[In the news] Pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant, tinutulan ng isang obispo -GMA News
Pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant, tinutulan ng isang obispo.
GMA News
April 12, 2012
Mariing tinutulan ng isang obispo ng Simbahang Katoliko ang mungkahing buhayin ang kontrobersiyal na Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) para mapaghandaan ang posibilidad na krisis sa enerhiya.
Ayon kay Bataan Bishop Ruperto Santos, suportado ng Simbahan ang posisyon ng mga mamamayan ng Bataan na tumutol na buhayin ang BNPP.
Iginiit niya na dapat matuto ng leksiyon ang Pilipinas sa nangyaring krisis sa Japan nang magkaaberya ang kanilang nuke power plant sa Fukushima nang maganap ang malakas na earthquake sa nabanggit na bansa noong nakaraang taon.
Muling nabuhay ang usapin tungkol sa paggamit ng nuclear power plant dahil na rin sa nararanasang krisis sa enerhiya sa Mindanao.
Ngunit iginiit ni Santos na hindi dapat ikompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng tao at maging ang kalikasan na maaaring malagay sa panganib kapag nagkaaberya ang BNPP.
Read full article @ www.gmanetwork.com
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.