File photo from INQUIRER.net

BILIBID OR NOT
(Hinggil sa paglabas-masok sa kulungan ng nasentensyahang si dating Batangas Gov. Tony Leviste)

ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod

ala eh, di ko mawari, bakit ga ganire
labas-masok pala sa kulungan si Leviste
ang dating gobernador ng probinsyang ala-eh
na napiit nang paslangin ang kanyang kumpare
believe it or not, ganito nga ang nangyayari

ang treatment sa kanya’y VIP (vi-ay-pi) dahil mayaman
kaya ang kulungan, ginagawa lang pasyalan
ang kanyang sentensya’y tila pinaglalaruan
nasaan dito ang sinasabing katarungan
lalo’t pinatay niya’y ang kanyang kaibigan

ang nangyaring ito’y isa ngang BILIBID OR NOT
isang insidenteng dapat nating mahalungkat
gayunman may katotohanang isiniwalat
na kahit sa kulungan man, may gutom at bundat
iba ang kalagayan ng mayaman at salat

sinong nagpalabas sa dapat ay nakakulong
kanino kayang ulo yaong dito’y gugulong
BILIBID OR NOT, nakakalabas ang may datong
sistema ng hustisya’y saan kaya hahantong
kung pinaglalaruan lang ng mga ulupong

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading