[Tula] Ang kuyog bilang pilosopiya ng katarungan – ni Greg Bituin Jr.

marami nang balitang kinuyog ng mamamayan
ang mga salaring may ginawang krimen sa bayan
sadyang kinuyog siya ng galit na taumbayan
na nagtulong-tulong upang krimen ay mapigilan
pakiramdam ng taumbayan, sila ang biktima
sila ang hinoldap, ginahasa, at pinuntirya
di ito hahayaang mangyari pa sa kanila
taumbayan na ang sa kriminal ay nagsentensya
maraming tao ang nagtulong-tulong kaya kuyog
tulad nito ang bayanihan ng mga bubuyog
napakarami, sama-sama, mundo’y inaalog
animo’y bulkan silang sama-sama sa pagsabog
anyo ng hustisyang pinakita ng Pilipino
nagkakaisang pagkilos laban sa tarantado
di man magkakakilala’y pipigilan ang gago
upang mapiit dahil sa sala sa kapwa tao
kuyog na’y isang pilosopiya ng katarungan
naiibang hustisyang marahil taal sa bayan
tulong-tulong sila pagkat di nila hahayaan
na ang kriminal ay pagala-gala sa lansangan
– gregbituinjr.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.