[In the news] No-endo bill na pinasa ng Kongreso, pinuna dahil ‘mahina’ -ABS-CBN news

Ikinadismaya ng ilang labor groups ang hindi pagdaan sa bicameral proceedings sa Kongreso ng panukalang security of tenure na layon daw wakasan ang ilegal na kontraktuwalisasyon.
Ito ay matapos kanselahin ang pagtalakay nitong umaga ng Miyerkoles dahil tinanggap na umano ng Kamara ang bersiyon ng Senado ng panukala.
Ikinadismaya ito ni Trade Union Congress of the Philippines party-list Rep. Raymond Mendoza.
“A bit disappointed, yes, on the process, and we could’ve enhanced it from the version in the House,” aniya.
Tingin ng grupong Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) na taktika ito ng Kongreso para mailusot ang mahinang bersiyon ng panukala.
“Malinaw na malinaw, niloloko ng Congress ang workers. It will not solve the problem of ‘endo’ (end of contract) at ‘yung pangako ng pangulo ay nakapako pa din,” ani Josua Mata.
Read more @news.abs-cbn.com
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.