[Isyung HR] Mother’s Day Joks

Happy Mother’s Day sa lahat ng nanay at mga naging nanay kahit hindi kadugo.

Ano ang kaibahan ng Sunday natin ngayon? Katulad ng ibang Sundays, pwedeng mangulit! Hahaha! Pero ngayon Mother’s Day at laban pa ni Paquiao on the side. Akala ng mga nanay makakaligtas sila sa ating pangungulit. Yan ang akala nyo.

Kinulumpon natin ang ilang mga trivia tungkol sa mga nanay at ito ang kinalabasan…

Alam niyo ba? A female oyster over her lifetime may produce over 100 million young. Mabuti na lang hindi oyster si GMA kung hindi manganganak siya ng 100 milyong Mikee. Meaning more than million tax evasion cases at siguradong may 100 million na boto na kaagad ang lahat ng Arroyong gustong manalo sa eleksyon. 100 million Arroyos lagpas sa present population ng Pinas, panalo! Hahaha

Alam niyo ba? Na si Anna Jarvis ng Philadelphia na nagsimula ng Mother’s Day celebrations ay nagsampa ng kaso for commercializing Mother’s Day? Natalo siya.  Wala siguro kasi siyang pera pang-hire ng magaling na lawyers, samantalang ang mga korporasyon at kumpanyang kumikita sa ganitong mga events ay nag-invest para sa annual na kita every mother’s day celebration.

Alam niyo ba? Na In the vast majority of the world’s languages, the word for “mother” begins with the letter M.  Mother Lily, Mother Nature, Mother Earth, Mother Board, Mother or Manay Lolit, Mother Ricky, Mother Fanny, Mother Annabel, Mother f____r. Hahaha

Alam niyo ba? Na si Mary Wollstonecraft ang Mother of Feminism. Sino kaya ang Mother of terrorism? Mother ni Bin Laden ba o Mother ni Obama?

Alam niyo ba? Na ang pinakasikat na Mother ay si Mother Earth. Pumapangalawa lang sa kanya si Mother Country at kulelat si Mother Nature. Pero pinaka mayaman si Mother Lily at mahirap na ngayon si Mother Auring. Hindi niya kasi nahulaan na maghihirap siya.

Please answer this Mokong survey and next week ilalabas natin ang result.
1.    Sino ang ‘Mother of All the Living.’?
2.    Sino ang mother of all corruption, scam at kakapalan ng mukha sa Pilipinas?
3.    Sino ang original mother of “I will not resign” at sino naman ang copy-cat niya?
4.    Sinu-sino ang ilang mga mothers na hindi babae?
5.    Sino ang mother of all quotes at ano ang kanyang sinabi?
6.    Sino ang mother of all killings o kung minsan naman ay mother of berdugo or mother of human rights violations?
7.    Sino ang pinaka masayang mother ngayong Sunday “Mother’s Day”? and why?

Ang makakuha ng mga tamang sagot sa pitong tanong mula sa mag-ta-top na sagot from each Question ay iraraffle at ang mabubunot ay magwawagi ng HRonlinePH T-Shirt.  Sagot na!

Sali na mga mokongs at mokangs. Ilagay lang ang inyong sagot sa comments box.

Hanggang sa uulitin ito ang inyong mokong na nagsasabing “Mokongs at Mokangs of the world unite, we have nothing to looooose coz we have nothing at all.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.