[Right-Up] BATANG BILANGGO, EDAD SIYAM? -ni Greg Bituin Jr.

BATANG BILANGGO, EDAD SIYAM?

tama bang sa edad siyam, ang bata na’y mapiit?
hustisya na ba sa bansa’y ganito na kalupit?
sa murang gulang, karapatan niya’y pinagkait
kinulong dahil sindikato sa kanya’y gumamit

batang edad siyam ay dapat na raw maikulong
panukalang ito sa Kongreso’y isinusulong
pag bata’y gumawa ng krimen at agad sinuplong
kulong agad habang laya ang nag-atas na buhong!

ano nang nangyari sa ating mga mambabatas?
krimen ba’y di na kaya ng kapulisang malutas?
di na mapigil ng maykapangyarihan ang dahas?
mga sakit ba ng lipunan ay wala nang lunas?

mga magulang ba ng batang bilanggo’y pabaya?
bakit magulang ay kayod ng kayod ngunit dukha?
mga bata ba’y inabandona na’t isinumpa?
o problema’y ang sistemang nagdulot ng dalita?

bakit nais makulong ang bata, ano ang sanhi?
halina’t pag-isipan, patuloy tayong magsuri
dulot kaya ito ng pagkakaiba sa uri?
o baka mambabatas ay hungkag ang mga budhi?

– gregbituinjr.

Follow Greg sa Fb (Mga tula’t akda ni Gregorio V. Bituin Jr.)

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s