[Right-Up] Sino ang mga Bayani at mga Bangag, Bulag at Talipandas ng Bayang ito? | ni Jose Mario De Vega

Sino ang mga Bayani at mga Bangag, Bulag at Talipandas ng Bayang ito?

Sa kanyang paskil sa Facebook noong Agosto 25 ay sinabi ni G. Jose ang mga sumusunod:

“In these perilous times we need heroes. Those young NPA rebels killed by this country’s Armed Forces—whatever their personal achievements, however their courage, are not Filipino heroes. They fought to destroy this Republic in their protracted war. Was Ninoy Aquino a hero? He had murky connections that provoke this question. His massive funeral—never in our history has such event occurred. Is this enough to anoint him? Our thousands of workers who left this country that cannot sustain them—how truly heroic are they? Our frontline health workers—fatigued, sometimes underpaid—many have died—how do we recognize their heroism? In my novel Po-on, the fictional Mabini declares—“the heroes are the foot soldiers, the peasants who produce our food.” Now, look at the mirror and ask yourself, “Have I toiled, suffered and sacrificed something precious for Filipinas? You may not know it, friend, but our unhappy country needs you.”

Komento:

Itinatanong ng matandang walang pinagkatandaan na ito kung ano at sino ang mga bayani? Isang napakaimpertinenteng katanungan na nagpapakita na siya ay bulag at hindi batid kung ano ang kaibahan ng COA sa DOH at ng mga Healthcare professionals kumpara sa mga pulitiko at sa Malacanan.

Sa ika ng mga pre-millennials: kailangan pa bang i-memorize ‘yan? O sabi nga ng isang programa ng Abs Cbn noon: “Hoy, gising!”

Magkagayon man, ito ay malinaw na naming tinugon sa aming aklat na Bayani at Heroe (2017) na nagpapakita at nagpapamalas ng mga sumusunod na mga katangian:

1) Ang tunay ng bayani ay yaong kumikilos para sa kagalingan at kaginhawaan ng nakararami, ng buong Bayan;
2) ang tunay na Bayani ay hindi hiwalay o tiwalag sa kanyang mga kapwa mamamayan o sa Bayan sa kabuuan nito. Hindi lamang malapit sila sa mga tao, nakalubog sila sa masa at laging kayapos at kapiling nila – sa lahat ng antas ng pakikibaka’t pagpupunyagi, sa alinmang yugto ng ating nagpapatuloy na kasaysayan;
3) Ginagamit ng mga tunay na Bayani ang wika ng kanyang mga kababayan o ng Bayan; siya/sila ay nakikipag-usap at talamitam sa kanilang kapwa-tao gamit ang wika na nauunawaan ng lahat!

Naniniwala ako na ngayon, higit kailanman ay kailangan talaga natin ng ating mga bayani at tulad ng aking naturan na, mga bulag at bangag lamang sa katotohanan ang hindi nakakakita, nakakadama at nababatid kung sino ang mga bayani ng ating bayan kumpara sa mga walang saysay na nilalang. Sa patutsada ni G. Jose na kesyo, yaong mga “young NPA rebels killed by this country’s Armed Forces—whatever their personal achievements, however their courage, are not Filipino heroes. They fought to destroy this Republic in their protracted war” ay ibig ko siyang tugunin.

Una, dahil sa mahilig sa teknikalismo ang huklubang ito, ibig kong itanong, kung ang mga mandiirgma na mga yaon ay hindi Pilipinong bayani, ibig bang sabihin noon na sila ay mga internasyunal na bayani?

Kung ang pinabubulaanan naman niya ay kesyo hindi bayani ang mga taong ito, e sino ang bayani para sa kanya? Yaong mga militar na pumapatay ng mga Lumad? Yung bumobomba ng kanilang mga paaralan? Yaong kamakailan ay pumatay ng tatlong katao, ginahasa ang dalawang dalagitang babae at binaril pa sa kanilang mga ari? Yaon ba ang bayani para sa matandang ito?

Maganda ding salungguhitan: bakit ba napipilitan ang ating mga kabataan para mamundok at humawak ng armas? Ano ang nagtulak sa ating mga kontemporaryong bulaklak na henerasyon upang iwan ang kanilang mga pamilya at mabuhay ng ligalig sa mga kaparangan?

Ibig kong direktang itanong sa matandang ito: ano ba ang nagawa mo sa buhay mo noon upang ang kaawa-awang bayang ito ay maging higit na kaaya-aya, maayos, makatao at higit na makatarungan – para sa ating mga bagong henerasyon – sa NGAYON?

Bakit kailangan pang mag-aklas at magrebelyon ng ating mga kabataan?

Nananawagan ng sakripisyo ang matandang ito, ngunit ang tanong, ano ba ang kanyang mga isinakripisyo para sa bansang ito? May hihigit pa bang sakripisyo para sa isang tao na iwan ang kanyang mag-anak, kalimutan ang magandang bukas at maalwang pamumuhay at makibaka sa mga kabundukan para ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamayan at dangal ng bansa?

Sa walang saysay at basurang epal ng mga DDShits: ano ang ambag mo, old man?

Ibig ko ding itanong ng hayag, ang bayani ba para sa di-umano’y alagad ng sining daw na ito (na hindi ko maintindihan, kung papaano yaon nangyari) ay yaong mga abusado at trigger-happy na mga pulis na wala nang ginawa kundi ang “magpalaban” at ang kaya lamang namang pagpapapatayin ay ang mga malilit na mga adik at mga maliliit na mga taong walang kalaban-laban? Yon ba ang bayani para sa nilalang na ito?

Huwag nating kalilimutan na ang nilalang ding ito ang nagsabi noong Mayo 3, na di-umano: “It may turn out that for all his vulgar language, Rodrigo Roa Duterte may yet be, next to Magsaysay, the best president we ever had.”

Tanong: ano ang karapatan ng matandang ito na magtanong kung sino ang mga bayani at manawagan ng sakripisyo gayong ang Lodi o Po-on nya na si Mang Kanor ay ni wala kahit na ganggamungong konsepto ng kabayanihan ni malasakit?

Noong siya ay pinutakte ng sandamakmak na batikos at di mabilang na puna ng ating mga Kababayan gawa ng super bloody idiotic at supra out of this world na komento nya ay pilit nya itong jinastify noong Hunyo 14, 2021. Ika nya:

“I got a lot of flak over my recent statement that Duterte may yet be the best president we ever had next to Magsaysay. It is so obvious and sad that after all these years of public instruction in English, Filipinos still have a poor comprehension of it. This includes even those whom I consider intelligent because they are in media. I said, “may yet be,” which means that judgment should be held in abeyance until his term is over. I said, “next to President Magsaysay.” I did not say that Duterte was equal to him.”

Komento:

Ito ay isang akto ng kawalang pananagutan at pagtatago sa teknikalismo. Katulad ng lodi nya, pinalalabas pa na ang mga mambabasa ang tila ba hindi nakaunawa sa basura niyang isinulat. Ang masasabi ko ay bahala na ang kasaysayan at ang Bayan sa kabuuan nito na humatol sa kanya. Tulad ng nasusulat: hindi siya makakawala sa bigwas nito.

Pangwakas, lubos na naniniwala ang manunulat na ito na ang tunay na mga Bayani ay walang hangad kundi ang kapakanan ng kanyang Bayan at walang nasa isip kundi ang kaginhawahan ng mamamayan, lalung-lalo na ang mga maliliit. Sila ang tinutukoy ni kasamang Danny Fabella sa kanyang awit sa ibaba:

Di Pangkaraniwan
Kahanga-hanga kayong ang sarili
Laan sa pagsisilbi
Kayong ang ligaya ay nasa ngiti
Ng bawat dukha’t api

Walang hinahangad na gantimpala
Kundi ang makitang bayan ay malaya
Walang katumbas ni anumang halaga
Dakila ninyong gawa

Mabuhay kayong mga ‘di pangkaraniwan
Pag-ibig ninyo ay walang hangganan
Mabuhay kayong lubos ang katapatan
Mabuhay kayo kailanman

Kahanga-hanga kayong bumabago
Sa lipunan at sa mundo
Ang kabuluhan ninyo’y mamamalagi
At di maitatangi

Sa bawat pahina ng kasaysayan
Ay gintong talang laging masisilayan
At ang kahulugan sa mahihirap
Liwanag ng isang bagong bukas
Mabuhay kayo, mabuhay kayo
Mabuhay kayo kailanman!

Paunawa sa patnugot: Iniaalay ko ang munting akdang ito sa lahat nating mga bayani, silang mga manggagawa, magsasaka, lahat nating mga healthcare professionals, delivery boys, at lahat nating frontliners. Sa partikular ay inihahandog ko ang pahayag na ito sa alaala ni kasamang Kerima Lorena Tariman (1979 – 2021)

Ukol sa may-akda: Si Jose Mario De Vega ay may Masterado ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas at kasalukuyang kumukuha ng Doktorado sa Asian Center ng naturan ding pamantasan.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.