[Statement] Panawagan ng pagkakaisa laban sa pananakot at pandadahas sa mga maralita -KATAPAT

Mariing naming kinukundena ang patuloy na pandarahas sa mga maralita sa gitna ng pinapatupad na Enhanced Community Quarantine. Simula pa lamang ng Enhanced Community Quarantine ay wala nang konkreto at malinaw na plano ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ating mamamayan.

Noong unang mga araw ng quarantine, karamihan sa ating mga kababayan, kabilang na ang mga frontliners, ang naglakad ng kilo-kilometrong layo para lamang makauwi sa kanilang mga pamilya. Iyong iba ay hinarangan pa sa mga checkpoint at nagdulot ng pagka-stranded ng daan-daang mga manggagawa at empleyado.

Maliban dito, kamakailan lang ay ilan sa ating mga kababayan ang lumabas ng kanilang mga bahay sa Sitio San Roque sa Lungsod Quezon upang humingi ng makakain para sa kumakalam na sikmura ng kanilang pamilya. Ngunit, imbes na pagkain ang ibinigay sa kanila, dahas ang isinukli ng mga pulis at ikinulong pa ng ilang araw ang ilan sa kanila.

Matapos ang pangyayaring ito ay sinimulan ng ating mga kababayan ang community kitchen sa Sitio San Roque upang tulungang makakain ang mga residente nito. Ngunit kahapon lamang nang umaga ay nambulabog, nang-harass, at nagdala ng intimidasyon ang halos labinlimang pulis sa mga kababayan nating nagbabayanihan sa community kitchen sa San Roque.

Ilang araw lamang din ang nakalipas ay may ilang kababayan din tayong nagtitinda ng mga gulay sa Quezon City ang hinuli at ikinulong ng mga pulis.

Pinapatunayan lamang ng Administrayong ito na ang pinangangalandakan nilang “Tapang at Malasakit” noong mga nakaraang halalan ay huwad at walang katotohanan. Mas pinipili pa ni Pangulong Duterte ang magsalita nang marahas sa harap ng publiko kaysa maglatag ng malinaw at konkretong plano na may malasakit sa mga maralitang Pilipino.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.