[Press Release] TDC, muling nanawagan sa DEPED na istriktong ipatupad ang work from home scheme sa mga guro

#HumanRights #Teachers #Covid19ph

TDC, muling nanawagan sa DEPED na istriktong ipatupad ang work from home scheme sa mga guro

Matapos ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at ang pagsasailalim ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan sa mas mahigpit quarantine rules, muling nanawagan ang TDC sa pamunuan ng DepEd na ipatupad ang alternative work arrangement (AWA) partikular ang work-from-home scheme.

“Expose na expose po ang mga guro natin sa virus dahil sa iba’t ibang mga gawain gaya ng face to seminars at meetings na puwede naman sanang gawing virtual. Mayroon ding ilang nire-require for home visitation maliban pa sa distribution at retrieval ng modules,” pahayag ni Benjo Basas, Pambansang Tagapangulo ng TDC.

Nabanggit ni Basas ang pangyayari sa Zambales kung saan ayon sa ulat ay aabot sa humigit-kumulang tatlumpu (30) ang nahawaan ng COVID-19 matapos ang serye ng seminar sa dalawang resort sa bayan ng Iba, karamihan sa kanila ay mga punongguro mula sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan.

“Ito pong seminar na ito ay hindi naman esensiyal at maaari sanang ipinagpaliban na lamang o ginawang virtual, kagaya ng nakagawian na sa DepEd at sa buong mundo mula noong nakaraang taon. Pero bakit nagtipon pa rin ang ganito karaming bilang ng mga kalahok na walang kaukulang permiso? Sino kaya ang mananagot sa pangyayaring ito? At anong tulong ang maaaring asahan ng mga guro at kawani na nahawaan mula sa DepEd?” Tanong ni Basas.

Dagdag pa ni Basas ay hindi umano isolated ang kasong ito sa Zambales dahil sa kabila ng deklarasyon ng DepEd na hangga’t maaari ay walang physical reporting, patuloy pa ring inoobilga ang mga guro na pumasok sa mga paaralan kahit walang gagawin doon sapagkat online at modular ang paraan ng pag-aaral ngayon ng mga bata. Maging sa pagdalo sa virtual in-service traning (INSET) ng DepEd noong nakaraang linggo ay may mga paaralan pa ring nag-require sa mga teacher na mag-face to face.

“Mahirap maunawaan ang lohika nito, virtual na ang seminar at streamed live sa YouTube pero may mga kaso pa rin kung saan pinapunta ang mga guro sa paaralan upang doon sama-samang manood sa kanilang computer room. Tinipon ang nasa tatlumpung teacher sa isang sarado at air-conditioned na silid maghapon,” dagdag ni Basas habang tinukoy na halimbawa ang isang paaralan sa Vigan City.

Mula pa noong nakaraang taon ay iginigiit na ng TDC sa DepEd ang obligasyon nitong tiyakin ang kalusugan at kaligtasan ng mga guro sapagkat marami na rin sa kanilang hanay ang nahawaan ng COVID-19 kaugnay pa rin sa kanilang trabaho.

“Ang masakit dito ay wala namang nakahandang ayuda ang DepEd sa mga guro. Taliwas sa atas ng Magna Carta for Public School Teachers na dapat ay alagaan ng gobyerno ang kalusugan ng mga guro sa pamamagitan ng libreng medical check-up at pagpapagamot kung sakaling magkakasakit, may pandemya man o wala,” paliwanag ni Basas.

“Muli po kaming nananawagan sa DepEd na sana ay huwag isugal ang buhay at kaligtasan ng mga guro at istriktong ipatupad ang mga health protocols at ang mismong kautusan nito hinggil naman sa alternative work arrangement o AWA,” dagdag pa niya.

Alinsunod sa kautusan ng Civisl Service Commission (CSC) at ng IATF, naglabas rin ng mga espesipikong panuntunan ang DepEd sa pamamagitan ng DepEd Order No. 11, s. 2020 noong nakaraang taon upang ipatupad ang alternative work arrangement (AWA) para sa mga guro.

“DepEd mismo ang nagsasabi at nagmamalaki na ang mga guro ay nasa ilalim ng work-from-home scheme, eh bakit parang hindi ganun ang nangyayari sa field?” Pagtatapos ni Basas.

Muling `hiniling ng TDC ang isang bukas na dayalogo sa pamunuan ng DepEd upang mailinaw ang mga nasabing usapin.#

Para sa detalye:
Benjo Basas, 09273356375

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.