Ang Torre de Manila, si Mahistrado Leonen at ang Usapin Sa Kung Ano ang Kaluluwa ng Bansa
Ako ay lubhang sumasang-ayon sa mga kritikal na katanungang ibinato ni Mahistrado Leonen sa “abogado” ng KoR hinggil sa pagdinig (Oral Arguments) na isinagawa ng Korte Suprema nitong nakaraang Martes.
Sa unang birada ni J. Leonen, kinokomendahan daw nya ang so-called kor dahil sa pagsasampa nila ng kasong ito, dahil sa ito raw ay nakakatulong upang mapag-isip ang taong-bayan, ngunit may reserbasyon daw ang kanyang komendasyon sa nasabing grupo dahil sa may Constitutional provision against titles of royalty and nobility!

Ibig sabihin nito ay hindi tayo naniniwala sa mga duke o mga reyna o mga barons sa ating lipunan!
Ito ay maliwanag na itinatakda at itinatadhana ng Article 6, Section 31 ng ating Konstitusyon:
“No law granting a title of royalty or nobility shall be enacted.”
Kung kaya naman kapag sinabi ng mga kor na sila ay mga kabalyero (na walang mga kabayo, pwera lamang sa mga kasusuotang katawa-tawa) ay nilalabag nila ang probisyon ng ating Saligang Batas na nagsasabing tayo ay isang Demoktratiko at Republikanong Pamahalaan, na ang lahat ay pantay-pantay, na bawat isa ay kaparehas ng mga karapatan sa lahat at ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng Taong-Bayan (Art. 2, Sec. 1, Art. 2, Sec. 11, Art. 3, Sec. 1).
Kung kaya sa makatwid ay inimplika ni J. Leonen na may sabit sa pangalan nung eng-eng na kor sa mata ng Saligang Batas!
Sa ikalawang tirada ni J. Leonen, pinuna nya ang position paper ng kor na hindi man lamang paginated!
Ngayon, mas naiintindihan ko na kung bakit hindi man lamang kami mabigyan ni dramatiko at emosyonal na xiao chua ng kopya[1] ng kanilang position paper[2]!
Ibig sabihin, hanggang sa ngayon ay nilalagyan pa nila ito ng bilang at numero!
Bwahahahahahahahaha!
Ngunit hindi ko ubos-maisip kung bakit pati sa Kataas-taasang Hukuman ay hindi din nila nilagyan ng bilang o numero ang kanilang petisyon o position paper!
Sumunod ay ini-highlight at inidiin ni J. Leonen yaong magaspang na pananalitang ginamit ng kor sa kanilang pagsasalarawa sa mga RTC’s ng Kamaynilaan!
Sa ulat si Tarra Quismundo ng Philippine Daily Inquirer, “SC grills anti-Torre de Manila lawyer: Why bypass lower courts?”, July 22:
“Leonen felt it was unfair of Jasarino to assume that the lower courts were “excruciatingly slow and inadequate,” saying: “Don’t you think this is unfair, asking the court to bypass all the lower courts?””
Napilitang humingi ng paumanhin ni eng-eng na “atty” daw sa harap ng Hukuman!
Bwahahahahahaha!
Sumunod ay nilecturan ni J. Leonen niya yung “atty” hinggil sa kaibahan ng remedy sa relief, easement of light and view at tumagos ang kanyang lektura sa civil procedure at doctrine of the hierarchy of the courts!
Ilang ulit na nabanggit na: The Supreme Court is not a trier of facts!
Tinalakay din ni J. Leonen yaong usapin ng: The Supreme Court is not the guardians of morality and the keepers of aesthetics (nagbiro pa siya at sinabing, tingnan mo nga kami?), but a Court of Law!
Pinakamaganda para sa aking paningin ang kanyang diskusyon hinggil sa kasaysayan! Itinanong niya ang mga sumusunod:
“What do we mean by the soul of the nation?”
“Is the monument the only sign of Rizal?
Panghuling nagsalita’t nagtanong ni J. Carpio (na tumayong Punong Hukom, sapagkat on-leave si Chief Justice Sereno) na tulad ni J. Leonen ay dinurog to the max si “atty” daw!
Ayon kay J. Carpio, The Supreme Court is not a trier of facts… You should have gone to the lower courts! You cannot reverse the process!
Ang usapin ng Kaluluwa ng Bansa
Sipiin nating muli ang ulat ng Philippine Daily Inquirer:
“Leonen also jettisoned the KoR’s claim that the Rizal monument was “the soul of the nation,” saying that it was not up to the court to commit this to jurisprudence.
““Is the monument the only sign of Rizal? It is not the monument that is the be-all of the narrative of Rizal,” Leonen said.
“He said the monument was “an important reminder, but it is not the only reminder.”
““We do not forget Rizal because of the view, we remember Rizal regardless of where the monument is,” Leonen said.
““For you to tell us the Rizal monument is the soul of the nation and that we should put that in jurisprudence, we cannot do that. It is tyrannical of the court to establish the narrative of the nation,” he said.”
Komentaryo:
Tumututol ang ilan sa ating mga kababayan sa istruktura o gusaling itinatayo na tanaw kung ikaw ay nasa harap ng rebulto ni Dr. Rizal sa Luneta.
Ang kanilang mga peg, este isyu o pagkontra o di pagsang-ayon sa bagay na ito ay ang mga sumusunod:
a. Kesyo, nabababoy daw ang imahe ng Pambansang Bayani kung sa pagtingin mo sa kanyang rebulto ay makikita sa likuran nito ang nasabing tore. Ito ay ang “pamoso” nilang taguring “pambansang photobomb”
b. Kesyo, ang gawa daw na ito ay isang pambabastos sa alaala at dangal ng “Pambansang Bayani”
c. Kesyo, hindi daw mabuti sa paningin ang masabing gusali, kung kaya ibig nilang (wasakin? gibain?) huwag ipagpatuloy ang konstruksyon ng nasabing istruktura.
Tugon:
Hindi ko talaga maintindihan ang ilan sa ating mga kababayan hinggil sa kanilang masidhing pagtutol sa nasabing tore!
Iniisip ko, hindi ko lamang alam kung naiisip din nila, ano ba ang higit na mahalaga at mapagpasya sa buhay at kultura at kaluluwa ng isang bansa; yaong punyetang tore na yon o yaong “bayani” na nasa unahan nung nasabing tore?
Paano ba tayo tumitingin sa isang bagay, paharap o patalikod? Paano ba tayo nagbibigay halaga o nagpapahalaga sa isang bagay?
Tayo ba ay nakatuon mismo doon sa bagay mismo na ating pinatutungkulan o tayo ay nakatingin doon sa mga walang kuwenta at walang mga kapararakang mga bagay na nakapalibot doon sa mismong bagay mismo daw na ating pinatutungkulan?
Tugon sa ikalawa
Kung nakakabastos ang nasabing gusali sa imahe ng nasabing bayani, kung gayon, bakit hindi din natin tanggalin ang lahat ng mga sabagal at panira sa mata at kabastuhan sa paligid at palibot ng rebulto ng Supremo ng Katipunan doon sa Divisoria at maging sa Monumento sa Caloocan?
Sila ay nagrereklamo para kay Dr. Rizal! Tanong? Bakit hindi din sila o tayong lahat magreklamo para kay Andres Bonifacio? O sila ba ay may favoritism din pagdating sa pagtingin sa mga Bayani?
Sumasang-ayon akong ganap sa mga pahayag ni kapatid na propesor Roland Macawili:
“Hinggil sa pagiging Soul of the Nation ng monumento ni Rizal. Walang kapatol-patol dito. Ang siste ay isang kamaliang historikal ang ipinamamandila ng ganitong pagtataguri. Una, ano ang naging batayan para manuot man lamang sa alintarakan ng mga nagtaguri na ang Monumento ni Rizal ang Soul of the Nation? Dahil ba ito ay monumento ng ‘Pambansang Bayani’? Tila nagsusubscribe sa depinisyon ni Anderson ng Nation bilang imagined communities. Pero ang tanong monopolyo lamang ba ito ng Monumento ni Rizal? Ang pagdudulot ng guni-guni na tayo ay nabibilang sa Nasyon?
“Pangalawa, tila may conceit rito. Implisitong uri ng ‘pagdidiyos’.[3]
“Pangatlo, patulan na ito. Pwede soul lamang ito ng Nation ng isang saray ng lipunang Pilipino – ang elit at petiburgis. Pero hindi nangangahulugan na soul din ito ng Bayan ng mas nakararami. Patulan na ngang soul ito, kapag ba may gusali sa likod nito e parang usok na nawawala na rin ang pagka-soul ng monumento? Hmmm..” (mensahe sa FB wall ni Dr. Salazar, July 24, 2015)
Muli, ang tanong: paano ba tayo tumitingin at pagpapahalaga sa ating mga bayani?[4]
Tugon sa ikatlo
Paano ba natin pinapahalagahan ang ating mga bayani?[5]
Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging makabayan?[6]
Gaano po ba natin kakilala ang ating mga bayani?
Paano ba tayo nagbibigay sa kanila ng paglingap at pagpapahalaga?
Sa papaanong paraan o pamamaraan ba natin ipinapakita’t isinasabuhay ang pagsasaloob ng mga dakilang aral at buhay ng ating mga bayani?
Paano ba natin dinadakila ang kanilang mga pinaghirapan at pasakit? Paano ba tayo tumitingin, lumilingon at nagpapahalaga sa ating mga lumipas at kasaysayan bilang mga tao at mamamayan na nabubuhay sa panahong ito ng taong 2015?
Ano na ang antas ng ating sibilisasyon at kabihasnan mataos ng mga taong lumipas? Nasaan at ano na tayo sa ngayon???
Kongklusyon:
Hindi ang rebulto ni Rizal o ang kanyang Monumento ang magdedetermina ng ating pagiging makabansa.
Hindi ang monumento lamang ang magpapaunlad ng ating nasyonalismo!
Hindi ang kanyang estatwa ang kaluluwa ng bansang ito.
Tulad nga ng tinuran ni Hukom Leonen, tiranikal at hindi makatwiran para sa panig ng Kataas-taasang Hukuman na itala sa kanilang hatol at gayundin sa ating hurisprudensya na ang Monumento ni Rizal ang kaluluwa ng bansa.
Aniya, hindi din makatwiran na isulat ng Korte Suprema ang naratibo at/o kasaysayan ng kasaysayan ng bansa.
Kinikilala ng nasabing Hukom na ang bagay na ito ay tungkulin at obligasyon ng mga tunay na historyador at lehitimong mananalaysay ng bayan.
Makikita dito ang mataas na pagtingin at paggalang ng nasabing Hukom sa kakanyahan, angking talino’t husay ng ating mga mananalaysay upang pagpasyahan ang bagay na ito.
Naniniwala ako at lubha kong pinanghahawakan na “ang kaluluwa ng bansa ay matatagpuan at mararamdaman ng bawat isa na batid at alam sa kaloob-looban niya na siya ay Pilipino, sa iba pang mga nagawa at napapahalagahan ng Bayan — at ng buong mundo, tulad halimbawa ng “intangible” na pamanang idineklara ng UNESCO, ang “Hudhud”;” at iba pa.
Ang kaluluwa ng Bayan ay matatagpuan sa ating mga likas na kabutihang-loob at kultura na nagpapakita ng ating kolektibong pagkilos at pagdadamayan.
Ito ay maaapuhap, makikita’t matutunghayan sa ating balikatan, pagkakaisa at bayanihan.
Konkreto at perpektong halimbawa nito ang muli’t-muli nating pagpapakita ng lakas ng loob at pagtutulunagn bilang isang Tao at Pamayanan sa tuwing ang bansang ito ay humarahap sa delubyo, sakuna at mga unos, i.e. Super Bagyong Yolanda.
Naipakita natin sa buong mundo an gating kagitingan at tayo’y pinuri ng buong daigdig sa ating ipinakitang tapang, katatagan, pagtutulungan, pagdadamayan at pagkakaisa.
Naroon ang isa sa mga haligi ng Kaluluwa ng ating Bansa, alalaong baga’y ang pagkakaisang-loob, pagbibigkis at pagdadamayang-Bayan!!!!
Jose Mario Dolor De Vega
Direktor
Kursong Andres Bonifacio at ang Kilusang Katipunan
University College
Unibersidad de Manila
[1] Sa akin pong pagkakatanda, isa ninyong “matapat” na mag-aaral at “wagas” na mananalaysay daw ng “bayan” ang nangako na kanyang ipapaskil ang kanilang petisyon, ng sa gayon ito ay makita at masuri at mabasa at maunawaan ng publiko! Ang kaso po, emosyonal, sensitibo, dramatiko at te-maarts pala yung nilalang na yaon ay sa halip na magpaskil ang ginawa ay naglunsad ng kilusang “burador” at samahang “blocking”! Ang akala yata ay kapag nagawa niya yaon ay tapos na ang usapin! Hindi niya naisip (kung nag-iisip man) na ang usapin ay hindi naman sa pagitan ng mga “KOR” o ng mga “Hari ni Bonifacio”, kundi ang kagalingang-pangmadla, kailinangang pambansa, ang usapin ng kabayanihan, batas, urban planning, obligations and contract, etc! Kung gayon po, magalang kong iminumungkahi kay kasamang Atty. Trixie na kung maaari ay baka mabigyan niya tayo ng kopya ng nasabing petisyon ng sa gayon ay makita natin kung ano ba talaga ang puntong legal at pangkasaysayan (kung meron man) ng mga epal at mga panatikong ito! Pagbati po sa lahat at Mabuhay! #MAYPAGASA!!!! (Mensahe kay Dr. Salazar, FB, July 10, 2015)
[2] Ama/Doc Zeus Salazar at kasamang Roland Abinal Macawili, tama si kapatid na Atty. Trixie, kailangan pa muna niyang humingi ng permiso mula sa kinatawan ng KOR upang mabigyan tayo ng petisyon ng nasabing samahan; ngunit pinanghahawakan ko na kung sila nga ay totoong makabayan, hindi na kailangang sila ay hingian ng permiso o paalam! Bakit? Una, ang kanilang petisyon ay bahagi na ngayong ng malaking usaping pang-bayan (hindi lamang simpleng usaping legal), ang nasabing kaso sa kabuuan ay kinatatampukan ng pampublikong interes at usapin ng kagalingang-pangmadla’t balana at panghuli, kung sa kanilang tingin ay mabuti at tama ang kanilang paninindigan at tindig sa isyu o usaping ito, hindi ba’t sila na mismo ang marapat at dapat na magpakalat sa buong bansa’t publiko ng kanilang petisyon? (Mensahe kina Doc Salazar at kapatid na Roland Macawili, FB, July 11, 2015)
[3] Ito ay pinaksa ng aming respektibong mga papeles na binasa namin sa katatapos lamang na Komperensya ng Bagong Kasaysayan sa Lungsod Roxas, sa lalawigan ng Capiz noong buwan ng Abril.
[4] Ang tunay na nasyonalismo ay ang mismong pagsasabuhay ng mga diwa, aral, prinsipyo, paniniwala at mga batayang pilosopiya ng ating mga bayani na kanilang ipinaglaban, pinagsakrispisyo at pinagpakamatayan!
Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay literal na pagmamahal sa bayan, sukdulang ito ay umabot sa pagbububo natin ng ating mga dugo at pagbubuwis natin ng ating mga buhay!!!
Mula sa artikulo o blog ng may-akda na “Ang Pagpapatuloy ng Bulag na Pagdakila: si Jose Rizal, “Josie” at ang kagaguhan to the max ng ilan nating mga kababayan daw”, matatagpuan sa Human Rights Online Philippines, April 4,, 2015
[5] Ilang pilosopikal na ilustrasyon o halimbawa
a.ang usapin ng pagtanggap ng handog o regalo
Ano ba ang mahalaga, ang handog o regalo na ating natanggap o ang akto ng pagbibigay sa atin ng ating kapwa o mahal sa buhay ng nasabing regalo o handog?
(It is the thoughts that counts)
b. ang usapin ng angpao
Hindi ang laman ng angpao ang mahalaga, kundi yaong angpao mismo. Hindi yaong laman ng angpao o halaga sa loob nito ang mahalaga, kundi yaong mismong kinapapalooban nito.
(The distinction between value and mere appearance)
c. pag-ibig
Hindi ang gawi o proseso ng pagsasabi sa ating minamahal na mahal natin sila ang siyang pinakamahalaga, kundi yaong akto at gawa ng pagpapakamatay mismo ng isang mangingibig para sa ating sinisinta ang magpapatunay ng tunay na pag-ibig mismo.
(Actions speak louder than words)
[6] Ang pagiging nasyonalista (kung ano man ang kanilang ibig sabihin nito) ba ay nangangahulugan ng panatikong pagsamba sa mga rebulto ng “bayani”?
Nasyonalista ka ba kung chinuchupa’t sinasamba mo ang “rebulto” ng “bayani” mo?
Makabayan ka ba kung ikaw ay nagsusuot ng mga kaeng-engang mga kasusuotag, habang kayo ay parang mga baliw na nagtatanggol sa rebulto ng inyong “bayani”?
Ano ba ang higit na mahalaga: ang pagsamba’t pagtsupa doon sa rebulto ng isang “bayani” o yaong pagsasabuhay ng mga aral, diwa at prinsipyo noong nasabing “bayani” (daw)?
Are we, as a so-called nation merely reducing our concept of a ”hero” to a mere pile of fucking stones?
What if one day, finally those bloody bastard Chinese aggressors landed here and briefly occupied our country and the first thing that they did — is to bombed to dust and ashes, to bits and pieces that infamous monument, that “holy” statue — does it mean that the “hero’s” ideas, principles and beliefs were also reduced to dust and ashes?
Does it also mean that we lost the “soul of the nation”?
Does it also mean that we also lost our souls as Filipinos?
WHAT THE FUCK DO WE MEAN BY HEROES?
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.
Like this:
Like Loading...