Tag Archives: deped secretary

[Press Release] Mga Guro, muling nanawagan na itigil na ang produksiyon ng modules -TDC

#HumanRights #Education Mga Guro, muling nanawagan na itigil na ang produksiyon ng modules

Benjo Basas, National Chairperson, Teachers Dignity Coalition (TDC). File Photo by Arnel Tuazon

Dalawang linggo matapos ang pagbubukas ng klase noong Oktubre 5, muling nanawagan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) na ipatigil na ang pag-iimprenta ng modules na ginagamit ngayon sa mga pampublikong paaralan.

“Sapat na ang dalawang linggo para makita natin at mapatunayan na hindi talaga uubra ang modules na ito. Napakalaki na ng ginugugol na halaga para dito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sapat. Maliban pa sa nakita nating problema sa kung paano ito isasagawa ng ating mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Sana naman ay ikonsidera na ng DepEd ang agarang pagpapatigil sa produksiyon nito upang maisalba rin ang malaking halagang maaaring masayang mula sa buwis ng taumbayan,” pahayag ni Benjo Basas, national chairperson ng TDC.

Ayon pa kay Basas, maliban sa maraming nakitang mga pagkakamali sa learning modules ay hindi pa maayos ang pagkakaimprenta ng marami dito sapagkat nagkanya-kanya ang mga paaralan sa pag-iimprenta. Matatandaang noon pang kalagitnaan ng Setyembre ay nanawagan na ang grupo na huwag nang gumamit ng modules dahil sa malaking gastos dito at sa halip ay gumamit na lamang ng mga aklat na mas matibay at mas matipid.

Sinabi rin ng grupo na ito ay isang patunay lamang na hindi talaga nakahanda ang ahenisya taliwas sa paulit-ulit nitong mga pahayag.

“Sabi ng DepEd ay handang-handa na sila sa pasukan at itinuring pang tagumpay ang pagbubukas ng klase. Pero bakit ganito ang nangyari? Bakit hindi pa nakahanda ang modules na bandang huli ay DepEd Central Office din mismo ang nagsabi na nahihirapang makaagapay ang mga mag-aaral. Sa lahat ng pagkukulang na ito ng DepEd, mga guro ang nagdusa, mula pag-aabono sa modules, reklamo ng mga magulang at sobrang bigat na mga gawain,” dagdag pa ni Basas.

Ayon pa sa TDC, dapat umanong agarang gumawa ng pahayag at polisiya ang DepEd na iniuurong na ang paggagawa ng modules alinsunod na rin sa mga naunang pahayag ni Sec. Leonor Briones.

“Si Sec. Briones na mismo ang nagsabi na magastos at may malaking implikasyon sa kapaligiran ang paggamit ng modules, baka raw maubos ang mga puno natin dahil sa malaking pangangailangan sa papel. Yun naman pala eh, bakit kailangan pang ipilit nang ipilit ito?” Tanong ni Basas.

Ang panawagan sa paggamit ng mga aklat sa halip na modules ay pormal na ring naisumite ng TDC sa dalawang kapulungan ng Kongreso maging sa Malacanang bago pa man magbukas ang klase noong Oktubre 5.#

Para sa mga detalye:
Benjo Basas, National Chairperson
09273356375/ 09230819750

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

[Press Release] TDC pinuri ang DEPED sa planong bawasan ang gawain ng mga bata, ngunit hiniling din na tingnan ang kalagayan ng mga guro

#HumanRights #Education TDC pinuri ang DEPED sa planong bawasan ang gawain ng mga bata, ngunit hiniling din na tingnan ang kalagayan ng mga guro

Ikinatuwa ng mga guro ang pahayag ng Department of Education (DepEd) na babawasan umano ang mga gawain ng mga mag-aaral na nasa ilalim ng modular distance learning modality. Ito ang naging tugon ng kagawaran sa mga reklamo mula sa mga mag-aaral, magulang at maging mga guro na natatambakan umano ng maraming gawain at nahihirapan nang husto ang mga bata sa modular learning.

“Ikinalulugod namin ang pahayag na ito ng DepEd at umaasa kami na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagtatasa sa mga polisiya,” ani Benjo Basas, National Chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC).

Ayon kay Basas ay marami pa umanong dapat repasuhin sa mga polisiya ng DepEd ukol sa distance learning modality na isinulong ng ahensiya bilang tugon sa pandemya.

“Sapagkat nasa gitna tayo ng krisis dulot ng pandemya, dapat lamang na magkaroon tayo ng konsiderasyon sa lahat lalo na sa mga bata at kanilang pamilya na maaaring limitado ang kapasidad pang-ekonomiya at pang-akademiko,” dagdag pa ni Basas.

Ayon pa rin sa kanya ay kinikilala nila ang naging hakbang ng DepEd nitong mga nakalipas na linggo mula sa pagbabago sa assessment at maging sa criteria sa grading. Matatandaan na hindi na magkakaroon ng periodical test ang mga bata at binago na rin ang sistema sa pagbibigay ng grado sa mga mag-aaral.

Gayunman, dapat sanang tutukan din umano ng ahensiya ang kalagayan ng mga guro na mula pa noong Hunyo ay subsob na sa iba’t ibang trabaho mula sa Brigada Eskwela, enrollment, weekly accomplishment reports, webinars at online meetings, module preparation at distribution at hanggang sa mga gawaing pagtuturo- online at modular mula nitong Oktubre 5.

Samantala, sinabi rin ni Basas na hindi umano makatarungan na tila ang mga guro ang nasisisi kapwa ng mga magulang at ng pamunuan ng DepEd sa mga kamalian sa modules at maging sa maraming gawain ng mga bata.

“Matapos sumalo sa napakaraming reklamo ng mga magulang at madla dahil sa samu’t saring kalituhan, mga guro pa rin ang sinisisi sa mga kamalian sa modules na hindi naman sila ang gumawa o hindi sila ang dapat na gumawa. Ngayon naman, nang makitang nabibigatan ang maraming mag-aaral sa modular activities, pinaalalahanan ng DepEd ang mga guro na huwag umanong tambakan ng mga gawain ang mga bata na tila ba mga guro ang nagdesisyon sa nilalaman ng modules na ito,” paliwanag ni Basas.

Ayon kay Basas, ang mga ito ay indikasyon lamang na may mas malalim pang problemang dapat tugunan ang DepEd hinggil sa distance learning modality. Nagpapatunay din umano ito na hindi lubusang napaghandaan ang pagbubukas ng klase taliwas sa mga pahayag ng DepEd na nakahanda umano ang ahensiya kahit naituloy ito noong Agosto 24.

“Siguro ang mga ito ay patunay lamang na may problema talaga sa pagpipilit sa pormal na pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021. Ngayon sa nakikita natin at kung magpapatuloy ito, baka masayang lamang ang effort ng DepEd at mga guro pati na ang napakalaking perang inilaan para sa modules dahil mukhang mahihirapan tayong maibigay sa mga bata ang kinakailangang edukasyon at mahihirapan naman ang mga bata at kanilang pamilya na makaagapay sa bagong sistemang ito,” pagtatapos ni Basas.

Ayon sa TDC ang mga adjustments na ginawa nang DepEd ay mahalaga at dapat ipagpatuloy upang matiyak na walang batang maiiwan. Handa umano ang kanilang grupo na makipagtulungan sa DepEd para sa kapakanan ng mga batang Pilipino.#

Para sa detalye:
Benjo Basas, National Chairperson
09273356375

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

[Press Release] First Week of School Year, chaos instead of success -TDC

#HumanRights #Education [Press Release] First Week of School Year, chaos instead of success

DepEd Chief Leonor Briones claimed success on the opening of classes last October 5. In particular, she declares that it was a victory against “the destroyer” COVID-19. But the Teachers’ Dignity Coalition (TDC), refuses to agree with Briones and said that the opening was neither a victory against pandemic nor a victory of education.

“The entire week was marred with already expected problems,” said Benjo Basas, the group’s National Chairperson. “From lack of modules to internet connectivity issues, the main, if not the only methods of teaching and learning under distance learning modality, things proved to be ill-prepared,” he added.

“A mere imposition of the beginning of another school year amidst the COVID-19 pandemic is not a victory against it, in fact, it could worsen the already dismal situation. In terms of education, we could actually foresee that there’s a lot of Filipino children who will be left behind as evidenced by so many unfortunate events last week,” Basas continued.

TDC said that while many teachers, despite apprehensions still anticipated and actually worked for a successful school opening, things turned out to be confusing at the very least.

“Because of all the confusion, teachers became easy targets for angry parents and learners alike. As if being bombarded 24/7 with calls and messages from hundreds of students were not enough, teachers had to absorb the raging insults from parents who can’t find anyone else to point a finger to for the nightmare they are experiencing,” Basas added.

The TDC said that teachers, as always, exhibited their patience and made the best possible response to their clientele. “Who can blame them? Some of our parents had to stop working just to help their children with their new and strange schooling. Level-inappropriate materials, ridiculously wrong content, impossible mode of learning, and volumes upon volumes of paper they had to unravel while worrying that they could be sifting through COVID19-laden modules,” Basas explained.

Basas furthered that teachers were being sacrificed just to beat the self-imposed October 5 deadline of the DepEd, “But worse for the teachers! Waiting for modules that never came, switching to FB messenger, phone calls, and text messages, to which many students have no regular access, and alternately going through learner outputs that sat for days in possibly infected homes.”

The TDC again calls on the DepEd management to once and for all re-connect with its teachers, the front liners in the ground to better grasp the situation in the field and to guide them in crafting more responsive and applicable policies. Most importantly, put the welfare of teachers in paramount consideration instead of imposing unrealistic programs at their expense.

“Teachers have become the bulletproof vests of the DepEd leadership ever since, and more so today. But we are not made of Kevlar. We are flesh and blood, just like our beloved students. We have taken so many bullets for the agency and yet, our leaders remain indifferent, unresponsive, and unfazed,” Basas ended.

For details:
Benjo Basas, 0927-3356375

Teachers’ Dignity Coalition
4443 BCL Homes, Independence St., Gen. T. De Leon Valenzuela City
Telephone (02) 6920-296 • Mobile: 0916-6126739
Email: teachersdignity@yahoo.com.ph

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

[Press Release] TDC welcomes house approval of insurance for teachers in poll duties

TDC welcomes house approval of insurance for teachers in poll duties

The Teachers’ Dignity Coalition (TDC) welcomes the House approval of HB 6528, authored by Rep. Juliet Cortuna of A Teacher Party List. The bill provides an insurance package for election personnel including public school teachers tasked to perform election duties during national and local elections as chairmen and members of the Board of Election Inspectors (BEI).

TDC Chairperson Benjo Basas, a teacher of Caloocan City who regularly attends to election tasks since his entry in public school in 2002 said that they are grateful that the Congress finally decides on the matter which for him “is long been overdue.” The TDC, he said is continuously lobbying both in Congress and in Comelec for the amendment of omnibus election code to effect the optional poll duties of teachers. He continued, “However, despite the lobby effort of the DepEd secretary himself, Comelec and even some lawmakers are reluctant to discuss the bill because according to them, teachers are the most fit for the job, given their integrity, credibility and familiarity to the community.”

Basas also said that since teachers have no right to refuse the appointment, they want to at least ensure that they will be protected from all forms of danger- harassment, physical attack, health risk and accusation of cheating.

Early last month, the group sat in a dialogue with Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. to discuss the demands of the teachers for 2013 elections.

“The honorable chair assured us that they will provide insurance to cover all the teachers who will sit as members and chairmen of the BEI in next year’s polls.” Basas said. “Another thing that the COMELEC will set aside is the fund for legal defense of teachers who will be charged of cheating or any election offense by losing candidates especially is there is an obvious indication that those are only meant to harass teachers.” Basas continued.

In September 14, the TDC submitted the list of their demands that includes insurance, 24-hour presence of law enforcement units and deployment of medical team in the vicinity of polling places, 100 percent increase in per diem, reduction of number of voters’ per clustered precincts and optional duties or provision of hazard pay in places declared as areas of immediate concerns or election hot spots.

“The Chairman actually responded positively and we hope that matters that are not beyond Comelec control would materialize.” Basas ended.

For details:
Benjo Basas, Chairperson 0920-5740241/ (02)385-3437

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.