[Statement] Pahayag ng True Colors Coalition (TCC) sa maagang pagpapalaya kay US military serviceman Joseph Pemberton mula sa pagkakakulong

Pahayag ng True Colors Coalition (TCC) sa maagang pagpapalaya kay US military serviceman Joseph Pemberton mula sa pagkakakulong

“๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™—๐™ž๐™ก๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™จ๐™š๐™จ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™…๐™ค๐™จ๐™š๐™ฅ๐™ ๐™‹๐™š๐™ข๐™—๐™š๐™ง๐™ฉ๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ช๐™จ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™ฆ๐™ช๐™–๐™ก๐™ž๐™›๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™‚๐™ค๐™ค๐™™ ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™™๐™ช๐™˜๐™ฉ ๐™๐™ž๐™ข๐™š ๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™ค๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™ค ๐™‚๐˜พ๐™๐˜ผ. ๐™„๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ช๐™จ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฌ๐™–๐™ฌ๐™–๐™จ๐™ž๐™ฌ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ง๐™ž๐™๐™–๐™ฃ, at ๐™จ๐™– ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ง๐™š๐™ก๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™Ž ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ.”

Sa sentensyang iginawad kay Pemberton na sampung taong pagkakakulong, ni minsan hindi siya dinala sa National Bilibid Prison kung saan dapat nakakulong ang sinumang nababaan na ng hatol sa krimeng kanilang ginawa. Simulaโ€™t simula pa lamang si Pemberton ay ipinuwesto sa isang pasilidad na idineklarang kustodiya ng US, kung atin pang babalikan, mas maaga pang yugto ng kaso ay ginagamit na ng US ang Visiting Forces Agreement (VFA) upang makuha ang kustodiya kay Pemberton. Iwinawasiwas ng US hanggang ngayon ang kanilang pagkubabaw sa atin gamit ang mga di-pantay na kasunduan at ginagamit ito upang tuluyang bawiin ang tagumpay ng ating hanay sa laban para sa hustisya kay Jennifer Laude.

Hindi natin dapat kalimutan na sa ginawang pagpatay kay Jennifer Laude at sa buong proseso ng ating paglaban upang makamit ang hustisya, kumatawan ito sa ating laban bilang isang soberanong bayan na patuloy na kinukubabawan ng US at itinuturing na kolonya. Huwag nating hayaan na ang ating laban para sa katarungan kay Jennifer Laude ay mabawi sa atin.

Sa halip na siya ay palayain ng maaga, mas nararapat na siya ay dalhin sa National Bilibid Prison at doon niya ganap na i-serve ang sentensya sa kanya. Siya ay nagkasala sa ating bansa, nilitis sa ilalim ng ating batas, nahatulan, at dapat niya itong pagbayaran ng nasa ilalim ng ating kustodiya.

Hinahamon ng buong True Colors Coalition (TCC) ang gubyernong Duterte, tindigan ninyo ang laban na ito ng sektor ng LGBTQ at ng buong mamamayan para sa katarungan kay Jennifer Laude. Patunayan ninyo ang pagiging isang soberanong bansa ng Pilipinas.

IGIIT ang ating Soberanya, IKULONG si Pemberton sa Bilibid, at IBASURA ang VFA-EDCA!

Tungkol sa TCC:
Ang TCC ay isang pulitikal na organisasyon ng mga LGBT activist na nauna nang sumama sa malawakang protesta noong 2014 laban sa madugong pagpatay kay transwoman Jennifer Laude sa Olongapo. Kabilang ito sa kampanyang palakasin ang kilusang LGBT para na karapatan, pagkakapantay pantay at kalayaan. Ang TCC ay bahagi ng network ng PAHRA at iDEFEND.

September 3, 2020

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.