[Statement] “ Kulang-kulang na pamamahala, tao ang kawawa !” Dapat Tao Muna !

SIGN-ON STATEMENT/PIRMA NG SUPORTA
2013 INTERNATIONAL HR WEEK CELEBRATION
65TH YEAR OF THE UNIVERSAL DECLARATION OF
HUMAN RIGHTS (UDHR)
“ KULANG-KULANG NA PAMAMAHALA, TAO ANG KAWAWA !”
DAPAT TAO MUNA !
Sa ika-65 taon ng UDHR at ika-20 taon ng Vienna Declaration and Plan of Action on Human Rights, marami at naging makabuluhan pagtangkilik at proteksyon ang natamo na para sa Karapatang Pantao sa buong mundo. Subalit sa kabila ng mga tagumpay, marami at mabigat pa rin ang pangangailangan sa patuloy na pagsulong ng mga Karapatan kasabay ng mga makabagong hamon.
Kasama sa mga matinding hamon para sa Pilipinas ay ang climate change o pagbabago sa klima ng mundo bunga ng hindi makataong mga polisiya at programa ng mga bansa at ng mga pamahalaan sa pag-unlad – tulad ng agresibo at abusadong industrialisasyon, pagmimina, pag-sira sa ating mga kagubatan, atbp. Isa pang mabigat na hamon ay ang pamamahala na hindi nakabatay sa karapatang-pantao (rights-based governance) kung kaya’t kulang-kulang at hindi komprehensibo ang pagtugon sa ating mga karapatan. Hinamon ng 1993 Vienna Declaration and Programme of Action, aang lahat ng bansa na magpatupad ng national human rights action plan. Sampung taong nakalipas, wala pa rin nito sa Pilipinas.
Para sa December 10 International HR Day, makiki-isa tayo para sa mga naging biktima at nakaligtas sa trahedyang “Yolanda”, sa lindol sa Bohol, sa Zamboanga Siege at iba pang mga hagupit ng tao at kalikasan.
Maki-isa tayo sa mga naging biktima ng kalupitan ng tao at sa mga kakulangan ng pamahalaan.
1. Dapat TAO Muna! Dahil ang TAO ang sentrong dahilan at layunin ng pamahalaan at pamamahala, lalo na sa panahon ng krisis sanhi man ng tao o ng kalikasan. Ang dignidad at naka-ugat na mga karapatang pantao ay dapat laging itaguyod, ipagtanggol at pangalagaaan. Ang bawat bulnerableng tao lalo na ang mga kabataan at mga kababaihan ay unahin at masinsing paglingkuran ayon sa pangangailangan.
2. Dapat TAO Muna! Dahil obligasyon ng pamahalaan na palahukin ang pinakamalawak na bilang ng mga mamamayan – katuwangin ang civil society at non-government organizations – sa pagkaroon ng malawak na konsultasyon sa pagpapasinop sa komprehensibong pagtugon sa kabuoang pangangailangan ng mga mga biktima at mga nakaligtas mula sa mga natural at gawang-taong kalamidad.
Dapat maging bukas ang pamahalaan sa pagtugon sa mga pagsubaybay at mekanismo ng paniningil ng mga mamamayan hinggil sa equitableng paglagak ng pinansya, tulong sa mga biktima at hustisya. Walang isa man ang dapat malimutan.
3. Dapat TAO Muna! Ang mga polisya at programang pangkaunlaran ay dapat sumusunod sa pamantayan ng karapatang pantao at sa pag-unlad ng tao lalo na ng bulnerableng sector at hindi para sa bulsa o kapangyarihan ng i-ilan.
4. Dapat TAO Muna! Magkaroon at isapubliko ang Human Rights Action Plan. Dapat din nitong lamanin ang mga komprehensibong pagtugon sa mga natural at gawang-taong kalamidad na base sa mga prinsipyo ng karapatang pantao.
DAPAT TAO MUNA !
Nakiki-isa ako/kami sa mga panawagan :
1. Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)
2. Amnesty International– Philippines (AI-Philippine)
3. Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ)
4. Alyansa Tigil Mina (ATM)
5. Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)
6. Asian Federation Against Enforced Disappearance (AFAD)
7. Balay Rehabilitation Center
8. Center for Migrants Advocacy
9. Families and Victims of Involuntary Disappearance (FIND)
10. Medical Action Group (MAG)
11. Partido Manggagawa (PM)
12. Sarilaya
13. Sulong Comprehensive Agreement on the Respect of Human
Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL)
14. Human Rights Online Philippines (HRonlinePH.com)
Related articles
- TAO Muna! LIGHT-UP-4 YOLANDA Victims. LIGHT-UP-4 RIGHTS! (lightup4dec10.wordpress.com)