[Statement] Pahayag ng TDC hinggil sa suspensiyon ng klase at pag-oobliga sa mga guro na maglinis sa paaralan

Kasunod ng kanselasyon ng mga klase sa Metro Manila at ilang mga lalawigan at bayan sa Central Luzon at CALABARZON, dapat matiyak na hindi na rin obligadong papasukin ang mga guro, lalo na kung ang layunin ay ang maglinis o mag-disinfect lamang ng paaralan. Kung pinoprotektahan natin ang mga bata, dapat ay gayundin ang ating mga guro sapagkat posible rin silang mahawaan ng virus na ito.
Hindi iilang paaralan sa mga nasabing lugar ang nag-ulat sa amin na ang mga guro ay pinapupunta sa kani-kanilang paaralan upang tumulong sa paglilinis o gumawa ng anumang bagay kaugnay sa kanilang mga trabaho.
Hinihiling namin sa DepEd management na agarang ipaalala ito sa field officials sapagkat ito’y alinsunod lamang sa DepEd Order No. 43, s. 2012 at linawin na walang obligasyong mag-report, lalo na maglinis ang mga guro. Marapat din na ipatupad ito hindi lamang sa mga pampublikong paaralan kundi maging sa mga pribado.
Reference:
Benjo Basas, National Chairperson
0927-3356375
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.