[Right-Up] ANG KARAPATANG MAGPAHAYAG AT MAGPROTESTA | Greg Bituin Jr.

#HumanRights #FreedomOfExpression

ANG KARAPATANG MAGPAHAYAG AT MAGPROTESTA

makabagbag-damdamin ang tinugon ni Miss India
ah, talaga namang ako’y napahanga talaga
ipinaliwanag ang karapatang magprotesta
at kalayaang magpahayag ay mahahalaga

siyang tunay, sapagkat bukas ang kanyang isipan
na ipagtanggol ang katarungan at karapatan
lalo’t pantay na karapatan sa kababaihan
upang isatinig ang kawalan ng katarungan

karapatang pasiya ng nagkakaisang tinig
na kapwa’y sa panlipunang hustisya kinakabig
upang ang mapagsamantala’y talagang malupig
upang maliliit at inaapi ang mang-usig

karapatan ng bawat tao ang pagpoprotesta
sa kung ano ang nakakaapekto sa buhay nila
protesta’y makapangyarihang sandata ng masa
lalo na’t namamayani sa bansa’y inhustisya

pipikit na lang ba sa mga patayang naganap
na walang due process, sa tokhang iyan ang nalasap
ng maraming inang sa anak nila’y may pangarap
na sa atas ng bu-ang, buhay ay nawalang iglap

katarungan sa mga walang prosesong pinaslang
at iprotesta ang kawalanghiyaan ng bu-ang
salamat, Miss India, sa maganda mong kasagutan
upang karapatan bilang tao’y maunawaan

  • gregoriovbituinjr.
  • litrato at sinabi ni Miss India, mula sa google

https://web.facebook.com/tulatulatnigregoriovbituinjr/photos/a.103130151545374/274138321111222/

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.