[Right-Up] Sa panahon ng Covid-19, ang fighting spirit ng isang matanda at aktibistang pari sa Quezon ang isa sa mga nagpapalakas ng loob ko -ni Norman Novio

Sa panahon ng Covid-19, sa social distancing na bunga nito, ang fighting spirit ng isang matanda at aktibistang pari sa Quezon ang isa sa mga nagpapalakas ng loob ko. Noon pa man, noong nasa Social Action Center pa lang ako ng Bikaryato ng San Jose ay nakasama ko na siya sa mga panrehiyong pagtitipon para sa programa sa mga katutubo at kalikasan.

Ang ikuwento ko ang kanyang pinagdaan ay coping mechanism ko na nga rin pala sa lockdown dulot ng Covid-19. At alalahanin na rin sa mga taong pisikal kong nakasama na naging inspirasyon ko sa buhay. Buhay man o patay.

Si Fr. Pete Montellana, OFM ay matatag na naninindigan laban sa Kaliwa Dam kasama ng mga katutubong Agta sa kanilang lugar. Siya ang chairman ng Save Sierra Madre Network Alliance Inc. (SSMNA) at mula sa Diocese of Infanta, Quezon. Matapang pero mahinahon at buo ang loob na hinarap ni Fr. Pete, sa diwa ng panlipunang turo ng Simbahang Katoliko, ang tayo ni Pangulong Duterte sa simula pa na gagamitin niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan bilang presidente para matiyak ang konstruksyon ng P18.7-billion China-funded Kaliwa Dam project sa mga lalawigan ng Quezon at Rizal. Hindi kaya ang mga proyektong ganito ang resulta ng panghihimasok ng tao sa kolonya o habitat ng mga hayop-ilang? Hindi kaya ang virus na ito ay likha ng encroachment ng modernisasyon sa mga liblib na lugar ng mga halaman at hayop gaya ng mga pook na wawasakin sa konstruksyon ng Kaliwa Dam?

Tuloy tayo sa kuwento ni Fr. Pete. Bago ko makalimutan, naging opinion writer din nga pala ng Inquirer do net, si Fr. Pete.

Noong Feebruary 17, 2020, habang putok na ang balita ng Covid-19 sa Wuhan, na-stroke si Fr. Pete. May blood clot na na-MRI sa kanyang utak. Inatake siya habang naka-upong resource person sa Senate Committee Hearing on Cultural Communities. Kagyat siyang isinugod sa Our Lady of Lourdes Hospital sa Sta. Mesa, Maynila at inoperahan sa ulo.

Simula pa lang nang imulat niya ang kanyang mata matapos ang operasyon, matatag pa rin siyang nanindigan sa kanyang pananalig at adbokasiya. Hindi siya pinanghinaan ng loob. Alagad siya ng Diyos, propeta siya ng kanyang pananampalataya, hindi siya kailanman kayang gupuin ng takot at kawalang-pag-asa.

Matapos lang ang tatlong araw, noong February 20, 2020, inilabas na siya sa ICU tungo sa regular room. At noong February 27, tuluyan na itong ini-release sa ospital.

Kilala rin si Father Pete bilang Shibashi practitioner. Ito ay serye ng apparently 18 energy-enhancing exercises that co-ordinate movement with breathing and concentration. Sabi, ang chest exercises daw at controlled breathing ay mabuting pampalakas ng resistensya at ng lungs. Tuwing itinuturo niya ito sa amin noon as ice-breakers sa mga training at seminar, naku-kornihan ako at natatawa. Hindi ako sumusunod sa Shibashi moves niya noon, gaya rin ng mga matitigas ang ulong kabataan na naglalamyerda pa sa panahon ng lockdown ngayon.

Pero lampas sa Shibashi, natutunan ko kay Father Pete na ang mga ordinaryong tao pala ay may kapangyarihang mag-“disinfect” ng mga tinatawag niyang systemic and social sins. Kaya nilang i-lockdown ang sistema at linisin ito, lipulin ang mga panlipunang virus o mikrobyong sumasakop at sumasalot sa atin.

Nasa utak pa rin ng pari na ang pagiging mabuting mamamayan at mapanalanginin ay ang pinakamabisang panlaban sa lungkot at takot.

Sa isang video na pinost kahapon, March 20, 2020 ni Mhedz Nacor Mulles, tila isang malapit na kamag-anak ni Fr. Pete, makikita ang pari na nagsi-Shishibashi na nagsasabing, “Kailangang masanay ang utak na nakakagalaw tayo, sa susunod, alam na niya”. “Kung nagsi-Shibashi na si Father, umiinog na naman ang daigdig niya,” sa loob-loob ko.

Malay natin, marami sa atin ay tulad ni Father na may pananampalatayang ‘di kayang igupo ng anumang trahedya. Ngayong nasa quarantine period tayo, try nating maging responsable at mapanlikhang mamamayan.

Malay n’yo, mamaya-maya ay i-ta- try ko na ring mag-Shibashi…

—–
(Photos: from Fr. Pete’s Facebook page)

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.