[Tula] Panawagan ng Maralita | ni Greg Bituin Jr.

Panawagan ng Maralita
tingni ang tarpolin nila’t kaytinding panawagan
na talagang ikaw mismo’y mapapaisip naman
krisis daw sa pagkain, trabaho at kabuhayan
ay marapat daw lutasin para sa mamamayan
ipaglaban din ang karapatan sa makatao
at abot kayang pabahay, panawagang totoo
pahayag nilang ito’y tumitimo sa puso ko
na di sila dapat maapi sa panahong ito
kahilingan nila’y dapat lang ipaglabang tunay
lalo’t panawagan nila’y di kusang ibibigay
tanging sama-samang pagkilos ang kanilang taglay
upang kamtin ang adhikang di basta nahihintay
magpatuloy kayo, maralita, sa inyong misyon
sabihin ang inyong hangad kung may pagkakataon
baka hiling n’yo’y ibigay agad pag nagkataon
tara’t magbakasakali upang kamtin ang layon

- gregoriovbituinjr.
08.27.2021 - litratong kuha ng makatang gala noong SONA 2021

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.