#HumanRights #Covid19ph
Ang mga nararapat na gawin ng gobyerno Hinggil sa Suliranin ng Pandemya at Kalusugan
Tanong:
Sapat na ba na matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan sa vaccine para sa ”recovery” natin mula sa pandemya?
Tugon:
Hindi! Kailangang muling irehistro ang mapait, kasuklam-suklam at kasumpa-sumpang katotohanan na ang rehimeng ito ang isa sa primordial na dahilan kung bakit nakapasok ang bee-rus na ito sa atin (hindi tayo nagdeklara ng Travel Ban sa mga pasahero galing ng Tsina) at ang pagiging tuta ni Mang Kanor sa China (ang kauna-unahang namatay ditto ng corona virus ay isang Chinese na galing mismo ng Wuhan na siyang epicentre ng global na pandemya noon) ang hindi mapapasubaliang salik na lalong nagpalubha at nagpalala ng pandemya dini sa atin!
Bukod sa kawalang malasakit at pagtingin sa kapakanan ng mga mamamayan, ipinakita din ni Mang Kanor ang kawalan niyang kaalaman at sampu ng mga inkompetente, impertinente at mga tungaw na miyembro ng gabinete na pawang mga walang kasanayan at walang kaalaman sa pagharap at pagtugon sa problema!
Ang problema ay pangkalusugan, ngunit na sa halip na mga ekpersto, siyentipiko, akademiko at mga alagad ng medisina ang manguna sa IATF — ay tinadtad ito ng mga militar!
Sa halip na nakabatay sa agham at siyeniya ang programa, ang ginawa ng rehimen ay militariayon na para ba gang matatakot ang virus sa sandamakmak na mga militar at pulis na nagsilipana sa mga kalsada. Hindi pa nakuntento at naglagay pa ng mga tangke.
Nagdeklara nang Lockdown (na pinakamahaba na yata sa buong mundo) na ang idinulot ay labis-labis na hirap, pagdurusa at kagutuman ng mga tao. Bukod sa magulo, sabog ay lubhang naging mabagal ang pamamahangi ng ayuda na hanggang ngayon ay marami pa ang hindi nakakatanggap at marami din ang hindi kailanman nakakuha ni anumang tulong.
Samantalang pinalulusot ang mga big-time na lumalabag sa mga health protocols ay siya namang lupit at higpit nito sa mga karaiwang mga tao.
Kaya naman sa aking tingin kahit pa matugunan ng pamahalaang ito (na pinagdududahan ko) ang bakuna para sa mga tao ay hindi pa din iyon sapat sa lahat ng mga inhustisya at kawalanghiyaang sinapit ng mga tao sa napakasamang rehimen na ito.
Hinggil sa usapin ng bakuna, kinakailangan na ang gagamitin ay tunay na dumaan sa siyentikong pagsusuri at pag-aaral at hindi kung ano-anong bakuna lamang. Gayundin, walang karapatan ang gobyerno na ito na ipilit sa mga mamamayan ang bakuna na kanilang napupusuan o bakuna ng kanilang minamanok na imperyo kahit pa kuwestiyunable ang naging proseso at kaduda-duda ang diumano’y epikisidad o pagiging epektibo nito.
Kailangan ding idagdag na bukod sa bakuna, kailangang isaayos ng gobyerno ang usaping pang-ekonomiko at higit sa lahat ay ang usapin at karapatang-pangkalusugan ng mga mamamayan. Halimbawa, kailanman ay hindi natin dapat na kalimutan ang ninakaw na P 15Bilyong piso na pondo sa PhilHealth. Sapagkat kakailanganin natin ang nawawalang pondo na yaon sa implementasyon ng Universal Health Care Law o UHC.
Tanong:
Ano ang dapat pang mga ayusin sa sistema ng kalusugan, pamamahala, at panagutang kapalpakan ng pamahalaan sa naging CoViD response nito?
Tugon:
Habulin, singilin at pagbayarin ang mga magnanakaw at mandarambong sa PhilHealth.
Kanselahin muna ang pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro sa PhilHealth.
Bayaran ng gobyerno ang utang nito sa Red Cross, upang ang nasabing institusyon ay patuloy at tuloy-tuloy na magawa ang tungkulin nito na makatulong sa mga mamamayan.
Ang mga pork barrel ay dapat na ilipat para sa implementasyon ng UHC.
Itaas ang sahod ng mga medical frontliners
Dapat na gawing polisiya ng gobyerno ang pamimigay ng libreng face mask at face shield sa mga mamamayan — lalo na sa mga bulnerableng sektor ng ating lipunan at mga naghihikahos.
Kailangang magkaroon at ipaglaban ng mga Mamamayan ang Karapatan at Katarungan sa Usapin ng Kalusugan…
Panghuli, kinakailangang magkaroon ang gobyerno ng maayos na implementayon ng pamamahagi ng bakuha. Huwag nating kalimutan ang naging magulo at napakabagal nitong ginawa sa pamamahagi ng ayuda at tulong-pinansyal sa mga tao.
Gayundin, ibig kong muling idiin na walang karapatan ang gobyerno na ipilit sa mga tao ang isang bakuna na hindi naman pinagkakatiwalaan ng mga mamamayan. Kinakailangan din sa aking tingin na magkaroon ng malawak at Pambansang Konsultasyon ukol sa bagay na ito at Komprehensibong dissimenayon at edukayon para a Taong-Bayan ukol sa bagay na ito!
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.
Like this:
Like Loading...