[Tula] Sa bawat tulos ng kandila sa bawat Byernes ng gabi Ay ang nauupos na KATARUNGAN. ni Rio Ejercito Monge

Sa bawat tulos ng kandila sa bawat Byernes ng gabi
Ay ang nauupos na KATARUNGAN
ni Rio Ejercito Monge

Himbing tayo sa mga oras na ito
Yapos kita at gayundin ako
Payapa ang gabi mahal ko
Hanggang sa tayo ay gulantangin
Ng isang bulabog mula sa labas
Pagsilip ko sa bintana
Mga kalalakihan
May mga naka fatigue
At iba pang kasuotan
Ngunit isa ang tiyak ako
Lahat sila ay armado
Isinisigaw ang pangalan mo
Maging ang pangalan ko
Ikaw ang nagbukas ng pinto
At ako ay nilingon mo
Isang huling lingon mo
At ang huling hawak
sa aking kaliwang kamay
pumasok ang tatlong kalalakihan
akoy pinadapa at inapakan ang uluhan
habang ang malamig na bakal
ay naka riin sa aking batok
tinatanong kung ako ba ang mga pangalan
na walang apilyido
maliban sa isa
ako daw ba si Imelda Villanueva?
Hindi ang lahat ng aking sagot
Sipa sa tagiliran ang tugon
Dinig ko ang iyong hiyaw mahal ko
Ang bawat pag mamakaawa
Na wag akong saktan
Dahil sa dalawang lingong
Supling sa aking sinapupunan
Pitong putok ang nagpatigil
Sa iyong hiyaw
Tumagas ang dugo
Sa pagitan ng aking hita
At lahat ay dumilim sa akin
Wala na sya
Wala ka na

*** April 29, 2009 .. dalawang lider aktibista na aktibo sa pagprotesta sa pamuling pagbangon sa Bataan Nuclear Power Plant ang walang awang pinaslang sa pamumuno ni Col. Inocentes Capuno . Makalipas ang ilang bwan ay NINAKAW ang kanilang mga bangkay upang di na masagawa ang imbistigasyon sa Extra Judicial killing . Maliban sa mga ebidensyang nagpapatibay sa kaso , ay buhay at tumitindig ang eye witness hanggang sa ngayon.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

One thought on “[Tula] Sa bawat tulos ng kandila sa bawat Byernes ng gabi Ay ang nauupos na KATARUNGAN. ni Rio Ejercito Monge

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s