[Sunday Isyung HR] Joks R Hapments!

All mokongs of the world unite! we have nothing to loooose coz we have nothing at all! hahaha! (ako lang ba natawa?)

By Mokong and his gang

Pinoy HRscope
It’s Sunday! Sa ma-isyung buong linggong nagdaan, why not give Sunday a break. Magpaka-korni tayo kahit ilang sandali lang. Bilang panimula, here is our Pinoy HRscope tungkol sa mga what ifs… Ang mapikon talo…

Kinunsulta natin ang mga bituin sa lupa at ito ang kanilang mga sagot…

1.    Para sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao (Human Rights Defenders), ang susunod na taon ay magiging masigla para sa inyo. Pero hindi Masaya. Hindi mawawala ang inyong relevance kasi naman dadagsa pa ang mga human rights issues.
Sa pag-ibig, Swerte dahil mapagmahal sa kapwa tao, mag-ingat lang baka maisyuhan.
Sa numero, swerte ang lahat ng numero.
Sa kulay, pula pa rin ang kulay ng buhay, itim ang kulay ng patay. Swerte ang pula depende sa gamit, mag-ingat lang at baka mapagkamalang pulahan (e ano ngayon?!).

2.    Para naman sa mga biktima, wag masyadong mag-alala hindi kayo nag-iisa, madami pang iba.

3.    Para sa mga tortyurer mag-ingat at baka mahuli. Malas yari at makukulong.  Swerte naman at maaring mapromote dahil sa hindi pa ipinatutupad ang batas.
Sa pag-ibig, wala ka non kaya hindi ka swerte.
Sa numero, swerte sa numerong, 9, 7, 4 at 5. Huwag lang pagsamahin at malas lalo na pag dinugtungan pa ng mga titik R at A.

4.    Sa mga disappeared, dinukot o sapilitang winala, mananatiling mailap ang hustisya, hindi priority ni PNoy ang batas laban sa Enforced Disappearance.

5.  Kay Willy, swerte ka at malapit sa mahihirap, hindi ba’t kumita ang show mo ng malaki? Malas ka at ang bituin mo ay lalamlam, mag-iingat ka na sa mga biro mo sa bata at babae. Peace!

5.    Kay Lucio Tan, Swerte ang negosyo mo sa Pilipinas, swerte obyus ba? dagsa ang profit, ang yaman-yaman mo na.
Sa numero, swerte ang mga numerong 2,600 kung hindi magkakaisa. Kung matatanggal mo sila.  Malas kung ang 2,600 na mangagawa ay magprotesta, yari ka, lalo’t dumadami pa sila.  Sa kulay– umiwas sa multicolors, iba’t-ibang kulay na ang kalaban mo!

6.    Kay Pnoy, magiging masigla ang mga sunod na taon, wag mawawalan ng pag-asa, pinasok mo yan kaya panindigan mo. Ang milyong boto noong nakaraang eleksiyon ang nagdala ng swerte sa ‘yo, mag-ingat lang at eto rin ang magbabagsak sa ‘yo.
Sa pag-ibig, swerte ka pa at maraming iibig sa ‘yo. May magbabalik na pag-ibig lalo at wala na siyang show. Mag-ingat sa mga pangalang Porsha at Mercy.
Sa numero, swerte sa numerong zero (0) kung 0 human rights violations, malas ang numerong 0 dahil 0 ang human rights agenda mo.  Alam mo na kung ano ang pangontra.
Sa kulay, yellow pa rin ang swerte mo, huwag lang ikulay sa porsche at magiging malas ito.

Kinunsulta din natin ang mga bituin sa malakanyang… pinagpanggap natin si mokong na reporter, eto ang usapan sa nila.

Counting on me
Mokong: Ngayon po Mr. President ay ika-9 months niyo na po sa Malacanang, ayon sa data ng mga Human Rights Defenders 16 na ang EJK cases, 2 ang sapilitang winala at 16 ang natortyur, anong masasbi niyo dito Mr. President?
Mr. Pres: Yes I’m aware of that, the people are really COUNTING on me.

Justiis
Mokong: According sa statistics din ay wala pa ni isang napaparusahan magpahanggang ngayon sa mga human rights violators, anong masasabi niyo diyan Mr. President?
Mr. Pres: Yes I’m aware of that, the people are really COUNTING on me.
Mokong: How about ang isyu tungkol sa hacienda Luisita?
Mr. pres: Ano ka ba pinapalala mo pa nakalimutan na nga.
Mokong: e ang hustisya po para sa 57 maguindanao massacre victims?
Mr. Pres: o ayan ka nanaman, you’re COUNTING again.

Pnoychinoy
Mokong: Ang isa sa matinding isyu ng nakaraang linggo ay ang pagprotesta ng PALEA, what can you say to that sir?
Mr. Pres: kailangan natin ng win-win situation, alam mo I’m half Pinoy half Chinoy… gets mo?
Mokong: Naglabas po ng statement of support ang CBCP…
Mr. Pres: Yes I know, may sarili akong pag-iisip tungkol diyan sa mga isyung ‘yan, saka ko na sasabihin…at the right time at the right place.
Mokong: Saan po at kailan po?
Mr. Pres: Secret…

Quotation

“Matalino man ang matsing, matsing parin.”

Announcement

Para sa mga nakornihan pati na rin sa natawa, at may mas nakakatawang mga sulatin… wag nang magdalawang isip tulungan niyo kami.Hahaha

Maari ninyong i-submit ang inyong mga HR jokes sa HRonlinePH@gmail.com. Syempre tingnan natin kung ayos lang ilabas. No below the belt(depende).

All mokongs of the world unite! we have nothing to loooose coz we have nothing at all! hahaha! (ako lang ba natawa?)

Advertisements

8 thoughts on “[Sunday Isyung HR] Joks R Hapments!

  1. Pingback: [Sunday isyung HR] Joks are meant to be broken. Wasak! | Human Rights Online Philippines

  2. Pingback: [Blogger] Pasko ng pagkabuhay… Alay sa mga nagalay ng buhay – KAMPAY | Human Rights Online Philippines

  3. Pingback: [Isyung HR] Mother’s Day Joks | Human Rights Online Philippines

  4. Pingback: [Blogger] Teroristang walang kamalaymalay – KAMPAY! | Human Rights Online Philippines

  5. Pingback: [Blogger] Mahirap ba tayo kasi maraming tao? – anthonygaupo.wordpress.com | Human Rights Online Philippines

  6. Pingback: [Isyung HR] Isyung RH ay isyung HR | Human Rights Online Philippines

  7. Pingback: [Isyung HR] Bawal tumawid ang ayaw mamatay! | Human Rights Online Philippines

  8. Pingback: [Isyung HR] Mabuhay ang KALAYAAN! | Human Rights Online Philippines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s