[Press Release] Matapos mahawaan ang 11 Guro sa Ilagan City, TDC nais ilinaw ang trabaho ng mga guro sa DEPED

#HumanRights #Teachers #COVID19ph [Press Release] Matapos mahawaan ang 11 Guro sa Ilagan City, TDC nais ilinaw ang trabaho ng mga guro sa DEPED

Benjo Basas, National Chairperson, Teachers Dignity Coalition (TDC). File Photo by Arnel Tuazon

“Ano ang tulong na maaasahan ng labing-isang guro sa Ilagan City na nahawaan ng COVID-19?” Ito ang tanong ni Benjo Basas, Tagapangulo ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) kasunod ng mga ulat na may labing-isang guro mula sa Ilagan City, Isabela ang nagpositibo sa COVID-19 matapos umano silang mamamahgi ng modules sa kanilang mga mag-aaral.

“Ito po ang paulit-ulit naming sinasabi noon pa, sana matiyak ng DepEd na mabantayan ang kausugan at kaligtasan ng mga guro, kawani at mga magulang at mag-aaral sa pagsisimula ng school year na ito. Bago pa man magbukas ang klase ay napakarami nang guro ang nahawaan at marami sa mga ito ay nakuha nila dahil sa kanilang mga gawaing may kinalaman sa kanilang trabaho,” dagdag pa ni Basas.

Ayon sa grupo ay hindi umano nakapaghanda ang DepEd sapagkat hindi naging malinaw ang mga paraan kung paano makaiwas sa hawaan ang mga guro, “Ngayong nangyari ito, sino ang mananagot? Sino ang nag-utos sa mga guro na magpunta sa mga komunidad? At sino ang gagastos para sa kanilang pagpapagamot?” Tanong ni Basas. Dagdag pa niya, “Kung tutuusin ay hindi trabaho ng mga guro ang mag-print, mag-sort at mag-distribute ng modules na ito. Sapagkat maliban sa naglaan ng 9 bilyong badyet ay paulit-ulit na sinasabi ng DepEd na nakahanda umano sila, pero ang mga guro pala ang ipapain nila sa virus.”

Samantala, nauna nang sinabi ng DepEd na wala umano itong inilaang badyet para sa pagpapagamot sa mga guro kung sakaling mahawaan sila ng COVID-19.

“Malinaw ang sinasabi ng Magna Carta for Public School Teachers na dapat ay alagaan ng gobyerno ang kalusugan ng mga guro. Dapat bigyan ng libreng medical check-up taun-taon at ipagamot ang mga guro sakaling magkaroon ng sakit, may pandemya man o wala dahil ang batas ay 1966 pa ginawa,” paliwanag ni Basas.

Ayon sa TDC, mas kailangan umano ng mga guro ngayon na mabigyan ng katiyakan sa pangangalang medikal dahil na rin sa pagbubukas ng klase kasabay ng pandemya. Kaya muling nanawagan ang TDC sa DepEd na istriktong ipatupad ang mga helath protocol at ang mismong kautusan nito hinggil naman sa alternative work arrangement o AWA sa ilalim ng DepEd Order No. 11, s. 2020.

“Sabin ng DepEd mismo ay work-from-home ang default work arrangement ng mga guro, eh bakit parang hindi ganun ang nangyayari sa field? Bakit parang mas marami pa rin ang pinapapasok sa kani-kanilang mga paaralan at pinagagawa ng mga gawaing puwede namang gawin sa bahay. O kaya’y pinagagawa ng mga trabahong hindi naman dapat sa kanila,” ayon muli kay Basas.

Hiniling ng TDC sa DepEd na ilinaw ang kanyang mga patakaran at sabihin kung ang reproduction, sorting at distribution ba ng modules ay dapat lamang na mga guro pa rin ang gagawa.

“Ano yung sinasabing tagumpay ang pagbubukas ng klase? Nasaan na yung ipinagmamalaki ng DepEd na kahandaan? Hindi ba’t ayon sa DepEd ay handa sila kahit noong Agosto 24 pa? Bakit hanggang ngayon ay araw-araw pa ring pinapupunta ang mga guro sa paaralan para mag-ayos ng modules?” Pagtatapos ni Basas.

Ayon sa TDC dapat umanong maging bukas ang DepEd sa pakikipag-usap sa mga guro kasabay na maging makatothanan ang mga ipinalalabas nilang impormasyon sa madla.

Para sa detalye:
Benjo Basas, 09273356375

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.