[Blog] Sino ba ang tunay na marahas? Sino ang mga tunay na hoodlums? by Jose Mario De Vega

Sino ba ang tunay na marahas? Sino ang mga tunay na hoodlums?

Ang munti kong sanaysay na ito ay hinggil doon sa isyu ng mga kabataang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas na sumalakay kay bantay-salakay na Kalihim ng DBM na si Butch Abad. Ang nasabing mga kabataan ay miyembro ng Stand UP. Naganap ang nasabing pangyayari matapos ang pagsasalita ni Budget Sec. Abad sa isang pasalita na inorganisa ng School of Economic.

Mario De Vega

Ibig kong ideklara na ako ay hindi kasapi ng mga nasabing mag-aaral, ngunit ibig ko ding sabihin ng tuwiran na sumusuporta ako sa kanilang ginawang hakbang at sinasang-ayunan ko ang kanilang ginawang aksyon!

Nais kong ipahayag sa pamamagitan ng munting akda na ito na ako ay isa sa mga umaayon sa kanilang ginawang hakbang! Nais ko ding kondenahin ang mga nilalang, mga personahe at mga institusyon na pumupuna sa kanilang ginawa.

Narito ang ilang bahagi ng pahayag ng bente tres na propesor daw ng Unibersidad ng Pilipinas, School of Economics:

“We deplore in the strongest terms the violence perpetrated last Wednesday, September 17, by a group of protesters against Secretary Florencio B. Abad outside the UP School of Economics auditorium.”

Tanong:

Sila ba ay nag-deplore din sa kahayupang ginawa at patuloy na ginagawa ng administarsyong Aquino sa usapin ng DAP at PDAF na niluto ni Sec. Abad? Nais kong malaman, kinondena din ba ng mga propesor na ito si Sec. Abad noong idineklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas ang PDAF at DAP?

Sabi pa ng mga kagalang-galang na mga propesor:

“Secretary Abad was leaving a just-concluded forum organized by the University Student Council. His way to a waiting vehicle, however, was blocked several times by protesters, who not only shouted slogans and invectives – par for the course at UP – but actually assaulted him by throwing placards and metal coins and physically laying hold of him, grabbing his clothing to prevent him from leaving.”

Tanong:

He didn’t die, right?

Dagdag pa nila:

“What is worse, some student “leaders” thought nothing of gloating about the incident and celebrating their hooliganism in mainstream and social media, as if it were some kind of victory. This incident is not a victory but a blow to UP’s honor.”

Tanong:

Ano ba ang ibig sabihin nila ng hooliganism? Sino ba ang tunay na hooligan at sino ang totoong hoodlum ng Bayang ito? Ano ang ibig nilang sabihin na: “This incident is not a victory but a blow to UP’s honor? Ano ba ang pagkakaintindi nila sa karangalan ng Unibersidad ng Pilipinas?

Ewan ko kung nakalimutan ng mga propesor na ito na sila ay nakatuntong sa UP at di sa La Salle o UST! Heto ang pahayag ni Ginoong Butch Tan sa kanyang Face Book Wall hinggil sa pangyayari:

“Note to Abad: Kung ayaw mo ng gulo tulad ng inabot mo sa Diliman, sa Loyola o sa Espanya ka pumunta. Maswerte ka hindi ginaya ng Stand UP yung taga Ukraine na inihulog ang politico sa dumpster (basurahan).

“Hindi ako fan of Stand UP. Tingin ko sa kanila Red Zombies. But I will say this: every creature has a vital role in the ecosystem. Even as bottom feeders. Stand Up merely acted out a dark fantasy held by many Filipinos who feel helpless and victimised by the regime’s taxation and spending policies. Sorry, Sec. Butchoy, No tea, no sympathy.”

Mismong si Sec. Abad na ang nagsabi na normal na ito sa UP! Kung siya na “biktima” mismo ay kumikilala sa bagay na ito, ano ang problema noong bente tres na propesor daw?

Heto naman ang pahayag ni Ginoong Joy Autencio hinggil sa mga eng-eng na yon:

“Silang “mayayamang matatalino” taga-UP na ipinagtatanggol si ABAD na author ng DAP, dumalaw sa UP kinuyog ng mga tibak di daw dapat binabastos ang dakilang bisita nila dahil ito ay di disente at labag sa gmrc (good manners and right conduct), bakit sino ba ang mas bastos walanghiya at balasubas sa bilyong pondo ng bayan?

“Kahit dineklarang ilegal ng SUPREME COURT pilit pinagtatangol na good faith naman daw kaya nagawa ng gobyerno ni Abad at Pnoy ang divertion ng mga budget ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. In good faith ba yan kahit alam na alam naman ng lahat kung ga’no ka corrupt at gahaman ang halos lahat ng mga pulitiko dito sa Pilipinas. Sige ipagtanggol nyo pa ang berdugo ng budget na imbis na tunay na mapunta sa URGENTLY NEEDED SOCIAL FUNDS ay napupunta lang sa mga buwaya at sagad sa ganid na mga pulitiko, PALIBHASA MASASARAP ANG BUHAY NYO, hindi nyo nararamdaman ang pagkawala ng budget ng gobyerno na dapat nailaan sa mahihirap na mamamayan. Kung tutuusin kulang pa nga yang ginawa at nangyari kay abad sa dami ng atraso nila sa Sambayanan. Kahit mag ala-Ukraine ang mga tibak dito sa atin kulang pa rin sa super kapal ng mga mukha ng mga pulitiko na yan gaya ni Abad.”

Hinggil sa karangalan ng Unibersidad ng Pilipinas: Hindi ko alam kung batid pa ba ng mga nasabing mga propesor daw ang papel na ginampanan ng nasabing Pamantasan sa kasaysayan ng Bayang ito. Wala pang Batas Militar noon, ngunit sa UP ay mayroon ng Diliman Commune.

Noong idineklara ang Batas Militar, ang UP ang siyang tumayo bilang mata at tenga ng Sambayanang-Pilipino noong napakadilim na yugto na yaon ng ating kasaysayan.

Kung kaya naman hindi ko maintindihan ang konteksto ng pahayag ng kasalukuyang pangulo ng UP na si Ginoong Pascual noong sinabi nya sa isang kalatas na:
“I have always maintained that as the country’s national university, UP must lead the debate on important issues confronting the country. UP must also uphold the time-honored tradition of dissent vis-a-vis questionable government policies. But debate and dissent, while articulated with passion, require evidence-based and reasoned arguments, and civility to and respect for those who hold the opposite view.”

Tanong:

Ano ba ang ibig niyang sabihin o ipakahulugan ng sinasabi niyang sibilidad? Yaon bang mga estudyante na sumalakay din kay dating Pangulong Marcos noong taong 1970, na nagtangkang hambalusin siya ng mga placards, sila ba ay mga hindi sibilisado?
Ang nasabing pagkilos na yaon ang nagpaputok ng pamosong Sigwa ng Unang Kuwatro!
Sina Bonifacio at Jacinto at mga Katipunero, noong itinatag nila ang Katipunan na naglalayon na wakasan ang kolonyalismong Kastila — sa anumang pamamaraan, sila ba’y mga barbaro at hindi sibilisado?

Ikinahihiya ko ang hindi lamang ang pahayag ng nilalang na yon, kundi siya mismo na sa aking paningin ay walang karapatang maging Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas! Kung gusto nya ng kanyang “sibilidad”, dapat ay doon siya sa Loyola o Espanya mamasukang pangulo at hindi sa Diliman, sapagkat siya’y isang kahihiyan!

Ibig kong sipiin sa kanya ang mga salitang sinabi ni Immanuel Wallerstein sa kanyang “Academic Freedom and Collective Expressions of Opinion”, The Journal of Higher Education, Vol. 42, No. 9. (Dec., 1971):
“The chief danger to academic freedom in the United States [University of the Philippines] today comes not from student disruption but from the self-deceptions of the professorate itself, because of its reluctance to take moral risks, and the resulting tendencies toward mandarinism, discrimination, and collegial pressure. I do not, however, condemn my colleagues but rather appeal to them to rethink their actions in the light of their ideals.”

Ano ba ang tamang akto o gawi ng totoong Pangulo ng isang Unibersidad?

Sa bahaging ito ay ibig kong sipiin ang mga pananalita ni dating Pangulong Salvador Lopez, (siya ang Pangulo noong panahon ng Batas Militar):

“While student activism often made me uncomfortable, the absence of it would have made me uneasy. As a life-long liberal who prefers an excess of freedom to a dearth of it, I also had constantly in mind the historic role of the University of the Philippines as the center of protest, dissent and criticism in our society.”

Sa aking paningin, gayon dapat ang pananaw at prinsipyo ng tunay na Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas!

Kailangan ko pa bang sabihin na kaya nagawa ng mga kabataang yaon ang kanilang ginawa ay dahil sa kanilang marubdob na pagmamahal sa mga mamamayan ng Bayan ito? Kailangan ko pa bang sabihin na ang kanilang isinagawa ay siya lamang nilang pagtalima sa panawagan ng Pambansang Bayani na nanawagan ng mga ganitong talaga sa katauhan ni Padre Florentino:
“Nasaan ang mga kabataang dapat mag-alay ng kaniyang kasariwaan, ng kaniyang mga panaginip at sigasig ukol sa kabutihan ng kaniyang Inang Bayan? Nasaan siya na dapat kusang-loob na magbuhos ng kaniyang dugo upang mahugasan ang napakaraming kahihiyan, ang napakaraming pagkakasala, ang napakaraming kasuklam-suklam? Dalisay at walang batik dapat ang alay upang tanggapin ang paghahandog!…Nasaan kayo, mga kabataan, na magsasakatauhan sa sigla ng buhay na tumakas sa aming mga ugat, sa kadalisayan ng aming pag-iisip na mabubulok sa aming mga utak, sa apoy ng sigasig na napugto sa aming mga puso? Hinihintay namin kayo, o mga kabataan! Halikayo sapagkat hinihintay namin kayo!”

Sagot:

Pinanghahawakan kong ang mga kabataang sumalakay kay bantay-salakay, kay Sec. Abad noong gabing yaon sa Unibersidad ng Pilipinas ay ang mga kabataang tumugon sa panawagan ni Lolo Pepe. Ngayon, dahil sa kanilang ginawa na pagkondena sa itim na prinsipe ng kurakutan at numero unong utak ng malawakang pamdarambong at nakawan sa kaban ng Bayan, sila pa ba ang marapat na taguriang mga hoodlum at hooligan? Muli, ang tanong, sino ba ang tunay na hoodlum, hooligan at marahas sa Bayang ito?

Sa yugtong ito, ibig kong ipahayag ang aking mariing pagsang-ayon kay Propesor Gerry Lanuza ng kanyang pinagwika sa kanyang Face Book Wall (kakatwa na tinuran nya ang mga salitang ito noong mismong araw ng anibersaryo ng pagpataw ng Batas Militar) ang ganitong mga salita:

“I am not insulted by student activists protesting angrily! I am however gravely insulted by students who, in the name of careerism, diploma worship, and submission to authority, choose to remain silent and go with the flow! Just because we are academics and you are students, doesn’t mean we are incapable of angry protests! Part of being a student and scholar is to be passionate even to the point of dying for what you believe! And a person, academic or not, who is not prepared to die for what she believes, is not fit to live!”

Hindi ko maintindihan ang mentalidad ng ilan sa eng-eng na Bayan na ito! Marami sa ating mga kababayan ang hindi gusto ang asta, kilos, galaw at gawi ng ating mga bagong sibol na aktibista. Marami ang naiinis at hindi gusto ang kanilang pagmumura at pagtutungayaw. Marami ang hindi gusto ang kanilang pagiging radikal at militante. Kasabay nito, mayroon din kumukuwestiyon sa kanilang mabuting-asal at kabaitan. Hindi ko maintindihan kung naiintindihan ba nila kung ano ang pagiging aktibista?

Ang sarap itanong sa pagmumukha ng mga matatandang mga walang tinandaan na mga ito na: “ano po ba ang mahalagang bagay o makabuluhang papel na ginampanan ninyo noong inyong panahon? Bakit po baboy pa din ang Bayang ito? Bakit po bulok pa din ang lipunang ito? Ano po ang naging silbi ninyo noong panahon ninyo? Sa tingin nyo po ba, kung nagawa o nagampanan ninyo ang inyong tungkulin noon, gagawin pa kaya namin an gaming ginagawa ngayon na dapat at marapat na sana’y inyong ginawa noon?

Sa ganang akin, tama si Simoun, ang mga nilalang na ito ay mga nangamatay na bago pa man sila mamatay, sapagkat kailanman ay hindi naman sila nabuhay ng buhay na may dangal at kabuluhan. Wala silang alam ni katiting sa konsepto ng Kalayaan, sapagkat sila’y ipinanganak sa pagkaalipin at magsisipaglahong mga alipin pa rin — hanggang sa wakas!

Ito sa aking paningin ay tumbok na tumbok sa isang sanaysay ni Renato Constantino na may pamagat na “Praents and Activists”, na lumabas sa Philippine GRAPHIC, noong ika 28, ng Abril, taong 1971:

“During our period of adjustment to the imperatives of the times, we of the older generations allowed material and intellectual influences to transform us into bases and pillars of the social order. Young activists reject these material and intellectual influences for they have developed insights in to the evils of the system; they have seen fit to rebel not primarily against the old generation as against the very system which the old seem to represent.”

Hindi ko maintindihan, ano ba ang problema kung salakayin ko at sabihan ko si Sec. Abad pala ng P___ MO sa pagmumukha nya, eh nutnutang kapal naman ng mukha nya at mas matigas pa sa marmol ang tigas ng kanyang apog? May epekto ba ang aking salita sa kanya? Naibalik ba ang lahat ng kanyang ninakaw sa Bayan? Nagagalit ang ilan, na ang mga aktibista daw sa ngayon ay nagmumura at nagtutungayaw. Tanong: Ibig kong itanong na mga P___ NYO: Ano ang inyong ginawa o ginagawa o gagawin hinggil doon sa limpak-limpak, bilyon-bilyong piso na nawawala? Ano ang inyong posisyon hinggil doon sa ulat ng COA na nagsasabing makalipas ang halos isang taon, ay hindi naman nakarating sa mga biktima ng Bagyong Yolanda ang tulong na dapat ay para sa kanila? Yaong suliranin hinggil doon sa mga biktima ng Zamboanga siege, hindi ba’t isang taon na rin ang bagay na yon? Masisisi ba ninyo ang mga kabataan kung sila ay magalit, magmura at maging radikal?

Nagagalit kayo na kami ay nagmumura, ngunit ibig kong malaan, ano ba ang inyong programa? Puro kaya puna at daldal, wala naman kayong ginagawa! Huwag ninyong kalilimutan, sapagkat nasusulat: Ang payapang pampang ay para lamang sa mga pangahas na sasagupa sa alimpuyo ng alon, sa panahon ng unos. Hindi lahat ng panahon ay panahon ng pananahimik, sapagkat lahat ng panahon ay panahon ng paghihimagsik.

Pangwakas, nagagalit kayo, mga P_____ nyo sa asal at gawi ng mga aktibista, kung gayon, ibig kong sabihin sa inyong lahat na ang inyong nasaksihan ay pasimula o patikim pa lamang; sapagkat hindi maglalaon, darating ang panahon na ang gagawin ng mga aktibista ay ikasasargo na ng inyong mga ilong at ikaduduwal ng inyong mga sikmura!

HATULAN NAWA TAYO NG BAYAN!!!

SUMPAIN NAWA TAYO NG KASAYSAYAN!!!

Jose Mario Dolor De Vega

Propesor ng Pilosopiya at Agham-Panlipunan Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at Unibersidad de Manila. Nais kong pasalamatan si Propesor Gerry M. Lanuza, ng Departamento ng Sosyolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas para sa pagpayag na magbigay ng kumento sa aking sanaysay.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s