[Statement] Hinggil sa harassment ng PNP sa pagkilos ngayong Mayo Uno 2021 | BMP

#HumanRights #Workers #Harassment

Hinggil sa harassment ng PNP sa pagkilos ngayong Mayo Uno 2021

KINOKONDENA ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) – kasama ang iba’t ibang samahan ng manggagawa na ngangalsada sa Dakilang Araw ng Paggawa – ang ginawang pagharang ng kapulisan sa planong pagmartsa sa kahabaan ng Espana Avenue patungong Mendiola.

Ang ginawang harassment ng PNP ay paglabag sa lehitimong ehersisyo ng mga karapatan sa pagpapahayag at pagtitipon para iparating ang karaingan hindi pa sa rehimeng Duterte kundi sa malawak na publiko.

Ang substansyal na bilang ng mga lumahok sa protesta, sa kabila ng mga restriksyon ng MECQ, ay senyal ng lawak at lalim ng mga krisis na dinaranas ng manggagawa’t mamamayan. The medium is the message. Handang mangalsada ang masang Pilipino para magtipon at magpahayag sapagkat ang usapin ng proteksyon sa pandemya’t resesyon ay hindi na lamang simpleng pakiusap na iprayoridad ang mga bulnerableng sektor. Ito ay usapin na ng “national survival” – isang buhay at kamatayang usapin para sa lahat ng mamamayang Pilipino! Kung mamemeligro ang manggagawa na lumilikha ng yaman ng bansa, nagpapaandar ng industriya’t komersyo, at gumagawa ng tubo, interes, renta, at maging ng kanilang sasahurin, guguho mula sa pundasyon ang buong lipunan.

Sinunod ng mga nagprotesta ang lahat ng health protocols – gaya ng pagsusuot ng face shields, face masks, physical distancing, at pagdadala ng mga kasangkapan laban sa impeksyon. Subalit hindi maawat ang kapulisan. Sigurado tayong ang utos mula sa itaas ay harangan ang martsa, pigilang magdugtong ang mga nakatipon sa iba’t ibang assembly point, at huwag hayaang matipon ang buong bulto sa Mendiola at sa kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila.

Isa lamang ang pinakikita nito. Alam ng Malakanyang na unti-unti nang nadudurog ang tinutungtungang pedestal ng dating popular na si Rodrigo Duterte. Malapit na ang paghuhukom sa kanyang palpak, bulok, at bastos na pamamahala! Tuloy ang laban para sa kalusugan, kabuhayan, kaligtasan, at karapatan. Kapangyarihan sa manggagawa’t maralita. Patalsikin ang rehimeng Duterte!

BMP-National Executive Committee (NEC)
Mayo 1, 2021

Larawan mula sa Super Radyo DZBB 594khz

https://web.facebook.com/manggagawangpilipino/photos/a.1201704399923502/3998163706944210

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.