[Statement] Kinukundena ng KATAPAT ang pagpapasa ng panukalang batas na nagnanais ipagdiwang ang buhay ni dating pangulong Ferdinand Marcos

OPISYAL NA PAHAYAG NG KABATAANG TAGAPAGTANGGOL NG KARAPATAN (KATAPAT) HINGGIL SA PAG-APRUBA NG KAMARA SA PANUKALANG BATAS NA NAGNANAIS IPAGDIWANG ANG KAARAWAN NI DATING PANGULONG FERDINAND MARCOS BILANG ISANG NON-WORKING HOLIDAY SA ILOCOS NORTE

Mariing kinukundena ng Kabataang Tagapagtanggol ng Karapatan (KATAPAT) ang naging hakbang ng Kamara sa pagpapasa sa ikatlong pagdinig ng isang panukalang batas na nagnanais ipagdiwang ang buhay ni dating pangulong Ferdinand Marcos, isang pasista at diktador, tuwing ika-11 ng Setyembre sa Ilocos Norte.

Ito ay lantarang pagbastos sa dangal, buhay, at sakripisyo ng mga naging biktima ng Batas Militar, ng mga nagmartsa sa lansangan noong 1986 na nauwi sa pagpapatalsik kay Marcos, at ng mga tumindig para sa karapatang pantao at demokrasya sa Pilipinas. Nakakagalit isipin na ang mismong buwan ng paggunita sa buhay at pakikibaka ng ating mga martir ay magiging buwan na rin ng paggunita sa mismong tao na nagpalaganap ng mga pag-aresto at pagpaslang sa mga tagapagtanggol ng karapatan, sa mismong tao na nagmalabis sa kapangyarinhan, sa mismong tao na nagnanakaw sa kaban ng Bayan.

Huwag sanang kalimutan ng 197 na mambabatas na pumabor sa panukalang batas na ‘to na si Marcos mismo ang nagbuwag sa Kongreso upang palitan ito ng Batasang Pambansa na napasailalim sa kanyang kapangyarihan. Hindi bayani si Ferdinand Marcos sapagkat isa siyang taksil at pasista na nagpahirap sa mga mamamayang Pilipino sa loob ng labing-apat na taon.

Tayo ay patuloy na manindigan sa tuwid na naratibo ng ating kasaysayan.

#NotoHistoricalRevisionism
#MarcosIsNotAHero
#DefendDemocracy

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.