[Sunday Isyung HR] Joks ba ‘to? Kala mo lang hindi, pero OO, OO!

Its Sunday again mga ka-mokong at ka-mokang. Labor Day pa. San ka pa?

Gumising akong bat-bat ng muta at pagmamantika.  Naghilamos po ako nang ma-realize ko na wala na pala akong sabon.  Paano po ako makakabili gayong wala rin akong perang pambili.  Kasi po wala na akong trabaho dahil sa end contract na ako last week. Hay! Bwiset kasing kontaktwalisasyon iyan.  Kaya mungkahi ko ipagbawal na lang ang sabon at paghihilamos, idamay na rin ang pagligo. Para pantay-pantay lang kasama na pati ang mga nasa gobyerno.  Ang lumabag impeach at kulong!

Mokong the dream reader
Nagpanggap nanaman po ang inyong Mokong na lingkod. This time, isa akong dream reader.

Ang ilang mga personalidad ay pumila po sa aming tanggapan at nagkonsulta ng kanilang mga panaginip. Ang ating interpretasyon sa kani-kanilang mga panaginip ay ibinatay po natin sa aking napagdalubhasaan sa isang dream interpretation university sa unibersidad sa lansangan.

At eto po ang Mokong na pagbasa sa kanilang mga panaginip:  

P-Noy’s dream
Mokong: Isalaysay niyo po ang inyong panaginip…
P-Noy:  Mokong, nanaginip ako habang natutulog kagabi.
Mokong: E siyempre Mr. President, alangan namang managinip kayo ng gising… sabagay pwede rin…
P-Noy: Nasa isa daw akong tuwid na daan… Habang marahan akong naglalakad, nakaramdam ako ng pagod at paghingal.
Mokong: Ganun po ba. Ayon po sa aking dream studies, ang tuwid na daan sa inyong panaginip ay nangangahulugan ng inyong pagkahumaling sa sasakyan. Kaya nga kung inyong matatandaan ang inyong unang deklarasyon ay may kaugnayan din rito. Ang pagbabawal sa “wang-wang”. Gayun din ang pagbili niyo ng Porsche at aminado naman po kayong mahilig kayo sa sasakyan di po ba?
P-Noy: Oo nga.  E bakit parang bagamat tuwid ang daan ay parang hirap ako?
Mokong: E kasi po, sino po ba ang hindi mapapagod, e lakarain niyo ba naman e may sasakyan naman kayo.
P-Noy: Ganun ba…
Mokong: Isa pa wala na rin pong ibang mga sasakyan at pampasaherong jeep at bus sa inyong panaginip, kasi, tumigil na lahat sa pagpasada sa sobrang taas ng presyo ng langis. O di pa ba obyus?

Rosalinda Baldoz’s dream
Baldoz: Ang panaginip ko ay maraming Pilipino ang dumagsa sa Job Fair ng aking opisina sa Luneta.  Masaya ang aking pakiramdam.
Mokong: Saan ho ba kayo Masaya Secretary?
Baldoz: Sa tagumpay ng Job fair.
Mokong: Ang sayang inyong nararamdaman sa inyong panaginip ay nangangahulugan ng security. Ang hindi ninyo napansin ay kung Masaya rin ang mga dumagsang mga tao.
Baldoz: Ganun ba…
Mokong:  At madami sila, kasi madami ang hirap makahanap ng trabaho.
Baldoz: ikaw naman e peacefull naman ang mga manggagawa sa panaginip ko. Sa di kalayuan tanaw na tanaw kong dagsa silang nakatingin sa akin habang nagliliwanag.  Di ba pag-asa ang ibig sabihin nun.
Mokong: Secretary, mga multo po sila.  Dinadalaw po kayo ng mga multo ng mga manggagawang mamatay sa gutom dahil sa inyo.

Mercy’s dream
Mercy: Nanaginip ako na nasa isa akong lugar na payapa at puno ng kasaganaan.
Mokong: Resulta po ‘yan ng inyong pag-reresign. Magbabakasyon lang po kayo, at pansamantalang makakaiwas sa mga isyu. Pero hindi nangangahulugang tapos na ang inyong problema. Kabaligtaran po ang inyong panaginip.
Mercy: E yung kasaganaan?
Mokong: Yan ang totoo.  Aanihin na ninyo ang inyong mga tinanim.

photo by zamboanggajournal.blogspot.com
photo by zamboanggajournal.blogspot.com

Melissa Roxas’ dream
Melissa: Nanaginip ako nakulong na ang mga nag-tortyur sa kin.
Mokong: Yan ang iyong wish. Makuha ang hustisya. Pero kung mangyayari? Only in your dreams…

GMA’s dream
GMA: Ang saya-saya no.  Hindi ko maipaliwanag ang aking panaginip.
Mokong: Nangangahulugan po iyan na kahit sarili ninyo ay hindi niyo maintindihan.
GMA: Nagbibiro lang ako no.  Nanaginip ako na umaakyat daw ako sa isang mataas na gusali at doon ay naghihintay ang isang selebrasyon, maraming mga bisita, mga taong bayan, nag-uumapaw no.
Mokong: Tama po kayo, ang nag-uumapaw na bisita ay mga taong bayan na nagdiriwang.  Wini-welcome nila ang inyong napipintong pagbagsak mula sa napakataas na gusali.

Lucio’s dream

Hindi pa siya nakakapagsalita ay sumagot na si Mokong, “Cash ang panaginip mo. kailangan pa bang imemorize yan?!”

Manggagawa’s dream
Manggagawa: napanaginipan po namin na hinarap kami ni P-Noy sa Mendiola. Tumaas na daw ang sahod, naging regular ang trabaho, umunlad ang buhay ng pamilyang Pilipino.
Mokong: Matagal niyo na ‘yang panaginip… ang ibig sabihin ay patuloy pa rin kayong umaasa.  Asa pa. paano po kayo haharapin ni P-Noy sa Mendiola e hayun siya’t nananaginip na naglalakad pa rin sa mahabang tuwid na daan.

Ang mga nabanggit ay pawang pang-aasar lamang.  Batay sa mga panaginip na hindi makatotohanan.  Ang siste, ay kung ang mga nabanggit na panaginip ay maging bangungot kung kayo ay sadyang maaasar.  

Hanggang sa uulitin, eto po ang Asyon 24, Bandilang totoo, dahil dito ang mga balita ay hindi totoo. Absent nga pala si Mokang kasi sumama sa Rally.

Eto ang inyong Mokong na lingkod na nagsasabing “Mokongs and Mokangs of the world unite. We have nothing to loooose coz we have nothing at all.”  

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s