[Statement] Reaksiyon ng TDC sa planong dry-run ng face to face classes sa Enero

Reaksiyon ng TDC sa planong dry-run ng face to face classes sa Enero
Bagamat boluntaryo, hindi pa rin makatitiyak na magiging ligtas ang mga bata, guro at magulang kung sakaling itutuloy itong dry-run para sa face to face classes. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga bata ay maaaring maging ‘super spreader’ ng virus kung silan’y mahahawaan. Kung sakaling opsiyunal man ito sa mga mag-aaral, maaring hindi ito opsiyunal sa ating mga guro. Sa nakalipas na mga buwan, nakapagtala ang DepEd ng malaking bilang ng mga guro na nahawaan ng COVID-19 at sa kasawiang-palad, hindi nakahanda ang DepEd na mabigyan ng mga kaukulang tulong ang mga nabanggit na guro. Ito’y kahit pa malinaw na ang mga kaso ng hawaan ay nakuha nila dahil sa paggampan sa kanilang trabaho.

Sa ganang amin, kailangang maisaalang-alang ang mahahalagang bagay tulad ng sitwasyon ng COVID sa komunidad, kapasidad ng mga paaralan at LGU sa pagpapatupad ng health protocols, kahandaan ng mga tulong na maaaring kailanganin ng paaralan at komunidad at ang kahandaan din ng ating mga guro para sa ganitong sitwsyon. Kung hindi ito maisasagawa, marahil ay mainam na ituloy na lamang ang nasimulang distance-learning modalities sa kabila ng napakaraming pagkukulang nito. Sapagkat kung sakaling magsagawa ng limited face to face classes, tiyak na iilang komunidad lamang ang maaaring makapagsagawa nito at iilang bata lamang ang maaaring makasama sa programa.
Dapat bumaba mula sa kanilang mga tanggapan ang mga opisyal ng DepEd Central Office at tingnan ang mga tunay na kalagayan sa mga paaralan sa buong bansa upang makapagsagawa ng mga tamang polisiyang tutugon sa mga problema. Higit sa lahat, konsultahin sana ng DepEd ang kanyang mga guro. Lahat ng mga plano at programang ipinatupad ng DepEd mula nang maisailalim sa trahedya ng pandemya ang bansa ay walang itong ginawang malalimang konsultasyon sa kanyang mga guro, ang frontliners ng edukasyon.
Maaari namang maghintay sa inaasahang bakuna bago ituloy ang face to face classes.
For details:
Benjo Basas, National Chairperson
0927-3356375
PAHAYAG
Disyembre 15, 2020

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.