[Tula] “Katarungan sa kapirasong laman” -ni Raymart King dela Cruz

Pamatid uhaw, Pantawid sarap
Nakasilay nang hita, sinaniban na.
Inabangan nang mag-isa
Kumuha nang tyempo hanggang sa dinamba
Tinakpan ang bibig
Maging mga mata
Sinuntok sa tiyan, pinalo sa ulo
Nawalan nang malay
Ayos na pare.
Isang panghahalay..
Kawawang Nene
Hindi na nakauwi.
Matapos parausan
Puso ay tumigil
Sinaksak paulit ulit
Ng punyal sa dibdib
Upang hindi na makita ay sa sako isinilid
Hagulgol ng magulang
Sa sinapit ng anak
Awa, Galit, Hinagpis
Bunga ay luhang pumatak.
Labing apat na taon
Pinag-aral – Inaruga
Sa isang iglap lamang
Kinabukasan ay nawala
Hustisyang hiningi
Naging mailap,
Mga mata ay bulag sa salaping ipinasak
Tila ba mga nakapikit
May pasak sa bibig.
Kapag hindi nagsalita ay gigilitan ng leeg.
Hayok sa laman
Dakilang timang
Sa sandaling aliw
Kinawawang nilalang.
Hindi na binuhay
Ninakawan pa ng katarungan
Langit ang huhusga
Sa gawa mong kasalanan.
Ang may akda ay nagsusulat din ng mga awitin at isa rin musikero.
Support #KarapatDapat na Agenda campaign! Click the video to know more.
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.
Pingback: Finalists for 9th HR Pinduteros Choice Awards for HR Right-Up | Human Rights Online Philippines