[Tula] Anila, “Stay at home” -ni Greg Bituin Jr.

panawagan ngayong / lockdown, “Stay at home.”
basta may pagkain / upang di magutom
sundin lamang ito / sa panahong lockdown
dapat kung mayroon / tayong malalamon.
“Stay at home” ngayong / naka-kwarantina
subalit pamilya’y / may makakain ba?
dapat tiyaking may / pagkain sa mesa
nang di magkasakit / ang buong pamilya.
mayroon ba kayong / pambili ng bigas?
tigil sa trabaho, / paano na bukas?
paano rin naman / kung walang lalabas?
sinong magbibigay / ng ulam at prutas?
“Stay at home” muna / kahit walang pera
“Stay at home” ka lang, / bukas, bahala na…
tutulong ba sila / pag nagkasakit ka?
o pag nagka-virus, / magagamot ka ba?
– gregbituinjr.
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.