[Press Release] TDC pinuri ang DEPED sa planong bawasan ang gawain ng mga bata, ngunit hiniling din na tingnan ang kalagayan ng mga guro

#HumanRights #Education TDC pinuri ang DEPED sa planong bawasan ang gawain ng mga bata, ngunit hiniling din na tingnan ang kalagayan ng mga guro

Ikinatuwa ng mga guro ang pahayag ng Department of Education (DepEd) na babawasan umano ang mga gawain ng mga mag-aaral na nasa ilalim ng modular distance learning modality. Ito ang naging tugon ng kagawaran sa mga reklamo mula sa mga mag-aaral, magulang at maging mga guro na natatambakan umano ng maraming gawain at nahihirapan nang husto ang mga bata sa modular learning.

“Ikinalulugod namin ang pahayag na ito ng DepEd at umaasa kami na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagtatasa sa mga polisiya,” ani Benjo Basas, National Chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC).

Ayon kay Basas ay marami pa umanong dapat repasuhin sa mga polisiya ng DepEd ukol sa distance learning modality na isinulong ng ahensiya bilang tugon sa pandemya.

“Sapagkat nasa gitna tayo ng krisis dulot ng pandemya, dapat lamang na magkaroon tayo ng konsiderasyon sa lahat lalo na sa mga bata at kanilang pamilya na maaaring limitado ang kapasidad pang-ekonomiya at pang-akademiko,” dagdag pa ni Basas.

Ayon pa rin sa kanya ay kinikilala nila ang naging hakbang ng DepEd nitong mga nakalipas na linggo mula sa pagbabago sa assessment at maging sa criteria sa grading. Matatandaan na hindi na magkakaroon ng periodical test ang mga bata at binago na rin ang sistema sa pagbibigay ng grado sa mga mag-aaral.

Gayunman, dapat sanang tutukan din umano ng ahensiya ang kalagayan ng mga guro na mula pa noong Hunyo ay subsob na sa iba’t ibang trabaho mula sa Brigada Eskwela, enrollment, weekly accomplishment reports, webinars at online meetings, module preparation at distribution at hanggang sa mga gawaing pagtuturo- online at modular mula nitong Oktubre 5.

Samantala, sinabi rin ni Basas na hindi umano makatarungan na tila ang mga guro ang nasisisi kapwa ng mga magulang at ng pamunuan ng DepEd sa mga kamalian sa modules at maging sa maraming gawain ng mga bata.

“Matapos sumalo sa napakaraming reklamo ng mga magulang at madla dahil sa samu’t saring kalituhan, mga guro pa rin ang sinisisi sa mga kamalian sa modules na hindi naman sila ang gumawa o hindi sila ang dapat na gumawa. Ngayon naman, nang makitang nabibigatan ang maraming mag-aaral sa modular activities, pinaalalahanan ng DepEd ang mga guro na huwag umanong tambakan ng mga gawain ang mga bata na tila ba mga guro ang nagdesisyon sa nilalaman ng modules na ito,” paliwanag ni Basas.

Ayon kay Basas, ang mga ito ay indikasyon lamang na may mas malalim pang problemang dapat tugunan ang DepEd hinggil sa distance learning modality. Nagpapatunay din umano ito na hindi lubusang napaghandaan ang pagbubukas ng klase taliwas sa mga pahayag ng DepEd na nakahanda umano ang ahensiya kahit naituloy ito noong Agosto 24.

“Siguro ang mga ito ay patunay lamang na may problema talaga sa pagpipilit sa pormal na pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021. Ngayon sa nakikita natin at kung magpapatuloy ito, baka masayang lamang ang effort ng DepEd at mga guro pati na ang napakalaking perang inilaan para sa modules dahil mukhang mahihirapan tayong maibigay sa mga bata ang kinakailangang edukasyon at mahihirapan naman ang mga bata at kanilang pamilya na makaagapay sa bagong sistemang ito,” pagtatapos ni Basas.

Ayon sa TDC ang mga adjustments na ginawa nang DepEd ay mahalaga at dapat ipagpatuloy upang matiyak na walang batang maiiwan. Handa umano ang kanilang grupo na makipagtulungan sa DepEd para sa kapakanan ng mga batang Pilipino.#

Para sa detalye:
Benjo Basas, National Chairperson
09273356375

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.