[Statement] Emergency Medical Response, Hindi Militarisasyon- iDEFEND

Lubhang nababahala ang In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDEFEND) sa nagiging tugon ng gobyerno sa pandemyang COVID-19. Sa halip na paigtingin ang kakayahan ng mga ospital at pagamutan upang rumesponde sa lumalalang local transmission sa bansa, minobilisa ang mga sundalo at pulis upang lumikha ng katatakutan at pagkabahala sa mamamayan.

Bukod sa nakakalito at ‘di magkatugmang mga pahayag ng iba’t ibang antas ng pamunuan, walang maayos na sistema ng impormasyon tungkol sa pandemyang ito.

Ang kailangan ng mamamayan ay maagap at mahusay sa serbisyo publiko, hindi curfew; dapat ipakalat ang testing facilities, hindi checkpoints; magbigay ng mura o libreng bakuna kontra pneumonia; magdeploy ng mga duktor at medical personnel, hindi sundalo’t pulis.

Hindi pananakot, kundi organisado, makatuwiran at mapagkakatiwalaang pagpapakita na handa ang pamahalaang kumalinga sa ating pangangailangan, hindi lamang sa usapin ng serbisyong pangkalusugan kundi lalo sa sapat na pagkain, seguridad sa kabuhayan at tulong sa mga mahihirap sa panahon ng krisis na ito.

Tungkulin ng gobyernong tugunan ang pandemya sa balangkas ng pampublikong serbisyong pangkalusugan, hindi peace and order. Ang pinakamalaking suporta ay dapat i-ayon sa pangangailangan ng mga ospital, lokal na pagamutan, at pagdeploy ng medical personnel. Sekondaryo lamang ang suportang kailangan mula sa sandatahang lakas.

Panawagan ng iDEFEND ang pagtatatag ng sistema ng konsultasyon sa mga sector na apektado ng mga patakarang ipinapatupad, tulad ng mga manggagawa, mga estudyante, kababaihan, magbubukid, katutubo, transport sector, medical sector at iba pa, upang tiyaking may pakinabang ang mga desisyong gagawin ng lokal at nasyuonal na pamahalaan.

Sa gitna ng isang public health emergency nananatili ang karapatan ng bawat mamamayan tulad ng karapatan sa akma at tamang impormasyon, malayang pamamahayag, agarang lunas sa karamdaman, karapatan laban sa diskriminasyon, karapatan laban sa tortyur at pagmamalupit, at karapatan sa tamang proseso ng batas.

Ang mga organisasyong kabilang sa iDEFEND ay nananatiling handang tumanggap ng mga report ng paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng public health emergency na ito, at mahigpit na nakikipagtulungan sa mga nabanggit na sektor tungo sa mas makabuluhan at maka karapatang pantaong pagtugon sa COVID-19 emergency.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.