[Tula] Sa panahon ng mga robot -ni Greg Bituin Jr.

Sa panahon ng mga robot sinanay sila upang maging mga ala-robot sumunod lang sa chain-of-command at huwag sumagot sinanay sa “yes sir”, tiger look na nakakatakot sinanay raw nang sa laban ay di lalambot-lambot kaya trato nila sa mga sibilyan ay plebo na papaluin lang upang disiplinahin ito hazing sa akademya’y dinala nila sa tao…

[Tula] Sabi nila’y “Presente” ni Greg Bituin Jr.

“Presente”, ang sabi nilang may hawak na larawan sa taunang Kalbaryo ng Kawalang Katarungan patunay na ang mahal nila’y di nalilimutan na winala noon, di na makita ang katawan sila’y iwinala gayong pinaglaban ang tama pagbabago ang adhika, bayan ay mapalaya mula sa kuko ng mapagsamantala’t kuhila hanggang ngayon, ang hinahanap na hustisya’y wala “Presente”…

[Tula] Anila, “Stay at home” -ni Greg Bituin Jr.

panawagan ngayong / lockdown, “Stay at home.” basta may pagkain / upang di magutom sundin lamang ito / sa panahong lockdown dapat kung mayroon / tayong malalamon. “Stay at home” ngayong / naka-kwarantina subalit pamilya’y / may makakain ba? dapat tiyaking may / pagkain sa mesa nang di magkasakit / ang buong pamilya. mayroon ba…

[Tula] Nais kong magboluntaryo laban sa COVID-19 -ni Greg Bituin Jr.

nais kong magboluntaryo laban sa COVID-19 ayokong sa bahay lang, itlog ay palalakihin subalit di ako doktor, nars, o health worker man din nais ko lang tumulong, anumang kaya’y gagawin kumbaga, ayokong nasa gera’y walang magawa habang tigil sa trabaho ang kapwa manggagawa sa nangyayaring ito’y dapat lang bang tumunganga? maghintay lang kung kailan kwarantina’y…

[Right-Up] Atake sa Senado – Ni Greg Bituin Jr.

SINA KA EDDIE GUAZON AT FR. PETE MONTALLANA Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kapwa kilalang lider sila ng kani-kanilang panahon. Kapwa sila may kaugnayan sa maralita. Pareho silang prinsipyado, determinado, palaban, kagalang-galang, magiting. Subalit pareho rin silang inatake habang nagsesesyon sa Senado habang ipinaglalaban ang mga maliliit at api sa lipunan. Ang isa’y…

[Tula] Hindi krimen ang aktibismo -ni Greg Bituin Jr.

aktibista’y katulad ng mga Katipunero sila’y may simulain at niyakap na prinsipyo itinataguyod ang pakikipagkapwa-tao, katarungan at pagkakapantay-pantay sa mundo isang lipunang makatao ang pangarap nila isang lipunang walang ganid na kapitalista lipunang umiiral ang panlipunang hustisya lipunang walang pang-aapi’t pagsasamantala aktibista’y kumikilos para sa karapatan ng tao at para sa katarungang panlipunan nais nilang…

[Tula] Hustisya sa mga desaparesidos -ni Greg Bituin Jr.

wala kaming puntod na titirikan ng kandila hanggang ngayon, sa mahal namin ay nangungulila sila’y aktibistang nagsikilos upang lumaya mula sa pagsasamantala ang bayan at dukha inorganisa ang kababaihan, manggagawa magsasaka, kabataang estudyante, ang madla ang guro, manininda, abugado, mangingisda subalit sila’y dinukot, sinaktan, iwinala hinanap ng pamilya ang kanilang katauhan nagtungo sa mga ospital,…

[Right-Up] BATANG BILANGGO, EDAD SIYAM? -ni Greg Bituin Jr.

BATANG BILANGGO, EDAD SIYAM? tama bang sa edad siyam, ang bata na’y mapiit? hustisya na ba sa bansa’y ganito na kalupit? sa murang gulang, karapatan niya’y pinagkait kinulong dahil sindikato sa kanya’y gumamit batang edad siyam ay dapat na raw maikulong panukalang ito sa Kongreso’y isinusulong pag bata’y gumawa ng krimen at agad sinuplong kulong…

[Tula] Isa-isa nilang inuubos ang maralita -ni Greg Bituin

Isa-isa nilang inuubos ang maralita Tila baga masakit sa mata ang mga dukha Itinitimbuwang na lang ang mga walang-wala Gipit na nga’y ginigipit, dukha’y isinusumpa Iniisip bang krimen at droga’y di na lumala? Laksa ang pinaslang, kayraming nasayang na buhay Ang karapatang mabuhay ay hinayaang tunay Naglipana sa komunidad ang maraming bangkay Gamit ang kapangyarihan,…

[Tula] Turok ni Kamatayan -ni Greg Bituin

Turok ni Kamatayan ang Dengvaxia’y pumaslang ng limampu’t pitong tao ayon sa ulat na inilathala sa diyaryo ang limampu’t apat dito’y bata, isang obrero, isang pulis, isang doktor, aba’y kaytindi nito! ayon sa pagsusuri, sumakit ang ulo’t tiyan nilagnat, nagsuka, namaga ang internal organ na nangamatay matapos nilang mabakunahan aba’y nasayang ang buhay lalo ng…

[Right-up] Bakit ba salbahe ang ‘Salvage’ -ni Greg Bituin Jr.

Bakit ba salbahe ang ‘Salvage’ salitang ‘salvage’ ay di Ingles sa ‘save’ o pagsagip ito’y Kastilang ‘salbaje’ at salbahe ang hagip kayraming mga na-salvage, pinagkamalan, suspek makikita na lang, bulagta’t buhay na’y tiwarik uso pa kasi ang bato, bato-bato sa langit “Ding, ang bato”, sabi lagi ni Darnang anong rikit kaya mga nagbabato’y talaga ngang…

[Right-up] Sa mga naglalaway sa dugo ng kapwa – ni Gorio Bituin

Sa mga naglalaway sa dugo ng kapwa ni Gorio Bituin akala nila, makatarungan ang pamamaslang magiging kriminal naman daw ang sugapang halang at makakatulog ng mahimbing ang mamamayan pag wala nang sugapang banta sa kinabukasan akala nila, bayani sila pag pumapatay tamang proseso ng batas ay balewalang tunay “bayani” silang sa dugo ng kapwa’y naglalaway…

[Right-up] Sa mga manggagawa ng minahan -ni Greg Bituin Jr.

Sa mga manggagawa ng minahan ni Greg Bituin Jr. marami na kayong nagtatrabahong manggagawa minimina ang bundok, ginagalugad ang lupa upang matagpuan ang mineral na pinagpala kahit ang kalupaa’y patuloy na lumuluha pikitmata sa nangyayari dahil sa trabaho walang pakialam sa kinabukasan ng tao gumuho man ang bundok, para sa kapitalismo mabutas man ang lupa,…

[Right-up] Kumunoy na Lupa -ni Greg Bituin Jr.

Kumunoy na Lupa ni Greg Bituin Jr. nakapaglalakad pa noon sa lupang kinagisnan ngunit ngayon, isa na iyong malagim na putikan winasak, binaboy ng mga suwitik na minahan ang kabukiran ay nagmistula nang isang libingan nawasak ang lupa, dahil sa lintik na pagmimina nawasak ang bukas, dahil sa lintik na pagmimina nasira na ang kalikasan,…

[Right-up] Ang pagpepedikab man ay marangal na hanapbuhay -ni Greg Bituin

Ang pagpepedikab man ay marangal na hanapbuhay mumo lang kung tutuusin ang kinikita nila sa paghatid ng pasahero, tanggap nila’y barya sariling kayod upang makakain ang pamilya ngayon, kabuhayan nila’y napagdiskitahan pa ang pagpepedikab ay marangal na hanapbuhay sa tatlong gulong man, may ngiti silang nasisilay araw-gabi’y nagsisikap na magtrabahong tunay ngayon, bakit kabuhayan nila…