[Press Release] Manggagawang kumuha ng ayudang P500, dinakip at pinagpipiyansa ng P3000 -Ating Guro Party List

Manggagawang kumuha ng ayudang P500, dinakip at pinagpipiyansa ng P3000

Dalawang empleyado ng isang maliit na food business ang nakadetine ngayon sa Catmon, Malabon matapos arestuhin ng mga pulis noong Lunes dahilan sa wala silang quarantine pass. Ang mga kawawang obrerong sina Edward Coyoca, 23 anyos at kapatid niyang si Earl Coyoca, 20 anyos ay dinakip habang papauwi na sa kanilang bahay sa Longos, Malabon matapos kumuha ng ayuda ng kanilang employer na nagkakahalaga ng P500.

Kuwento ni Jomar Capulot, tiyuhin ng mga biktima, mahigipit umano ang pangangailangan ng magkapatid dahilan sa na-stroke ang kanilang ama at ang kanilang ina naman ay isang OFW. Walang inaasahan ang pamilya kundi ang sahod ng magkapatid sa isang kainan sa Caloocan subalit dahilan sa ipinatupad na ECQ ay nagsara ito. Kaya naman tumungo ang magkapatid sa kanilang employer upang kunin ang ayuda na naging dahilan ng kanilang pagkakahuli sa boundary ng Malabon at Caloocan noong Lunes.

“Dahilan sa ayudang P500 lamang bawat isa sa kanila ay maghahagilap ngayon ng halagang P6, 000 ang magkapatid. Saan naman sila kukuha ng ganung halaga samantalang problema pa ng kanilang pamilya ang makakain sa araw-araw.” Dagdag pa ni Capulot.

Ngayon ay nasa ika-apat na araw na ng pagkakadetine sa magkapatid sapagkat wala umanong piskal na mag-aasikaso sa kanilang pagpiyansa at paglabas.

“Hindi naman tayo tutol sa ECQ o kahit pa sa lockdown pero sana naman ang mga ganitong sitwasyon ay mabibigyan ng makataong konsiderasyon. Malinaw naman na hindi pasaway ang ang mga pamangkin ko. Nais lamang nilang matulungan ang mga sarili at kanilang pamilya sapagkat walang sapat na tulong na ibinibigay sa kanila. Imbes na ayuda ay aresto pa ang ibinigay sa kanila.” Himutok ni Capulot.

Umaapela si Capulot sa gobyerno at mga kapulisan na maging makatao sana sa pagpapatupad ng mga polisiya kaugnay ng ECQ at bigyan naman ng konsiderasyon ang mga katulad na kaso na maaring kaharapin ng iba pang mga mahihirap na mamamayan.

————————————————-
Para sa mga detalye:
Jomar Capulot, 09062233541
(Si Jomar Capulot ay isang guro sa Imelda Senior HS sa Malabon)

ATING GURO Partylist
“Para sa Guro, sa Bata at sa Bansa!”
207 Garcia Ext., Doña Faustina Subd., San Bartolome, Novaliches, Quezon City
Mobile Number: 0917-1138336
Email: atingguropartylist2020@gmail.com

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.