Tag Archives: STOP KALIWA DAM NETWORK

[Video] Pakinggan ang boses ni Alvin, isang kabataang katutubong apektado ng Kaliwa Dam | Stop Kaliwa Dam

Pakinggan ang boses ni Alvin, isang kabataang katutubong apektado ng Kaliwa Dam.

Kasama si Alvin sa paglalakad upang ipakita sa taumbayan at makuha ang kanilang suporta na ipatigil ang Kaliwa Dam na makakasira sa kanilang kinabukasan at salinlahi ng mga katutubo. Aniya, ang laban na ito ay hindi lamang laban nilang mga katutubo kundi laban ng lahat na maapektuhan ng pagtatayo ng Kaliwa Dam.

MAKIISA SA LAKAD. MAKIISA SA LABAN. #StopKaliwaDam #SaveSierraMadre

Pirmahan at ibahagi ang petisyon: change.org/stopkaliwadam

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

[Petition] Stop Kaliwa Dam, Save our Future! | Change.org

Stop Kaliwa Dam, Save our Future!

The Kaliwa Dam Project violates legal processes and the Philippine constitution, is destructive to the environment, and is against the country’s national interest.

With the increasing demand for water supply in Metro Manila, costly options appear to seemingly solve this concern. In fact, the recent “water crisis” was used to expedite and justify the New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project as the solution to such.

Read more

[Event] Kwentong Kalikasan, Kwentong Kaliwa Dam | Stop Kaliwa Dam

#HumanRights #IndigenousPeoples

Patuloy ang ating pagpupugay sa mga katutubong Pilipino!

Malaki ang ambag ng mga katutubong komunidad sa pambansang kaunlaran – sa pang-ekonomiko, sosyo-kultural, sa kalikasan, at marami pang iba.

Kilalanin pa natin sa Kwentong Kalikasan, Kwentong Kaliwa Dam, ngayong Martes, 2:00 ng hapon, live dito sa Facebook!

Read more

[Right-Up] Sa panahon ng Covid-19, ang fighting spirit ng isang matanda at aktibistang pari sa Quezon ang isa sa mga nagpapalakas ng loob ko -ni Norman Novio

Sa panahon ng Covid-19, sa social distancing na bunga nito, ang fighting spirit ng isang matanda at aktibistang pari sa Quezon ang isa sa mga nagpapalakas ng loob ko. Noon pa man, noong nasa Social Action Center pa lang ako ng Bikaryato ng San Jose ay nakasama ko na siya sa mga panrehiyong pagtitipon para sa programa sa mga katutubo at kalikasan.

Ang ikuwento ko ang kanyang pinagdaan ay coping mechanism ko na nga rin pala sa lockdown dulot ng Covid-19. At alalahanin na rin sa mga taong pisikal kong nakasama na naging inspirasyon ko sa buhay. Buhay man o patay.

Si Fr. Pete Montellana, OFM ay matatag na naninindigan laban sa Kaliwa Dam kasama ng mga katutubong Agta sa kanilang lugar. Siya ang chairman ng Save Sierra Madre Network Alliance Inc. (SSMNA) at mula sa Diocese of Infanta, Quezon. Matapang pero mahinahon at buo ang loob na hinarap ni Fr. Pete, sa diwa ng panlipunang turo ng Simbahang Katoliko, ang tayo ni Pangulong Duterte sa simula pa na gagamitin niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan bilang presidente para matiyak ang konstruksyon ng P18.7-billion China-funded Kaliwa Dam project sa mga lalawigan ng Quezon at Rizal. Hindi kaya ang mga proyektong ganito ang resulta ng panghihimasok ng tao sa kolonya o habitat ng mga hayop-ilang? Hindi kaya ang virus na ito ay likha ng encroachment ng modernisasyon sa mga liblib na lugar ng mga halaman at hayop gaya ng mga pook na wawasakin sa konstruksyon ng Kaliwa Dam?

Tuloy tayo sa kuwento ni Fr. Pete. Bago ko makalimutan, naging opinion writer din nga pala ng Inquirer do net, si Fr. Pete.

Noong Feebruary 17, 2020, habang putok na ang balita ng Covid-19 sa Wuhan, na-stroke si Fr. Pete. May blood clot na na-MRI sa kanyang utak. Inatake siya habang naka-upong resource person sa Senate Committee Hearing on Cultural Communities. Kagyat siyang isinugod sa Our Lady of Lourdes Hospital sa Sta. Mesa, Maynila at inoperahan sa ulo.

Simula pa lang nang imulat niya ang kanyang mata matapos ang operasyon, matatag pa rin siyang nanindigan sa kanyang pananalig at adbokasiya. Hindi siya pinanghinaan ng loob. Alagad siya ng Diyos, propeta siya ng kanyang pananampalataya, hindi siya kailanman kayang gupuin ng takot at kawalang-pag-asa.

Matapos lang ang tatlong araw, noong February 20, 2020, inilabas na siya sa ICU tungo sa regular room. At noong February 27, tuluyan na itong ini-release sa ospital.

Kilala rin si Father Pete bilang Shibashi practitioner. Ito ay serye ng apparently 18 energy-enhancing exercises that co-ordinate movement with breathing and concentration. Sabi, ang chest exercises daw at controlled breathing ay mabuting pampalakas ng resistensya at ng lungs. Tuwing itinuturo niya ito sa amin noon as ice-breakers sa mga training at seminar, naku-kornihan ako at natatawa. Hindi ako sumusunod sa Shibashi moves niya noon, gaya rin ng mga matitigas ang ulong kabataan na naglalamyerda pa sa panahon ng lockdown ngayon.

Pero lampas sa Shibashi, natutunan ko kay Father Pete na ang mga ordinaryong tao pala ay may kapangyarihang mag-“disinfect” ng mga tinatawag niyang systemic and social sins. Kaya nilang i-lockdown ang sistema at linisin ito, lipulin ang mga panlipunang virus o mikrobyong sumasakop at sumasalot sa atin.

Nasa utak pa rin ng pari na ang pagiging mabuting mamamayan at mapanalanginin ay ang pinakamabisang panlaban sa lungkot at takot.

Sa isang video na pinost kahapon, March 20, 2020 ni Mhedz Nacor Mulles, tila isang malapit na kamag-anak ni Fr. Pete, makikita ang pari na nagsi-Shishibashi na nagsasabing, “Kailangang masanay ang utak na nakakagalaw tayo, sa susunod, alam na niya”. “Kung nagsi-Shibashi na si Father, umiinog na naman ang daigdig niya,” sa loob-loob ko.

Malay natin, marami sa atin ay tulad ni Father na may pananampalatayang ‘di kayang igupo ng anumang trahedya. Ngayong nasa quarantine period tayo, try nating maging responsable at mapanlikhang mamamayan.

Malay n’yo, mamaya-maya ay i-ta- try ko na ring mag-Shibashi…

—–
(Photos: from Fr. Pete’s Facebook page)

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Statement] Pahayag ng Pagkundena sa Patuloy na Karahasan ng Militar sa mga Katutubong Dumagat-Remontado -STOP Kaliwa Dam Network

Habang ang karamihan ay nakatuon sa isyu ng COVID-19, ang pwersa ng estado sa kabilang banda ay patuloy naman ang pananakot at pangdadahas sa mga Katutubo ng Quezon at Rizal dahil sa Kaliwa Dam.

Matapos ang pananakot sa mga katutubong Dumagat-Remontadong papunta sa isang pagdiriwang ng anibersaryo ng People Power Revolution noong Pebrero 24, may mga pahayag mula sa parehong komunidad na isang kapwa nila katutubo ang dinakip ng yunit ng militar sa General Nakar noong ika-1 ng Marso. Napag-alaman ding binugbog ang nasabing katutubo habang nasa kustodiya ng nasabing elemento ng militar. May mga nakasaksi sa nasabing pagdukot at mga litrato ng binugbog na katutubo.

Mariing kinukundena ng STOP Kaliwa Dam Network ang patuloy na karahasan ng militar sa nasabing katutubong komunidad. Aming kinukundena ang ‘di-makatuwirang paggamit ng dahas, walang basehang pananakot, at panggigipit na ginagawa ng mga puwersang militar.

Gamit ang katuwirang paglaban sa armadong sigalot sa kanilang lugar, naiipit ang mga katutubo sa kabila ng kawalan ng patunay na sangkot sila sa ibinibintang sa kanila. Lumilikha ng klima ng takot ang karahasan ng militar at matinding ginagambala ang kabuhayan at payapang pamumuhay ng mga katutubo sa kanilang mga lupain.

Ang panawagan namin ay kapayapaan. Iginigiit namin sa militar sa nasabing lugar na maging mga tagapagpatupad ng batas at kaayusan, hindi pasimuno ng panggigipit at pang-aabuso. Ang pangunahing tungkulin ng hukbong sandatahan ay pangalagaan ang teritoryo ng bansa at depensahan ang mga mamamayan nito, hindi supilin ang kanilang karapatan, lalo na ang karapatan tumutol sa mapanirang Kaliwa Dam. Karapat-dapat lamang suportahan, hindi dahasin, ang mga katutubo sa kanilang pag-aalaga sa kanilang lupaing ninuno, na buhay at nagbibigay buhay, na hiram lamang sa salinglahi, at bilang paglilingkod sa sambayanan.

Itigil ang karahasan sa mga katutubo!
Panagutin ang mga puwersa ng estado.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.