-decriminalize sa libel, ang pagsasabatas ng Anti-Torture Act of 2009, at ang ASEAN Convention Against Trafficking. Marami pa siyang natalakay hinggil sa karapatang pantao sa bansa. Matapos niyang mag-ulat ay nagbigay naman ng pahayag ang iba’t ibang bansa. Ayon sa ilang mga kasama sa HR network, nasa 71 bansa ang nakatakdang magpahayag hinggil sa ulat ng Pilipinas.

Agad kong napansin dito ang iba’t ibang spelling ng mga bansa nang sila na’y magpahayag, magtanong at magkomento hinggil sa ulat ng Pilipinas. Ang una na rito ay ang bansang Singapour (Singapore), na imbes na pore na karaniwan nating alam ay pour na akala mo’y nagbuhos ang pagkabaybay sa pangalan ng bansa. Sumunod ay Slovaque, na tingin ko’y Slovakia, ang Serbia naman ay Serbie.

Saka ko lang naunawaan ito nang malaman kong sa Geneva nga pala sila nag-uulat. Gayunman, inilista ko ang mga pangalan ng bansang ito na nasa wikang Pranses, at sa talaan ay isinama ko ang tamang pagbaybay ayon sa nakikita natin sa Pilipinas. Gayunman, ang Philippines ay tama ang pagkabaybay.

Marami ding hindi mo agad maintindihan tulad ng Pays-Bas, na iyon pala’y bansang The Netherlands, kung saan ang Pays-Bas ay salitang Pranses, ang kahulugan ng pays ay mga bansa at ang bansa ay mababa (low countries).

Nagkomento hinggil sa ulat ng Pilipinas ang mga bansang Corée du Sud (South Korea), Slovakia, Afrique du Sud (South Africa), Espagne (Spain), Sri Lanka, Suede (Sweden), Thailande (Thailand), Timor Leste (East Timor), Trinidad an Tobago (Trinidad and Tobago), Emirats Arabies Unis (United Arab Emirates), Royaume-Uni (United Kingdom), Etats Unis (USA), Uruguay, Venezuela, Viet Nam, Australie (Australia), Austriche (Austria), Azerbadjan (Azerbaijan), Bahrein (Bahrain), Belarus, Bresil (Brazil), Brunei Darussalam, Cambodgie (Cambodia), Canada, Chile, Cuba, Danemark (Denmark), Egypte (Egypt), France, Saint-Siege, Allemagne (Germany), Indie (India), Indonesie (Indonesia). Di gaanong kita ang buong pangalan ng ilang bansang nag-ulat pagkat nakapokus ang camera sa tao kaya di na natin nalaman kung paano ang pagka-spell, tulad ng Bangladesh, Belgium, Ecuador, atbp.

May mga bansang lalaki ang nagsasalita ngunit boses-babae, tulad ng Qatar. Meron namang babae ang nagsasalita ngunit boses-lalaki, tulad ng Madagascar. Haka ko, hindi nagsasalita ng Ingles iyong iba at interpreter nila ang nagsasalita, mga interpreter na nasa kanilang likod at nakatayo. Nabanggit naman ng Australia na dapat mahuli at managot pag napatunayan ang mga suspek sa mga extra-judicial killings sa Pilipinas, tulad nina Palparan, Reyes ng Palawan at mga suspek sa Maguindanao massacre.

Sinagot ni De Lima ang mga tanong at mungkahi ng mga nagpahayag na bansa. Sinabi niyang pinaigting na ang pagsubaybay (monitoring) ng bansa hinggil sa EJK (extra-juducial killings), sapilitang pagkawala (forced disapperances) at torture. Nagtayo na rin ng special task force ang DOJ kasama ang independyenteng CHR, at meron silang MOA (memorandum of agreement). Nagkaroon na rin ng legal remedies tulad ng writ of habeas data. Pagpapatibay ng witness protection program. Pagkakaroon ng IRR (implementing rules and regulations) ng Ra 9745 o Anti-Torture Act of 2009. Pati na rin ang Rome Statute – RA 9851 na batas hinggil sa IHL international humanitarian law, genocide, atbp. Meron na ring panukalang batas (bill) sa kongreso hinggil sa sapilitang pagkawala.

Pinagsalita rin ni De Lima ang dalawa niyang kasamahan, tulad ng Executive Director ng Philippine Commission of Women (PCW) at Undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Di ko na nakuha ang kanilang mga pangalan. Iniulat ng taga-PCW ang hinggil sa reproductive and sexual health, mother and children’s health at anti-discrimination bill, habang iniulat naman ng taga-DSWD ang hinggil sa right to education, basic literacy program, rescuing child laborers, at ang anti-pornography council. Nakita rin sa video si CHR Commissioner Etta Rosales, ngunit di siya nagsalita sa harapan ng UNHRC.

Ang sumunod na bansang nagpahayag ay ang Iraq, Irlande (Ireland), Jamaique (Jamaica), Laos, Lettonie (Latvia), Liechtenstein, Madagascar, Malaisie (Malaysia), Mexique (Mexico), Qatar, Myanmar, Pays-Bas, Nouvelle-Zelande (New Zealand), Nicaragua, Noruege (Norway), Pakistan, Palestine, Portugal at Maroc (Morocco).

Sinagot ni Sec. De Lima ang mga katanungan mula sa Laos, Mexico, New Zealand at Morocco. Ayon sa kanya, isinasagawa ng Pilipinas and prosecution and conviction of traffickers, rescue of traffic victimes, awareness raising, at ang recent ascension ng Pilipinas sa Rome Statute. Pinagsalita niyang muli ang taga-DSWD na nag-ulat hinggil sa PWDs (persons with disabilities) kung saan ang mga ito’y may 20% discount sa mga gamot mula sa Mercury Drugs, at 5% discount naman sa mga pangunahing bilihin. Meron din umanong panukalang batas na pag-amyenda sa Magna Carta on PWD upang igiit ang pantay na pagkakataon sa pagtatrabaho.

Dinagdag din ni De Lima ang pag-institusyonalisa ng mekanismong feedback. Kasama rin, anya, ang anti-poverty and corruption sa 16-Point Agenda ng social contract sa mamamayang Pilipino. Ayon pa sa kanya, nagpunta ang mga kinatawan ng Pilipinas sa Geneva dahil sa kanilang human rights obligation, at ang lahat ng rekomendasyon ng mga bansa ay kanilang pag-aaralan. Sa huli’y nagpasalamat na siya sa pangulo ng UNHRC na isa ring babae, at sa lahat ng mga kinatawan ng mga bansa.

Bandang 6:30 na ng gabi, nagkaroon kami ng 5 minutes break sa loob ng session hall. Matapos iyon ay nagpahayag ang ilang mga dumalo sa live webcast na iyon ng kanilang kuro-kuro. Unang nagsalita ang kinatawan ng PAHRA na si Rose Trajano kung saan iniulat niyang tatlong bansa ang nagrekomenda ng pag-ratify ng optional protocol, at 5 silang naroon sa Geneva, na kinatawan ng iba’t ibang human rights organization sa bansa upang mangampanya hindi sa mismong pulong kundi sa paggawa pa lamang ng draft. Ang ikalawa’y nagpahayag hinggil sa compensation bill. Ang ikatlo’y nagsalita ang mula sa Komite ng Edukasyon ng CHR. Ang ikaapat ay mula sa BMP. Ang ikalima’y mula sa Women’s Legal Bureau, sumunod ay mula muli sa CHR. At nagpahayag din ang tagapangulo ng PAHRA na si Max De Mesa.

May mga nagpahayag na may kakulangan din ang mga ulat ng Pilipinas, tulad ng hindi pagdodokumento sa mga paglabag sa karapatan ng manggagawa. Ngunit sinagot ito na dapat ay verified cases lang ang iniuulat. Ibig sabihin, ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ay dapat agarang iulat sa kinauukulan.

Matapos ang pagpapahayag ng mga kuro-kuro, ipinakilala naman ang bagong website ng karapatang pantao – ang iHumanRights.ph. Meron silang planong sa Disyembre 2012, dapat meron nang “over 40,000 documents encoded and categorized by HRV, UPR and Treaty Bodies”. Inanunsyo rin dito ng emcee ang aklat na “A Road in Search of a Map: The Philippines’ Human Rights Compliance”. Ang nilalaman nito’y mga tinipong akda ng CHR at Civil Society Reports para sa “2nd Cycle Universal Periodic Review (UPR) Process for the Philippines, 2008-2011″, at naglalaman ito ng 92 pahina, na nasa 6″ x 9” ang sukat. Limitadong kopya lang ito at nakakuha ako ng isang kopya.

Hindi naman kami nagutom dahil habang kami’y nakikinig, maya’t maya ang dating ng mga pagkaing Pinoy, tulad ng cornick, banana cue, fish ball, palamig na sago, at may mineral water. Ang hapunan naman namin ay binalot, kung saan namili kami sa limang klase ng ulam: tapa, tosino, baboy, adobo at manok. Ang pinili ko ay tapa.

Bago umuwi’y naglitratuhan muna sa harapan kasama ang mga dumalo habang hawak nila ang tarpouline hinggil sa naganap na live webcast sa CHR. Alas-otso na ng gabi nang kami’y umalis sa lugar.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Mensahe para sa Human Rights Online Philippines -Philippine Coalition on the U.N. Convention on the Rights of Persons with Disabilities

MENSAHE PARA SA HUMAN RIGHTS ONLINE PHILIPPINES

Sa aming mga katuwang sa pakikipaglaban sa karapatang pantao…

Ipinaabot nang Philippine Coalition on the U.N. Convention on the Rights of Persons with Disabilities, isang samahang binubuo, nang mahigit na 20 sa mga pinakamamalaking aktibong samahan nang mga may kapansanan sa ating bansa – ang aming malugod na pagbati sa inyong taon nang pagkakatatag. Salamat at niyakap ninyo ang aming Koalisyon nang walang hinihintay na kapalit kung hindi maitaguyod din ang karapatan nang mga Pilipinong may kapansanan. Sa matagal na panahon, natulog ang pamahalaan at lipunan, sa maraming mga hinaing ng milyun-milyong nasa sa sektor nang may kapanansanan.

source: pinoydeaf.wordpress.com

Nanininwala kami na sa inyong patuloy na pagkandili, maabot din namin ang kalagayan ninyo ngayon, na iisa, at samasamang nagtataguyod nang mga karapatang pantao. Hinahangad nang Koalisyon, na patuloy tayong magkakapit-bisig at aani pa nang maraming bunga sa ating pagkakaisa! Hangad din namin na magpatuloy kayong gumabay at sumoporta sa aming Koalisyon, bilang inyong bunsong kapatid sa larangang ito.

Umasa kayo, na sa abot nang aming kakayahan, makikiisa kami sa inyong layunin, tungo sa isang lipunan at pamahalaang nagtataguyod nang mapayapa, at nagpapatupad nang karapatang pantao, salig sa batas nang Diyos, at nang tao!

Mabuhay ang inyong, samahan!
Asahan ninyong lagi kayong magiging laman nang aming mga panalangin!
Philippine Coalition on the U.N. Convention on the Rights of Persons with Disabilities

Alyansa ng may Kapansanang Pinoy
Autism Society Philippines
Government Union for the Integration of Differently-Abled Employees
Katipunan ng mga Maykapansanan sa Pilipinas
Las Pinas Persons with Disability Federation
Leonard Cheshire Disability Philippines
Life Haven
New Vois Association
Nova Foundation
Parents Association of Visually impaired Children
Philippine Association for Children With Developmental and Learning Disabilities
Philippine Chamber for Massage Industry for Visually Impaired
Philippine Deaf Resource Center
Philippine Federation of the Deaf
Punlaka
Quezon City Federation of Persons With Disabilities
Tahanang Walang Hagdanan
Women with Disabilities Leap To Social and Economic Progress

Secretariat c/o ASP office
Room 307, ML Bldg, Kamias Road, Quezon City
Philippines 1102
Tel/fax 632.926.6941, 929.8447

[In the news] Obispo, binigyan ng pasang-awang marka si PNoy sa isyu ng human rights | GMA News Online

Obispo, binigyan ng pasang-awang marka si PNoy sa isyu ng human rights | GMA News Online | The Go-To Site for Filipinos Everywhere.

January 25, 2012

  Inihayag ng isang Obispo ng Simbahang Katoliko na malamya ang administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagsusulong ng karapatang pantao.

Dahil dito, sinabi ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, na dapat lang bigyan ng pasang-awang marka si Aquino sa human rights dahil marami pa rin umanong nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

Ayon sa obispo, patuloy ang extra judicial at political killings sa panahon ni Aquino gaya nang pagpatay sa mga mamamahayag katulad ng environmental advocates na si Dr. Gerry Ortega.

Si Ortega ay binaril at napatay sa Palawan noong nakaraang taon.

“If I would rate the President from 1 to 10, 10 is the highest, I would give him five. Dahil recently journalists and even radio commentators are killed at mga political person at mining activists napapatay din,” paliwanag ni Bastes sa panayam ng Radio Veritas nitong Miyerkules.

Read full article @ www.gmanetwork.com

[Right to love, Right now] Article 31: The Right to LOVE

[Right to love, Right now] Article 31: The Right to LOVE

Dear readers,

Madalas sabihin, madalas igiit, ang sinasabi ng marami. “Tao ako… karapatan kong magmahal at mahalin…”

Naitanong n’yo na na ba sa inyong sarili kung may sinasabi ang UDHR hinggil sa right to love?

Well, let’s see… kung ano ang masasabi natin sa ilan sa mga natatanggap nating mga liham hinggil sa komplikasyon ng puso. Nais naming kayong anyayahang bigyang linaw ang mga usapin ng puso bago pa man ito umabot sa United Nations at i-assert ang universality ng the right to love… at singilin ang mga estado hinggil sa respect, protection at fulfillment ng karapatang ito. Karapatan nga ba ito?

Kaya naman naisip natin na maglaan ng isang segment hinggil sa naglulumikot na isyung ito.

Dear readers, sadya ngang nakakalito, maging ako ay pinaisip nito… kaya pala may mga FB account na ang relationship status ay “complicated.” In a relationship ngayon, maya-maya ay single na. Ano ba talaga?

Inaanyayahan namin kayong bagtasin ang isyu ng puso, ang isyu ng abstraktong mundo ng pag-ibig.

Heto ang isa sa mga liham na ating natanggap…

Dear Ms Right,

Nahagip ko po ang inyong website habang nag-susurf sa internet, at nalaman ko po na kayo ay advocate ng Human Rights. Nais ko lang pong ibahagi ang aking kwento at humingi ng payo na base sa aral sa karapatang pantao.

Ito po ang aking maikiling kwento.

Ako po ay lalaki na may gulang na dalawangpu’t walo, limang taon ng may asawa at may dalawang anak, 1 year old at 5 years old. 2 years ago po may nakilala po akong isang babae na pitong taon ng may kasintahan, kami po ay nagkamabutihan at umibig sa isa’t isa. Dalawang taon po kaming nagkaroon ng lihim na relasyon. Dalawang taon po kaming naging masaya at sa sobrang saya ay para kaming nakalutang sa ulap kapag kami ay magkasama. Siya na po ang gusto kong makasama habang buhay.

Hangang pumasok ang bagong taon 2012, ako po ay nakatanggap ng SMS galing sa kanya na ang aming relasyon ay aksidenteng nalaman ng kanyang kasintahan. Tinangap po sya at ang kanyang nagawang kasalanan ng kanyang kasintahan, at sya din naman po ay nakapagdesisyon na itigil na ang aming relasyon. Sabi nya po ay ayusin ko na lang daw po ang aking pamilya.

Kasalanan po ba ang umibig at maging masaya? Bakit po hindi na pwedeng umibig ang taong may pamilya na? Hindi ko po ba karapatang umibig at ibigin at hanapin ang kaligayahan?

Itago natin ang nagpadala ng liham sa pangalang “Loverboy palaboy.”

Well readers… inaanyayahan ko kayong tulungan si Loverboy palaboy na mapayuhan. Well what can you say?

humihingi ng inyong mga comments, right love-right now! Libre ang magpayo.

Lovingly your’s,

Miss Right