
Bato-bato sa langit, kapag tinamaan sinong hindi magagalit! Joks lang po!
April 17, 2011
Warning No1: ang hindi tumawa, sayang ang oras at nagbasa pa nito. Ang tumawa naman Mokong. Pag babae ka Mokang. Pag nagpunta sa showbiz- Mocca. Sa Japan Moka Mo. Sa U.S. Moka your face. A basta!
Its Sunday again! Eto nanaman po ang trying hard na si Mokong and his gang upang patawanin kayo (kung ayaw niyo e ‘di ‘wag niyo. Hahaha!)
Nakakuha po tayo ng feedback sa post natin last Sunday, akalain mo ba namang natuwa sa ‘tin. Palibhasa mokong din.
“The column was wonderful and fun to read! Splendid, mind blowing, wonderfull!”
Hindi po ‘yan ang sinabi niya. Basta ang sabi niya “tol kayo ba ang sumulat ng joks? Ang galing!” habang namimilog ang kanyang mga mata (alam mo na kung sino ka).
Nainsulto ako, “bakit duda ka?” at nagsuntukan kami… Joke!
Pero ang totoo po isa lang siya. Ewan ko sa iba. Hahaha!
Da mokong eksperiment
Kaya naman nag-eksperimento-eksperementuhan po kami. Sinubukan ko sa isang batang walang muwang ang mga jokes bago namin i-post for public consumptions.
Subject: Totoy
Gender: Male
Age: 5 years old
Status: single
Relationship: wala po kapitbahay ko lang po siya (‘di po ako pedopilya!)
Description: hindi pa nakasali sa anumang game show.
Mokong: Totoy halika dito, may joke ako. (Findings: sa pagkasabi ko pa lang ng word na joke naestablished ko na ang mood.)
Totoy: (walang reaksiyong nakatingin sa ‘kin, pero sigurado akong nag-iintay sa Joke)
Mokong: (buong sigla, excited at hyper na deniliver ang mga jokes below with matching hand gestures and facial expressions… read jokes below)
Totoy: (matipid na ngumiti ang bata)
Mokong: (frustrated… kailangang matawa ang bata. Kaya naman pinanlakihan ng mata)
Totoy: (akmang tatalikod at aalis na upang maglaro dahil hindi naman mainindihan ang pinagsasabi ni Mokong)
Mokong: (hinawakan ang bata sa balikat) hindi pa tayo tapos.
Totoy: (nagsimulang umingit… ilang sandali pa ay umiyak nang malakas)
Mokong: (nabigla sa pangyayari)
Ina: (lumapit sa anak anak na umiiyak) o bakit? Napaano ka?
(nagpatuloy lamang ang bata sa pag-iyak)
Mokong: e nagjojoke po ako mukhang hindi niya nagustuhan. Hahaha.
Ina: (Nakangiting pinapahid ang luha ni Totoy) para yun lang. iyakin naman ito (wika ng ina sa anak).
Findings:
- Ang akala ng iba ang ok lang sa matatanda ay ok lang din sa mga bata. May mga bagay na hindi kayang arukin ng isip ng mga bata kaya naman nagiging nakakatakot ito sa kanila. Katulad ng jokes ko at pagpapatawa na horror na pala ay pinagpipilitan ko pa sa 5 taong gulang na si Totoy.
- Sa hangarin kong makapagpatawa ay nasobrahan ko na pala. Ang masakit pa nito ay parang wala lang para sa kanyang ina. Sa halip ang bata pa ang nasisi at dahil iyakin pa daw siya. Tsk! Tsk!
Therefore I conclude. Hindi nakakatawa sa mga bata ang mga jokes ko. Hahahaha! Magets kaya ito ni _______ kung mababasa niya? Hops baka idemanda mo ako. (napaisip ako… kaso na ba ngayon ang maging korni?)
Disclamer: Walang bata o hayop na nasaktan sa palabas na ito. Dahil kathang isip lang naman ang pangyayaring ito. Tanging ang nag-aasal hayop lamang ang nasakripisyo.
HRscope by Mokong and the gang
Sa mga pangyayari sa nakaraang mga araw hindi maiwasan konsultahin natin ang mga bato sa langit na magpahayag ng kanilang mga payo. Sadya lang iniwasang ilabas ito sa twitter dahil baka tayo ay mabulyawan.
Payo ng mga bato-bato sa langit para sa mga pinanganak sa Pilipinas: Warning! Warning! Simula ngayon, bago na ang konsepto ng dignidad at dangal. May bagong values na ipinalalaganap. Sinlakas ito ng intensity 9.8 na lindol.

Warning No2! Karangalan na ang bastusin.
Para kay Kristy Fermin: Dadagsa ang magtatangkang ikaw ay bastusin. Labanan mo sila at manindigang mariin. Kay Willy lamang iyong siguraduhing pambabastos ay manggaling. Sige na karangalan mo na ang mabastos niya huwag na lang idamay ang buong bansa.
“Isang karangalan ang bastusin ni Willie.” By Kristy Fermin
Sa pag-ibig: suswertehin ka at makakatagpo ng maginoo pero malas kasi medyo bastos lang siya.
Sa numero: iwasan ang 2 at 7 dahil 5 ang swerte sa yo.
Sa kulay: Berde ang magdadala sa ‘yo ng pinakahahangad na karangalan. Umiwas sa Violet dahil ito ang kulay ng mga kababaihang lumalaban sa mga bastos.
Para kay Willie: Lalaging ang bituin mo ay sisikat. Dahil madami ang mahihirap na sa iyo ay mangangarap. Ang mga kritiko ay di iilap, dadagsa sila kaya mag-iingat. Iwasang magbasa ng twiter.
Sa pag-ibig: Mahal na mahal ka ni Kristy Fermin. Dahil karangalan niya ang bastusin mo siya.
Sa numero: swerte ang 2 at 7 at wala ka na sa kanila.
Sa kulay: orange ang paboritong kulay baka lang sa dagat ng basura ikaw ay madamay, Swerte ang kulay berde sa mga pagpapatawa, malas nga lang din sa bandang huli, kaya madalas masuspinde dahil sa patawang kulay berde.

Warning No.3! kabayanihan na ang maging diktador at human rights violators.
Para sa mga human rights defenders: Katulad ng nakaraang basa natin sa dikta ng mga bato-bato sa langit, nanatiling ang human rights violations ay dadagsa, kaya naman inyong career ay sisigla, lalo pa’t dito sa ating bansa, bayani ang mga diktador at tuta, dadami lalo sila.
Iwasan din ang pagpapakalat ng video at picture ni Jan-jan. Dahil baka sa halip na makatulong ay lalo pa ninyong mapalala ang sitwasyon ng bata.
Sa kulay: Hindi pa rin makakaiwas sa pula. Dahil kahit anong kulay mo pula pa rin ang tingin ng mga militar at pulis sa inyo (color blind!).
Para kay Ferdi: Ayon sa mga bato-bato sa langit, mamamayagpag kang muli. Ang mga kakampi sa kogreso sadyang dumadami. Tiyaga lang at pasasaan ba’t sa libingan ng mga bayani, ika’y malilibing at doo’y mananatili. Subukang tumakbong muli, baka manalo ka pa kahit sawi. Tutal may mga multong nakakaboto ang iba nga ay nagwawagi dahil sila ay marami.
Sa Pag-ibig: Swerte sa pag-ibig ngayon. Dahil may 219 na kongresistang nagmamahal sa ‘yo.
Sa Numero: Swerte sa numerong 219 at 1135.
Sa kulay: Minalas sa Presidenteng dilaw noon baka swertehin at makalusot sa Presidenteng dilaw ngayon.
Para sa mga anti-Marcos: May sisikat na bagong slogan… “Marcos Hitler! Diktador Bayani!” Lalaging mapagmatyag dahil baka masayang ang pinaglaban nang mahabang panahon.
Sa pag-ibig: Mahal mo pa rin siya ang tanong ay kung mahal ka pa rin niya, baka nakalimot na ang bayang ginigiliw?
Sa numero: iwasan ang mga numerong 2, 1 at 9.
Sa kulay: sa gulay makulay ang buhay. Wala lang.
Para sa bantayog ng mga bayani: Huwag maalarma. Hindi naman sa bantayog ang pangalang Marcos ay ipipilit isama. Ngunit magkakaron ng kakumpetensiya. Dahil gagawa na lang sila ng bago at iba, doon ay nakahilera, Bayaning Marcos, at may reserved na espasyo pa. Para kila bayaning Imelda, Palparan, GMA atbp. Why not?
Para kay PNoy: Ang darating na Linggo ay magiging mapayapa at safe. Mananatili ka pa ring playing safe. Hindi nga lang palaging paborable sa ‘yo lalo na ang mga kamag-anak mo ay hindi naman playing safe. Ngayong mahal na araw umiwas sa mga lugar na maraming buko, kaya huwag munang pumunta sa Cojuangco farms at doon ay maraming coco.
Sa pag-ibig: May babaeng foreigner na mali-link sa ‘yo. Baka taga-Mars siya. Wala lang intriga nga e.
Sa numero: Dadami ang mga numerong malas. Para sa linggong ito malas ang 4.1 milyong pamilya, gutom sila, believe it or not.
Sa kulay: Ilabas ang totoong kulay tutal halata naman na nila. Baka swertehen ka pa.
Para kay Mercy: Huwag mawalan ng pag-asa, maari ka ring maging bayani.
Tandaan: Ang mga sinasabi ng bato sa langit ay gabay lamang. Hindi pinipilit paniwalaan, kung tinatamaan pasensiyahan.
Warning No 4! Tsunami alert!

Mokong the newscaster: Magandang gabi po! Ito po si Mokong Enriques ihahatid sa inyo ang Aksiyon Bandila Bente Kwatro! Dahil dito ang balita ay hindi totoo.
Isang tsunami alert ang inilabas ngayon ng mga mangagawa ng PALEA. Alert level 4 na daw ang Tsunaming raragasa sa mga mangaggawa ngayong pinapaboran ng pamahalaan ang negosyateng si Tan.
Samantala, nag-aalerto na rin ang tsunami sa presyo ng langis. Kasalukuyang nalulunod na ang mga drayber sa pagtaas ng presyo habang itinutulak naman nila ang pagtaas din ng pamasahe.
Sa kabilang dako naman ay humihingi ng saklolo ngayon ang mga mamamayan dahil sa pinsalang idinudulot ng pagtaas ng mga bilihin. 4.1 na ang nasurvey na nagugutom.
Kasalukuyang nagrereklamo ang mga hindi nabilang sa survey.
Kasalukuyan pong naglalamyerda sa kalye ang ating tagapag-ulat na si Mokang Tiangco. Mokang Tiangko pasok!
Mokang the reporter: Kasalukuyan po akong nandito sa exclusive village na exclusively prohibited ang pagbili ng condom. Isang residenteng ayaw humarap sa kamera ang nagrereklamo. Galit na galit siya dahil matapos niyang kumuha ng reseta upang bumili ng condom sa botika ay pinalista ang kanyang pangalan sa isang logbook. Kinabukasan ay nakita na lamang niyang nagpa-flash ang kanyang pangalan sa electronic billboard sa entrada ng village. Ang nakalagay “60 year old Mariang Palad used condom last night.”
Warning No.5! Holy Week it’s Earth Day!
Mahal na araw at earth day po, kaya naman ang ating quote of the week ay…
“Ama patawarin mo po sila, hindi nila alam ang kanilang minimina.”
Nagnosebleed po ako at ang ating gang. Nagtsunami ng dugo mula sa pinagsamasama naming ilong. Mabuti na lang walang sumamang utak (baka wala ngang utak na sasama). Sinubukan po naming i-translate o isalin sa sarili nating setting ang tulang “TREES” at heto po ang nangyari…
TREES Uno, Dos, TREES!
by: Joyce Kilmer (1886-1918) by: Mokong and Joy Kill me
I THINK that I shall never see I think I shall never see
A poem lovely as a tree. A mountain with no trees
A tree whose hungry mouth is prest A mine firm whose hungry mouth is pressed
Against the earth’s sweet flowing breast; Against the earth’s sweet flowing breast
A tree that looks at God all day, a company that looks for gold all day
And lifts her leafy arms to pray; and lifts its backhoe arms to its prey
A tree that may in Summer wear a tree that may in summer wear
A nest of robins in her hair; a nest with no robins and even no hair
Upon whose bosom snow has lain; upon whose bosom people were slain
Who intimately lives with rain. Who intimately lives with flood when it rains
Poems are made by fools like me, poems are made by fools like
But only God can make a tree. But only Gold can make them happy.

Bukas pa rin po ang Mokong gang para sa mga kontibusyon ng patawa at pang-aasar! basta pumasa sa panlasa ng Mokong at Mokang ilalabas po natin!
Hanggang sa sunod na Sunday ito po ang inyong Mokong na nagsasabing…“All mokongs ang mokangs of the world unite! We have nothing to loooose coz we have nothing at all!”
Like this:
Like Loading...