[Right-Up] Atake sa Senado – Ni Greg Bituin Jr.

SINA KA EDDIE GUAZON AT FR. PETE MONTALLANA
Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kapwa kilalang lider sila ng kani-kanilang panahon. Kapwa sila may kaugnayan sa maralita. Pareho silang prinsipyado, determinado, palaban, kagalang-galang, magiting. Subalit pareho rin silang inatake habang nagsesesyon sa Senado habang ipinaglalaban ang mga maliliit at api sa lipunan. Ang isa’y tuluyang namatay at ang isa’y pinalad na nabuhay.
Si Ka Eddie Guazon ang unang pangulo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) na naitayo tatlo’t kalahating dekada na ang nakararaan. Namatay siya habang nasa pagdinig ng Senado kaugnay sa mga nagaganap na demolisyon. Doon sa Senado ay inatake siya ng cardiac arrest habang pinabubulaanan ang testimonya ng isang pulis. Dinala siya sa Philippine General Hospital subalit hindi na siya umabot ng buhay.
Si Fr. Pete Montallana ay aktibo sa Save Sierra Madre Network Alliance, Inc. (SSMNAI) at sa Stop Kaliwa Dam (SKD) campaign. Nitong nakaraan lang, nabalitaan kong dinala siya sa ospital habang nasa pagdinig sa Senado kaugnay sa proyektong Kaliwa Dam na mahigpit din niyang tinututulan. Dinala siya sa klinik at sa kalaunan ay sa ospital, at siya’y inoperahan. Sa ngayon, siya’y nagpapagaling.
Hindi ko na naabutan pang buhay si Ka Eddie Guazon pagkat 1989 siya namatay. Subalit inipon ko ang mga kasaysayan ng KPML na inilagay ko sa blog na aking binuo. Pati ang kanyang mga larawang nalathala sa isang magasin ng pagpupugay sa kanya at ang nag-iisang kwadro ng kanyang litratong nasa tanggapan ng KPML ay aking nilitratuhan upang mailagay sa blog. Kaya pag kailangan ng kasaysayan ng KPML, datos, pahayag, sa blog ng KPML ito makikita. Ako naman ay napunta sa KPML bilang staff noong 2001 hanggang Mayo 2008. At muling nagbalik sa KPML bilang halal na sekretaryo heneral nito noong muling maglunsad ito ng kanyang pambansang kongreso noong Setyembre 16, 2018.
Click the link below to read more:
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.