[Statement] Reaksiyon ng TDC sa pahayag ng DEPED hinggil sa selected face to face learning

Reaksiyon ng TDC sa pahayag ng DEPED hinggil sa selected face to face learning
Isa lamang itong patunay na hanggang ngayon ay hindi pa lubos na nakalatag ang plano sa pasukan bagamat malapit na ang takda nitong magbukas. At sa aming palagay ay napakadelikado pa ng face to face classes sa mga lugar na mababa o kahit pa walang kaso ng COVID-19. Nakita na natin ito sa mga nakaraang polisiya na kung biglang magluluwag ay mae-expose sa pagkalat ng virus ang mga mamamayan gaya ng nging resulta ng balik-probinsiya program.
Ang mas dapat sanang tutukan ng DepEd at ng pamahalaan ay kung paano gagawing maayos ang mga pamamaraan para sa distance learning modality gaya ng online, radio/TV broadcast o maging ang modular approach. Lahat ng mga ito ay hindi pa rin handa hanggang sa kasalukuyan samantala isang buwan na lang at magbubukas na ang klase.
Sana naman bago ang mga pinal na pagpapasya hinggil sa class opening ay maikonsidera ang kahandaan ng sistema at ang kaligtasan ng mga bata, guro at lahat ng mga mamamayan.
For details:
Benjo Basas, National Chairperson
0927-3356375
Teachers’ Dignity Coalition
4443 BCL Homes, Independence St., Gen. T. De Leon Valenzuela City
Telephone (02) 6920-296 • Mobile: 0916-6126739
Email: teachersdignity@yahoo.com.ph • Website: http://www.teachersdignity.com
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc