[Tula] Itinirik nila’y halaman imbes na kandila -ni Greg Bituin Jr.

itinirik nila’y halaman imbes na kandila
katabi ng larawan ng mahal nilang winala
halaman upang tumubo, pag-asa ang sagisag
simbolong bawat isang naroo’y maging matatag

uusbong ang halaman upang maging isang puno
na magbibigay ng lilim sa bawat nahahapo
magbibigay ng bunga sa bawat gutom at luha
at tutulong upang mapawi ang malaking baha

mga halamang simbolo ng desaparesido
upang mahal na winala’y matagpuang totoo
daraan ang araw, buwan, taon, puno’y yayabong
magkakabunga’t panibagong pag-asa’y uusbong

itinanim na halaman ay ating alagaan
diligan palagi’t huwag hayaang matuyuan
nawa ibunga nito’y kapayapaan sa puso
at mabubuong pag-asa’y patuloy pang lumago

– gregbituinjr.
* Larawan kuha ng may-akda sa aktibidad ng FIND sa Bantayog ng mga Desaparesido, Nobyembre 2, 2019

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.