One response to “[Event] International Day of the Disappeared”

  1. Kagalang Galang JEJOMAR BINAY
    Bise Presidente
    Republika ng Pilipinas

    Mahal Naming Bise President,

    Mapitagang Bati po sa inyo!

    AKo po isa sa mga na allocate na residente ng Makati dito sa Relocation site sa Rodriguez (Montalban), Rizal, Southville 8B, Rod, Rizal…

    Isa po ako sa libo libong na relocate dito sa Southville na naputulan po ng kuryente ng Meralco dahil sa hindi pagbabayad ng Kuryente ng BAQUE CORPORATION (contractor ng NHA)….Sa Pagbabayad po namin ng kuryente ay mayron pa po kaming napakalaking System Loss payment sa Baque, ngunit ang nakakapgtaka po nito ay hindi po ito naibabayad sa meralco ng nasabing contractor…

    Mahigit dalawang linggo na po kaming walang ilaw dito sa buong Southville 8B at ang inyo pong tulong upang malutas itong problema na ito ang tanging solusyon upang mamagitan para sa aming mga naninirahan dito na humigit kumulang nas sampung libong pamilya na….

    Dahil po sa kawalan ng ilaw, lumaganap po ang sakit na dengue at maituturing na po itong isang outbreak na mahal namaing bise president…

    Idinulog na po namin ito sa lokal na pamahalaan ng Rodriguez, Rizal ngunit hindi ito maaksyunan sa kadahilanang ang pamunuan ng Bque corporation ay hindi ito pinapahalaganan ang mga hearing at summon sa mga reklamo ng taong bayan sa kanila….

    Nagpapalano na pong dumulog ang libo libong residente sa inyong tanggapan upang maiparating ang hinaing ng kawalang ng ilaw ng buong Southville 8B, at ako po ay baka sakalaing mag email sa inyo upang maipaabot ang naturang hakbang ng mga tao dito…

    Mahal naming Bise President, naninikluhod po kami ng agarang tulong mula po sa inyo…alang alang sa mga bata at matatandang nagkakasakit sa dahilan ng kawalan ng ilaw…

    Kung ano man po ang mga katwiran ng Bque Corporation ukol sa sitwasyon ng kuryente ay hindi dapat po nila isaalang alang ang kapakanan ng mga maralita tao na nairelocate dito sa Southville 8B, Rodriguez, Rizal…

    Mahal Naming Bise Presidente JEJOMAR BINAY, Huimhingi po kami ng agarang tulong sa inyo at nagpapauna po kaming nagpapasalamat na maresolba itong napakalaking problema na hinaharap ng mga tao dito…

    Sumasainyo,

    Gani Sarmiento
    09997280729
    Lot 25 Block 8

    Cc:

    To all concerned

    Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading