[Statement] Epekto ng MECQ sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24 -TDC

Benjo Basas, National Chairperson, Teachers Dignity Coalition (TDC). Photo by Arnel Tuazon

Epekto ng mecq sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24
Agosto 4, 2020

Ang muling pagsasailalim sa MECQ sa Metro Manila at ilan sa pinakamalalaking lalawigan ng Luzon ay may malaking epekto sa inaasahang pagbubukas ng klase sa Agosto 24. Dahil malilimitahan ang paggalaw ng mga mamamayan, hindi rin maisasaayos ang mga kinakailangang paghahanda lalo na sa mga gagamiting modules. Batay kasi sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) kamakailan, ang modular modality ang isyang magiging pangunahing pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga paaralan sa buong bansa. Isang malaking hamon ngayon ang kakaharapin sapagkat marami sa mga dibisyon sa bansa, kahit pa yaong mga hindi naisasailalim sa MECQ ay hindi pa handa ang modules na gagamitin ng mga mag-aaral at guro.

Sa ganitong kalagayan, kakailanganin ang pagpapasya ng DepEd at ang tulong na maaaring maibigay ng lahat ng sektor kung sakaling nanaisin pa ring maituloy ang pagbubukas ng klase sa buong bansa o sa anumang bahagi nito sa Agosto 24. Tandaan na matatapos ang MECQ sa Agosto 18 o anim na araw bago ang takdang pagbubukas ng klase,

Ang hinihiling namin sa pamunuan ng DepEd ay maging bukas sa pakikipag-usap sa mismong mga frontliners ng edukasyon, ang mga classroom teachers, alamin ang kanilang saloobin at kunin ang kanilang mga opinyon.

Kung sakaling tapat na makitang hindi uubra, ay huwag sanang ipilit ang pagpapatupad nito. Maraming produktong bagay ang maaaring magawa sa mga panahong wala pa ang klase- distance man o face to face. Gamitin natin ang panahon para matiyak na maisagawa ang mahusay na pagsasanay sa mga guro, oryentasyon sa mga magulang, produksiyon ng mga TV at radio lessons, pagpapaunlad sa modules at pag-iimprenta nito. May sapat na panahon din upang makuha ang kumpiyansa ng taong-bayan.

Higit sa lahat makapag-aambag ang DepEd sa pagsisikap ng lahat upang maiwasan pang lalo ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

For details:
Benjo Basas, TDC National Chairperson
0927-3356375

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.