[Tula] Nais kong magboluntaryo laban sa COVID-19 -ni Greg Bituin Jr.

nais kong magboluntaryo laban sa COVID-19
ayokong sa bahay lang, itlog ay palalakihin
subalit di ako doktor, nars, o health worker man din
nais ko lang tumulong, anumang kaya’y gagawin

kumbaga, ayokong nasa gera’y walang magawa
habang tigil sa trabaho ang kapwa manggagawa
sa nangyayaring ito’y dapat lang bang tumunganga?
maghintay lang kung kailan kwarantina’y mawala?

ayokong manood lang ng ulat tungkol sa sakit
pulos istatistika, ilan na ba ang maysakit
nakatunganga akong baka mahawa ng sakit
magboluntaryo sana’t mag-ambag kahit maliit

ang COVID-19 na’y talagang tunay na digmaan
paano maliligtas ang bansa’t sangkatauhan
maraming frontliner na’y nawala’t nalalagasan
ako’y nakatunganga’t di makatulong sa bayan

ginagawa’y kwento’t tulang di naman makakain
kaya gutom ang pamilya’t di sila mapakain
kaya nais kong magboluntaryo’y magkasilbi rin
sa sitwasyong di nakikita ang kakalabanin

ako’y tibak na hinanda ang sarili sa digma
ako’y makatang sa nangyayari’y makakatula
isusulat ko ang mga nakikitang masama
handa ang bisig sa sitwasyong nakakatulala

kung kailangan ng boluntaryo, sabihan ako
nasa probinsya man, malayo sa Maynilang sentro
nais magsilbi’t magkasilbi sa sitwasyong ito
at mapanatili ang sanidad, di nababato

– gregbituinjr.

HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.