4th HR Pinduteros Choice Awards winners, Pasasalamat atbp.

Pagkilala at Pasasalamat
sa lahat ng mga indibidwal at organisasyon na naging
bahagi ng matagumpay na 4th HR Pinduteros Choice Awards
ng HRONLINEPH.COM bilang pagbubukas ng isang lingong pagdiriwang ng
anibersdaryo ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao
Ika-1 ng Disyembre 2014, sa Conspiracy Bar and Garden Cafe, Quezon City.
Sa lahat po ng mga naging nominado at pinarangalan, ito po ay pagkilala sa iyong napakahalagang kontribusyon sa pagpapalaganap ng kultura ng karapatang pantao sa pamamagitan ng internet. Kayo po ang nagpapatunay na ang modernong teknolohiya ay magagamit para makapagmumulat, makapagbigay inspirasyon at makapagpakilos sa mga karaniwang mamamayan para sa tunay na pagbabago.
Ang mga nagwagi ng 4th Pinduteros Choice Awards:
4th Pinduteros Choice Awards for HR Campaign
[PETITION] TELL PHILIPPINES’ SEAFOOD GIANT CITRA MINA TO RESPECT THE HUMAN RIGHTS OF THEIR WORKERS! BY SAMAHANG UNITED WORKERS OF CITRA MINA GROUP OF COMPANIES UNION
4th Pinduteros Choice Awards for HR Website
ALYANSA TIGIL MINA (ATM) alyansatigilmina.net
4th Pinduteros Choice Awards for HR BlogSite
LIFE ACCORDING TO EDEL NI EDEL kuyaedel.wordpress.com
4th Pinduteros Choice Awards HR Networks Post
[PRESS RELEASE] LABOR GROUPS DEMAND CLAMP DOWN ON MANPOWER COOPS -NAGKAISA
4th Pinduteros Choice Awards HR Pinduteros Post
ANG CHED MEMORANDUM BLG. 20 BILANG AKTO NG PAGTATAKSIL SA BANSA AT HAKBANG NG PAGPATAY SA KALULUWA NG MGA MAMAMAYANG PILIPINO. BY JOSE MARIO DE VEGA
4th Pinduteros Choice Awards HR Event
BAKIT ANG ISYU SA CALUMPIT BRIDGE AY ISYU NG KARAPATAN NG MGA RIDERS AT KARAPATANG PANTAO? BY LYNDON PANGAN
4th Pinduteros Choice Awards HR Video
MGA ANAK NG SABANGAN -BY BENITO MOLINO
4th Pinduteros Choice Awards HR Featured Site
YOUTH FOR FOI youth4foi.blogspot.com
4th Pinduteros Choice Awards HR Photo
IN COMMEMORATION OF VICTIMS OF KILLINGS AND HUMAN RIGHTS VIOLATIONS IN TAMPAKAN BY ROMMEL DE VERA
4th Pinduteros Choice Awards HR Off-The-Shelf
“TORTURE IMPUNITY, AN ANALYSIS OF THE IMPLEMENTATION OF THE ANTI-TORTURE LAW IN THE PHILIPPINES” -UATC
4th Pinduteros Choice Awards HR Off-The-Shelf
THE IMPACT OF PHILIPPINES’ CONDITIONAL CASH TRANSFER PROGRAM ON CONSUMPTION BY MELBA V. TUTOR
Sa Mga Nominado (click link)
Sa aming EMCEEs na sina Emil Tapnio, Sunshine Serrano at Ron De Vera.
Sa lahat po ng dumalo sa ating matagyumpay na aktibidad, lubos po ang aming pasasalamat sa inyong pagtangkilik at pagsuporta sa amin bilang katuwang ninyo sa inyong mga adbokasiya at layunin. Kayo po ang tunay naming sandigan.
Photo by FOI youth initiative
Kay Tao Aves na siyang nagbigay ng awitin para sa atin.
Sa mga panauhing nagbigay ng lightning Talks.
Sa amin pong mga sponsors, hindi po maisasakatuparan ang aming mga gawain kung hindi po sa inyong pagtitiwala at suporta. Ito po ay patunay kung tayo’y magtutulungan, marami po tayong magagawa. Kayo po ang aming kaagapay.
Foundation for Media Alternatives (FMA)
ShotList Films, The Toy Project
Event Sponsors:
Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ)
Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)
At sa lahat po ng mga followers and readers ng HRONLINE.COM, maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbisita sa aming blogsite upang maglike, magcomment at magshare. Kayo po ang dahilan upang kami ay nagpapatuloy.