[Tula] Pakikiisa sa laban ng health workers | ni Greg Bituin Jr.

PAKIKIISA SA LABAN NG HEALTH WORKERS
sa mga health workers kami’y sadyang nakikiisa
sa isyu nila, sampu ng aking mga kasama
upang itaguyod ang mga kapakanan nila
at kami’y sasama sa kanilang kilos-protesta
ipakita ang matagal na nilang mga hinaing
na ibigay na ang benepisyo nila, gayundin
ang hazard pay nila, allowance para sa pagkain
tirahan, transportasyon, special risk allowance din
anang ulat, nakaraang taon pa hinihintay
ng kanilang benepisyo’t allowance na’y ibigay
labing-isang bilyong piso ang kabayarang pakay
sa mga health workers na di pa nabayarang tunay
sobra-sobrang trabaho, kayliit naman ng sweldo
at ngayon, di pa naibibigay ang benepisyo
at allowance kaya protesta na ang mga ito
kinauukulan sana’y tugunan na ang isyu
bagamat di man health workers, nakikiisa kami
sa kanilang kilos-protesta’t sasama sa rali
kanilang laban ay aming laban, kami’y kasali
upang laban nila’y ipagwagi hanggang sa huli
- gregoriovbituinjr.
08.29.2021

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.