Natapos nanaman ang buong isang linggo. Batbat ng kung anu-ano. Sa dinami-dami dalawang isyu ang sa opinyon ko lang naman ay nagingibabaw at pinag-usapan. Ang pagkapanalo ni Pacman laban kay Mosley at ang pagdedebate sa RH Bill.
Napuna po ng inyong mokong na lingkod na may pagkakatulad ang dalawang isyung nabanggit. Parang parehong boksing. Parehong laban sa magkaibang arena nga lang. Kaya naman naisip po nating ano kaya kung paghaluin natin ang dalawa? Eto po ang kinalabasan…
Kung si Pacman ay Pro RH Bill e ‘di sana purple ang kulay na ginamit niyang boxing gloves. At sana e ang linya niya ay “I’m wearing purpol as symbol of our fight against puberty.”
At ang CBCP ay magsusuot naman ng boxing gloves na kulay white. Symbol of purity pero nakaabito pa rin habang mag-bo-boksing.
Pero hindi magkaiba ng posisyon ang CBCP at si Pacman. Anti-RH bill kasi si Pacman. Ang sabi pa nga niya… (ABS-CBNnews. Pacquiao: Forget RH bill, go forth and multiply 11/22/10)
“We all have different opinions and beliefs. I believe nowhere in the Bible does it say that we should limit the number of our kids. Unang-una, sabi ng Panginoon – go to the world and multiply. Hindi niya sinabi go to the world and multiply and just have 2 or 3 kids. Magpakarami kayo,”
“Bakit hindi na lang natin turuan? Kung ayaw talaga ng bawat pamilya na maraming anak pero di maiwasan, dapat ganun ang gagawin nila. Makasalanan kasi yung gagamit ka ng condom. (Kasalanan kasi) magpalaglag ka dahil hindi pwede isilang ang anak na ito. Magsakripisyo naman kayong mga lalaki. Tiisin niyo. Ay mga babae din pala. Minsan yung mga babae pa ang nangangalabit,”.
Napaisip tuloy ako… Nanuod kaya ang mga kababaihan sa laban ni Pacman nitong nakaraang Linggo? siyempre. Tuwing may laban nga si Pacman ay stop muna ang crime at siyempe pati mga debate.
At katulad ng laban ni Pacman parang boxing match din ang mga debate katulad ng “Harapan: RH Bill, Ipasa or Ibasura” ng ABS-CBN nitong nakaraang May 8, at ang padating na “RH Bill: the Grand debate” ng kapuso network sa May 22.
Inaabangan ko nga yung sa kapatid network naman. Sa Face to Face kaya ni tiyang Amy ganapin? Ang title: RH Pro at Anti: FACE TO FACE. Haha. Magkaron din kaya ng suntukan, sampalan, batuhan ng mga bangko sa set? Tapos sa bandang huli ay magre-reconcile, happy ending 🙂
o kaya sa “Public Attorney” at tatanunigin sila ni Attorney Acosta ng “Areglo o Asunto?”
Paano kaya kung ang mga promotional images ay ganito…
Nalala ko rin bigla nang sabihin ni Senator Meriam noong nakaraang taon ang palabang “Mataas ba ang IQ ng mga pari?”
Nalala ko rin ang isa pa sa matinding “Word War” ‘yung bang pag-hahalintulad ng isang taong simbahan na ang mga Pro-RH ay Terorista.
Katulad ng batuhan ng salita ay nagpaabot din ng kanya-kanyang posisyon ang mga imahe sa on-line. Pasadahan po natin ang mga imaheng on-line na pro at anti.
The Harapang RH images: the grand debate…
Marami pa, as in maraming marami pa. na kung ilalagay natin lahat ay magiging series na itong post nating ito.
Kung uso pa nga ang operation pinta (O.P.) palagay ko napuno din ng slogan ang mga pader. Hahaha.
Ilan sa mga sumikat na salita sa naganap na “WORD WAR” na naaalala ng kamote kong kukote ay ang mga sumusunod:
1. RH Bill – siyempre sa ayaw at sa gusto mo manunuot ang salitang ito sa kukote mo.
2. Damaso – encapsulating everything and everyone. kahit High School gets ito.
3. Condom – kailangan pa bang imemorize ‘yan. Wala nga lang sumikat na flavor. at tiba-tiba ang mga distributor… hahaha
4. Population, poverty at kahirapan sumisingit din ang “SEX education”
5. Terorista – kung buhay kaya si Osama, gagawa siya ng bombing in support of RH Bill? O mangkikidnap ng turista para i-pressure na ipasa ang bill. hahaha.
6. Anti-Christian + Satanic + RH = Ekskomunikado
7. Abortion, Pr0-life, Unborn, Newborn
8. SAVE, LIFE, ANTI, PRO at exclamation point
9. Purple
10. RIGHTs – mapa-women o children.
Kulang pa ito kaya naman kung may pahabol ka, icomment mo lang…
Subukan din nating lagumin ang mga personalidad. Katuwaan lang po… Identify nyo nga po kung sino ang Pro or Anti RH Bill sa mga sumusunod…



Madali lang diba? dahil lantad sila sa kani-kanilang posisyon at tindig. O ha may basis ka na for next election.
E sa dalawang ito? What do you think?
Ayon sa mga balita, 40% ng mga kongresista ay sumusuporta na sa RH Bill. Samantalang may 20% na ayaw pang magpahayag dahil sa takot sa simbahan.
Sa bandang huli. Tagumpay ang kampanyang tungkol sa RH bill dahil sa nabuo nitong masiglang diskurso. Hati ngayon ang madlang pipol sa isyung ito, pero dahil naman dito ay marami ang kahit ordinaryong tao ay nakaalam at maaring nakikialam sa isyu.
At katulad ng Tagumpay ni Pacman tagumpay din ng bayan ang resulta ng diskurso. Mas maigi pa nga ang nangyayari sa labanan sa RH. Dahil ‘di katulad ni Mosley… parehas palaban ang magkabilang panig sa ring ng labanan.
Ayon nga kay mokang “Sa ganang akin po, ang isyung RH ay isyung HR. Sa dami ng lumantad na pusisyunan naisip tuloy ng mokang niyong lingkod… E kung ibigay kaya natin sa mga kababaihan ang pagdedesisyun?”
Hanggang sa muli, eto ang inyong mokong na nagsasabing “Pass the RH Bill now!” este “All mokongs and mokangs of the world unite! we hav nothing to looose coz we hav nothing at all!”
note: ang mga imahe na lumabas ay hindi inaangkin ng blog na ito, kinapos lang po sa oras upang isa-isahin ang sources. Pagpapaumanhin po.
Related articles
- [Sunday Isyung HR] Joks R Hapments! (hronlineph.wordpress.com)
- [Blogger] Mahirap ba tayo kasi maraming tao? – anthonygaupo.wordpress.com (hronlineph.wordpress.com)
- [In the news] Dapat bang isabatas ang Reproductive Health bill? – Special Reports – GMA News Online – Latest Philippine News (hronlineph.wordpress.com)
- Misinformed lang ba, or Maangmaangan Na? (rojan88.wordpress.com)
- [Event/In the news] Viewers can participate in ‘RH Bill: The Grand Debate,’ airing May 22 on GMA News TV – – GMA News Online – Latest Philippine News (hronlineph.wordpress.com)
- [From the web] The Day of the Purple Ribbon A Secular Success |Filipino Freethinkers (hronlineph.wordpress.com)
- Celebrities, Politicians Leads Purple Ribbon Campaign for Rh (ricojr2010.wordpress.com)












































![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a reply to Human Rights Online Philippines Cancel reply