5th Human Rights Pinduteros’ Choice Awards Night

5th Human Rights Pinduteros’ Choice Awards
Taos puso ang pasasalamat ng Human Rights Online Philippines (HRonlinePH.com) sa lahat ng nakiisa sa matagumpay na 5th Human Rights Pinduteros’ Choice Awards Night na ginanap nitong ika-4 ng Disyembre 2015 sa Café Mizmo Bar sa Kamias Rd., Quezon City.
Ang tagumpay ng gabi ng pagkilala at pagpupugay ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mga networks at kasamahan sa kilusan para sa karapatang pantao. Kabalikat sa pagtatanghal ay ang isa sa mga institusyon ng kilusan para sa karapatang pantao sa bansa, ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP).
Gayundin sa koordinasyon at ambag ng Alyansa Tigil Mina (ATM), Families of Victims of Involuntary Disappearances (FIND), Philippine Movement for Climate Justice at walang humpay na pagtulong ng mga kaibigan mula sa ShotList Films.
Isang pamilyar na tinig ang naging hudyat ng pagsisismula ng simpleng gabi ng pasasalamat na iyon. “Magsitayo po tayo para sa pambasang awit ng Pilipinas…” ika nito at tumalima naman ang mga pamilyar ding mga mukha na halos umukopa sa Café Mizmo Bar. Tumaginting ang tunog ng “drum rolls” mula sa video ng Lupang Hinirang na naka-flash sa gawing itaas ng entablado.
Umawit ang lahat, isang pormalidad na nakagawiang pagsisimula ng halos lahat ng ‘events.’
Sinundan ito ng pagbabasa ng pamilyar na tinig, ng isang liham. Akmang-ama ang liham na mula sa yumaong si Ka Popoy Lagman upang maghubog ng tono ng gabi ng parangal. Bilang maagang pag-alala sa “International Human Rights Day sa December 10” at sa lahat ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Sinundan ang liham ng video nagpapakita ng mga naging awardee ng mga nagdaang taon.
Matapos nito ay nadagdagan ang mga ilaw na nagpaliwanag sa gawi ng maliit na entablado. Sapat lamang upang maipakita ang nagmamay-ari ng pamilyar na tinig na si Sunshine.
Si Sunshine ay mula sa Task Force Detainees of the Philippines, ang ka-partner ng Human Rights Online Philippines sa paghahandog ng 5th Human Rights Pinduteros Choice Awards. Kasama rin si Egay na mula rin sa TFDP at miyembro ng HRonlinePH.com team bilang tagapagpadaloy.
Ang unang pagkilala ay ibinigay sa HR Pinduteros Choice for HR Photos, videos at events.
Mga larawang sadya nagpapayag
sa mga karapatang niyuyurak
Pagkadismaya sa kalagayan ng mga biktima
Sa bagyo man tulad ni Yolanda,
O tinaman ng delubyo ng pagmimina…
Larawang ng pagbubunyi ng mga tao sa Lobo
O pagpuna sa nagawa ng Presidenteng Abno…
May naghahangad ng kapayapaan,
Lalo’t sa mga biktima ng digmaan.
May tinupok ang pag-asa sa sunog ng pabrika
O humihingi ng hustisya sa pagbabago ng klima.
Alin kaya sa kanila
Sa pindot mo natin sila makikilala…
Mula sa siyam (9) na larawang nakakuha ng maraming hits ay tinanghal ang “We are all Jennifer! Photo by Justice for Jennifer Laude FB page” bilang Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Photos

“We are all Jennifer! Photo by Justice for Jennifer Laude FB page” bilang Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Photos
Finalists for the top Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Photos
- Lobo rejoices for cancellation of mining resolution photo by Jonal Javier ATM
- Kentex photo by CTUHR
- Coalition for All-out Peace and Social Justice Launched Photo by Lai Pot
- Human Rights in the Aquino Administration Photo by Sonny Resuena
- PH human rights defenders, courageous, tenacious and endangered- international human rights report Photo by PAHRA
- Workers in Leyte, still far from recovery a year after Haiyan Photo by CTUHR
- We are all Jennifer! Photo by Justice for Jennifer Laude FB page
- CAED calls on the Philippine Government to sign and ratify the Convention immediately! Photo by TFDP
- Protect our common home, unite towards ecological justice! Photo by ECOJIM
Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Videos
Mga bidyong nagpapakita sa araw araw na kaganapan,
Di man ito tungkol sa dubsmash, scandal,
O pangkababawan…
Pero talo pa nito ang telenobela
Sa komedya at drama…
May musikal na protesta
O game show ng tortyur sa isang biktima…
May mala-wish ko lang na peg ng isang bata
Sa kalagayan ng magsasaka sa isang hasyenda…
May napili ka na ba?
Nasa iyo ang pagpapasya…
Ang 5th Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Videos ay Torture- more fun in the Philippines by Amnesty International Philippines at Les Vulnerable Anthem by PMCJ
Ang 5th Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Videos ay Torture- more fun in the Philippines by Amnesty International Philippines at Les Vulnerable Anthem by PMCJ
Finalists for the top Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Videos
- “Agaw-Lupa” (Land Grab) by Focus on the Global South
- Torture- more fun in the Philippines by Amnesty International Philippines
- Jek-jek’s wish toygether we can make a difference – The Toy Project
- Les Vulnerable Anthem by PMCJ
HR Pinduteros’ Choice for HR Events
Sa anumang kampanya
May kanya-knyang panawagan.
May karapatan sa online
O tutol sa nukleyar,
May sumimpatya sa SAF 44
At nanawagan all out war…
Napanood nyo ba walang paalam?
O nakilahok QC pride march..
Naki-ECOWalk for climate justice?
O Sumali sa NLUA photo contest
O bumili ka na ba ng libro
Tungkol sa mga kathang rebolusyunaryo…
Saan ka naroon
Nang nangyari lahat ito?

5th Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Events-Future of #PhInternet: A Philippine Multistakeholder Forum on Internet Governance, Human Rights, and Development by FMA
Finalists for the top Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Events
- Future of #PhInternet: A Philippine Multistakeholder Forum on Internet Governance, Human Rights, and Development by FMA
- Quezon City LGBT Pride March
- National Land Use Act: A Safer Future for All of Us PHOTO CONTEST
- ECO-WALK 2015 by ECOJIM
- 2015 ASIAN NO NUKES Conference on Environment, Justice & Peace January 10, 2015 Nuclear Free Pilipinas
- “Walang Paalam” showing by AFAD
- #TruthandJusticefortheFallen64+ candle lighting by Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Coalition against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATWAP), World March of Women, Stop the War Coalition,
- Public Forum: ‘The State of the Peace Process and the BBL: A Citizens’ Conversation’ by IID
- Mariani Dimaranan, SFIC, Human Rights Defenders Awards by TFDP
- Book Launching: Hasik 1: Bigkis ng Unang Ani; Koleksyon ng mga Akdang Pangkultura ng Kilusan
HR Pinduteros’ Choice for HR Network’s posts
Humataw ang hits ng mga post na ito
Press Release, Statements o mga komentaryo… Iba’t ibang boses ng mga mamamayang naabuso
Ipinaglalaban karapatang pantao…
Subalit umangat sa kanila ng tinig ng mga guro..
Nanawagan ng parelease ng kanilang ‘one-month salary’ bonus noong Hunyo…
Sana maambunan man lang tayo…
Ang HR Pinduteros Choice for HR Network’s posts ay…. [Press Release] Teachers to gov’t: Release ‘one-month salary’ bonus on June 1
![HR Pinduteros Choice for HR Network’s posts -[Press Release] Teachers to gov’t: Release ‘one-month salary’ bonus on June 1 by Teachers Dignity Coalition](https://hronlineph.files.wordpress.com/2015/12/5th-hr-pinduteros-awards-nights-photo-by-olegs-16.jpg?w=860&h=574)
HR Pinduteros’ Choice for HR Network’s posts -[Press Release] Teachers to gov’t: Release ‘one-month salary’ bonus on June 1 by Teachers Dignity Coalition. Photo by Rapha-El ‘Olegs” Olegario
1 [Press Release] Teachers to gov’t: Release ‘one-month salary’ bonus on June 1
2 [Press Release] Lobo rejoices for cancellation of mining resolution -ATM
3 [Statement] Immediately remove CHR Commissioners “Midnight” Appointment!-PAHRA
4 [Statement] Justice and Peace to the “Fallen 44” and to the Victims of an Unjust War in Mindanao -BMP
5 [Statement] Bongbong Marcos has no right to deny that inhumane and cruel transgressions were committed during his father’s regime -FIND/AFAD
6 [Press Release] Coalition for All-out Peace and Social Justice Launched
7[Statement] of the fact-finding team on the Kentex Factory Fire -CTUHR
8[Statement] Human Rights in the Aquino Administration: Failure of Leadership, No Direction, Impunity Perpetuated -PAHRA
9[Press Release] Civil society groups nominate staunch human rights advocates for CHR posts -PAHRA
10 [Statement] PhilRights Statement During the Public Hearing on the Re-imposition of the Death Penalty in the Philippines
HR Pinduteros’ Choice for HR Featured Site
May mga bagong mga feaured sites si HRonlinePH.com
Blogsites, websites, FB pages o campaign online
Mayroon nakatutok sa kanilang adbokasiya,
Mayroon din nagpapakita ng kanilang mga programa…
Nabisita mo na ba sila?
Tiyak na matuto ka….
Ito po sila,
Lahat may ibubuga…
Sigawngkabataan.wordpress.com
Parasapilipinas.ph
RESPECT fast-food-workers FB page
Aseansogie.wordpress.com
its-never-hard-to-be-green-facebook-page
kanlungancentre-blogspot-com
y4r-youth-for-rights-facebook-page
ecological-justice-interfaith-movement-facebook-page
Ang HR Pinduteros Choice for HR Featured Site natin ay… Y4R-Youth for Rights FB page

5th HR Pinduteros’ Choice for HR Featured Site -Y4R-Youth for Rights FB page. Photo by Rapha-El ‘Olegs” Olegario
Finalists for the top Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Featured Site
- Sigawngkabataan.wordpress.com
- Parasapilipinas.ph
- RESPECT fast-food-workers FB page
- Aseansogie.wordpress.com
- its-never-hard-to-be-green-facebook-page
- kanlungancentre-blogspot-com/
- y4r-youth-for-rights-facebook-page
- ecological-justice-interfaith-movement-facebook-page/
HR Pinduteros’ Choice for HR Pinduteros’ Posts
Isang suking manunulat ang ating pararangalan
Isang guro, manaliksik at makata…
Nagsulat sa iba’t ibang isyu ng bayan
Kahit kasaysayan kanyang inaanalisa.
Di keso “squatter” ka, wala ka ng karapatan,
Aniya’y si Bonifacio, mga anakpawis ang pinaglaban…
Wala sa edukasyon ang pagmamahal sa bayan, kung hindi ang kumilos para sa kanyang ganap na kasarinlan…
Ang HR Pinduteros Choice for HR Pinduteros’ Posts – Jose Mario De Vega

HR Pinduteros Choice for HR Pinduteros’ Posts – Jose Mario De Vega. Photo by Rapha-El ‘Olegs” Olegario
Finalists for the top Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Pinduteros’ Posts
- [Blog] Ang Kahalagahang ng Desisyon ng BOR ng UDM upang isama sa kanilang Kurikulum ang Kursong Andres Bonifacio ni Jose Mario De Vega
- [Blog] Ang Pagpapatuloy ng Bulag na Pagdakila: si Jose Rizal by Jose Mario De Vega
- [Blog] Pamantayan, Pag-iisip at Pagkatuto ni Jose Mario De Vega
- [Right-up] Isang Bukas na Liham para sa so-called Executive Director Daw ng National Historical Book Selling Commission of the Felipins -Ni Jose Mario De Vega
- [Blog] On Popularizing War and the Mamasapano Killing by Norman A. Novio
- [Blog] 10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 9 Kalikasan at karapatang pantao -Mokong Perspektib
- [Blog] Utak Pulburang Rasista ni Jose Mario De Vega
- [Featured post] Bonifacio, indeed, Ang Unang Pangulo by Angelica Carballo January 7, 2015
- [Tula] Pasko ba? ni Vonn Adlawan
- [Tula] Taas Kamao ni Greg Bituin Jr.
- [Tula] Walang pangalan ang mga namatay sa sunog sa Kentex ni Greg Bituin Jr.
- [Appeal] An Open Letter to Pope Francis -Ron De Vera/AFAD
HR Pinduteros’ Choice for HR Blogsite
Isang pang blogger ang ating kilalanin.
Siya’y nag-aasikaso sa claims ng mga martial law vicitms.
Sa kanyang blog , na bigla ang lahat…
Mayroon pa din pala sa kabataan ngayon ang mulat.
HR Pinduteros Choice for HR Blogsite – koihernandez.wordpress.com ni Maria Karol Hernandez

HR Pinduteros Choice for HR Blogsite – koihernandez.wordpress.com ni Maria Karol Hernandez. Photo by Rapha-El ‘Olegs” Olegario
Finalists for the top Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Blogsites
- renatomabunga.wordpress.com
- matangapoy.blogspot.com
- mokongperspektib.wordpress.com
- dars0357.wordpress.com
- koihernandez.wordpress.com
- cannotallowtorture.blogspot.com
- politicsforbreakfast.blogspot.com
- healthactivist.ph
- olegs87.wordpress.com
- rodgalicha.com
HR Pinduteros’ Choice for HR Campaign
May mga kampanyang sadyang namayagpag,
Patunay lang ito ng kanilang tiyaga at sipag…
Papatalo ba naman ang mga kababaihan
Women’s Month celebration, di mo yan makakalimutan.
Pero ang pagkilala sa mga bayani,
Sadyang humakot ng kay dami…
Madali lang daw maging DAKILA,
Dahil para sa DAKILA, kahit sino makakaya…
May Urgent Alert din tungkol sa pag-aresato
Sa isang makabayang abugado…
Na kahit na ang buhay ay malagay sa peligro
Patuloy na ipagtatangol ang mga maliliit na tao.
Halina’t kilalanin natin sila,
Baka sakaling tayo’y turuan nila…
Kung paano makakuha ng suporta,
At mapakilos ang madla.
Ang dalawa nating HR Pinduteros Choice for HR Campaigns ay nagmula sa DAKILA at TFDP
Finalists for the top Human Rights Pinduteros’ Choice for HR Campaign
- [Urgent Alert] Philippines: A Lawyer and Human Rights Defender was Arrested During Forced Eviction of Residents in Mandaue City, Cebu Province -TFDP
- [Urgent Appeal] Harassment and Frustrated Killing of Indigenous People Leader -MAG
- [Campaign] We are students, not customers! #EducationNot4Sale! -Sigaw ng Kabataan Coalition
- [Urgent Appeal] Recent demolition and pending relocation of residents of Radial Road 10 North Bay Boulevard, Navotas City -TFDP
- [Urgent Appeal] Labor leader Arrested and Detained -TFDP
- [Petition] Take Action: Urge Philippines Congress to #StopTheDiscrimination! – IGLHRC
- [Urgent Action] Two Civilian Agta Women Arrested Arbitrarily and Psychologically Tortured by Police and Soldiers- TFDP
- [Urgent Appeal] Killing of a Human Rights Defender -TFDP
- [Campaign] #HUSGAngBAYAN PARA SA KARAPATANG PANTAO -PAHRA
- [Campaign] It’s about time we celebrate our SHEroes! -DAKILA
- [Appeal] Free Apung Tony Tolentino, Protect Human Rights Defenders!
- [Campaign] Dalawang dekada ng disgrasya sa kalikasan at mamamayan, SOBRA NA! TAMA NA! PALITAN NA MINING ACT OF 1995!
People Category – Pasasalamat
- Fr. Shay Cullen
- Dr. Boyet Mabunga
- Ms. Judy Pasimio
- Prof. Walden Bello
HR Pinduteros’ Choice for HR Website
- philippinehumanrights.org
- philrights.org
- amnesty.org.ph
- clrdc.wordpress.com
- ctuhr.org
- tfdp.net
- alyansatigilmina.net
- magph.org
- balayph.net
- fdc.ph
(Special Awards – 5 All time most clicked na posts mula nang itatag ang HRonlinePH.com nuong 2011)

Special Awards – 5 All time most clicked na posts mula nang itatag ang HRonlinePH.com nuong 2011. Photo by Rapha-El ‘Olegs” Olegario
- Greg Bituin Jr. (Pinduteros’ posts)
Lahat ng tao’y may karapatan –
Posted sa HRonlinePH.com May 1, 2011
- Jose Mario De Vega (Pinduteros’ posts)
Isang Bukas na Liham para sa Lahat ng mga Mamamayang-Pilipino
Posted sa HRonlinePH.com August 23, 2013
- Teachers Dignity Coalition (HR Network’s Posts)
[Press Release] Teachers to gov’t: Release ‘one-month salary’ bonus on June 1
Posted sa HRonlinePH.com May 27, 2015
- Darwin Mendiola (Pinduteros’ posts)
Five Reasons why Marcos should not be buried at the Libingan ng mga Bayani
Posted sa HRonlinePH.com September 24, 2014
- DAKILA (HR Network’s Posts)
[Press Release] CLIMATE WALK: People’s Walk for Climate Justice, 40-day Climate Walk to Tacloban kicks off in Luneta
Posted sa HRonlinePH.com October 3, 2014
Aksyon Klima Pilipinas, Bulig Visayas, Dakila, Global Call to Action Against Poverty – Philippines, Greenpeace, Philippine Movement for Climate Justice, Sanlakas, Philippine Rural Reconstruction Movement, and interfaith groups.
Naghandog ng mga awitin si Wham ng Zone 1 at Y4R Caloocan
Naging makabuluhan din ang gabi sa pamamagitan ng photo exhibit naman ang Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND).Photo by Rapha-El ‘Olegs” Olegario
Closing challenge HRonlinePH.com
(Isinulat ni Darwin Mendiola at Binasa ni Dr. Boyet Mabunga para sa HRonlinePH.com team)
Ang karapatan natin online
ay karapatan din natin offline…
Kung nasisiil ang karapatang ito offline,
May mga bantang paniniil din online…
Kung nalabag ang karapatan natin sa mapayapang pagtitipon…
Di malayong apakan ang karapatan natin sa pagbibigay impormasyon..
Kung ano ang ating ipinakitang tapang sa gitna ng lansangan
Yan din ang kailangan para ang karapatan natin sa internet ay maipaglaban.
Kailangan ba natin ng batas para tayo maproteksyunan…
O isang deklarasyon ba a
y sapat para tayo ay kilalanin at pakingan…
Cybercrime ba ang malayang pagpapayag?
O isang itong represyon ng gobeyernong huwad.
Malang may dossier ka na sa ISAFP o NBI
Facebook mo pa lang, alam na ang iyong buong buhay…
o mag-ingat ka sa identity theft,
baka bukas may email ka na you need some help.
May dapat gawin, may dapat na seryosohin
Huwag na nating hintayin ang mangyari sa atin
Ang pagbabalik ng batas militar, di dapat isnabin
Dahil posible yan sa halalang dararating…
Si HRONLINEPH.com ay inyo lang plataporma…
Para maparating sa netizens ang ating mga adbokasiya..
Di dapat natin isawalang bahala
Na ang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ang siya nating mabisang sandata.
Upang mapanatili ang demokrasya…
At maitaguyod ang karapatan ng bawat isa…
Pledge of commitment
FIND (Dec 4 is the National Day of Prayer for the Disappeared)
Kami ay nanunumpang paninindigan
at isusulong ang mga simulain
at adhikain ng mga desaparecido
at lahat ng biktima ng paglabag
sa karapatang pantao…