[Right-Up] Hinggil sa Usapin ng Karapatan at Tungkulin | by Jose Mario De Vega

Hinggil sa Usapin ng Karapatan at Tungkulin

Morality is not properly the doctrine of how we may make ourselves happy, but how we may make ourselves worthy of happiness. – Immanuel Kant
We must win freedom by deserving it, by improving the mind and enhancing the dignity of the individual, loving what is just, good and great, to the point of dying for it. When a people reach these heights . . . the idols and tyrants fall like a house of cards and freedom shines in the first dawn. – Jose Rizal
Itinuturo ng katuwiran na wala tayong iba pang maa-antay kundi lalo’t lalong ka-alipinan. Itinuturo ng katuwiran, lalo’t lalong ka-alipustaan. Itinuturo ng katuwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katuwiran na tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katuwiran na tayo’y magka-isang luob, magka-isang isip at akala, at tayo’y magkaisa na maihanap ng lunas ang nagha-haring kasamaan sa ating Bayan. – Andres Bonifacio
May nabasa akong kotasyon ni Wagner Clemente Soto na nagsasabing: “The inferior man argues about his right, while the superior man imposes duties on himself.”
Kung sa mabilisan at inisyal na titingnan, masasabi na ito ay tama, ngunit kung malaliman natin itong pakasusuriin ay sasabihin kong tama lamang ito sa isang maliit na bahagi at mali at sabog sa kabilang mas malawak na banda.
Hayaan po ninyong ipaliwanag ko ang aking pananaw. It is utterly impertinent, nay completely myopic to simply argue and/or fight for one’s right without also acknowledging and arguing for duties and/or obligation.
The two elements are sides of the same bloody coin. In law, it is a basic doctrine that we cannot use our rights in order to violate the rights of another. This is encapsulated in the Latin doctrine of sic utere tiu ut alienum non laedas. It simply means that: one cannot use his right or property in order to violate the right of another.
Hence, it clearly entails that though one has a right, one has no right to tramp on the right of another and it also follows that it is his or her obligation not to transgress another’s right.
Further, Article 19 of the Civil Code expressly provides that:
“Every person must, in the exercise of his rights and in the performance of his duties, act with justice, give everyone his due, and observe honesty and good faith.”
Maliwanag kung gayon na ang kotasyon sa itaas ay isang bangag na kaisipan. Sapagkat pinaghihiwalay nito ang isang bagay na hindi maipaghihiwalay. Palpak din ang ipinilit na distinksyon. Ang nilalang na tinutukoy sa itaas o isinalalarawan ay isang tungaw, sapagkat hindi sapat na siya ay nagpapataw lamang ng tungkulin sa kanyang sarili – nang hindi siya malay o hindi niya batid din naman ang karapatan niya at ng kanyang kapwa-tao.
Ayon sa Tradisyong Kantian, ang mabuting tao ay isang tao na hindi lamang nagtataguyod at nagtatanggol ng kanyang katwiran at karapatan, kundi malay din siya at deliberatibong nagsusulong ng karapatan at dignidad ng kanyang kapwa, sapagkat naniniwala siya na sila man ay may kakanyahan at kakayahang mag-isip para sa kanilang ganang mga sarili.
Ang pag-iisip para sa ating mga ganang sarili ay hindi lamang likas sa atin o ating karapatan, kundi manapa ay prinsipal nating tungkulin. Kung gayon, ay magkatuwang kapwa ang ating mga tungkulin at karapatan para sa ating mga personal na sarili na atin ding tinatanggap na karapatan at tungkulin din ng ating kapwa tao.
Kung kaya kay Kant, ang superyor na tao ay isang tao na nag-iisip para sa kanyang sarili, ipinaglalaban ang kanyang karapatan at nagpapataw ng tungkulin sa kanyang sarili na siya din ang lumikha para ang mga kalakasan at kasanayang mga ito ay malaya at matagumpay din namang maisagawa, maisakatuparan at maiasapamuhay ng kanyang kapwa-tao.
Kung may inferyor man kay Kant, ito ay ang mga nilalang na hindi nag-iisip para sa kanilang mga sarili. Gawa nito, wala silang mauunawaan o mawawawaan kapwa sa karapatan o tungkulin o obligasyon, sapagkat sila ay nga ay walang kabatiran ni anuman o hindi mga malay sa mga bagay-bagay.
Gayundin, kay Kant, kahit pa likas o natural ang Karapatan sa ating mga tao, ang mga ito ay walang kabuluhan kung hindi natin sila pag-iisipan, hindi tayo mag-iisip, hindi tayo nagninilay at hindi tayo nakikipagkapwa-tao.
Kung gayon sa huling pagsusuri, ang karapatan at tungkulin ay may maigting, malapit at hindi mapapasubaliang relasyon at kaugnayan sa isa’t-isa. Katulad ng interkoneksyon ng teorya sa praktika upang humantong o umabot sa praxis, ang pag-iiba o paghihiwalay ng karatan sa tungkulin ay kamangmangan walang makatulad, sapagkat kung pakasusuriin, sila ay iisa lamang.
Ang tungkuling walang karapatan ay kawalang responsibilidad o pananagutan at ang karapatang hindi kumikilala sa tungkulin at obligasyon ay patay, sapagkat ito ay makasarili, hindi makatao at walang ni anumang elemento ng pagsisikhay, pagpupunyagi, pagmamahal at pakikipagkapwa-tao.
Jose Mario D. De Vega
Assistant Professor
Philosophy and Humanities Department
College of Education, Arts and Sciences
National University of the Philippines
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.