[Event] #ridersbayanihan UMABOT NA HANGGANG MINDANAO | KAGULONG
Photo Credits to: Pitik ni Singkit
Nagsagawa ng bayanihan/charity ride ang humigit sa 100 na kagulong natin sa Mlang North Cotabato upang tulungan si Lola Teresita Ortiga sa naturang lugar.
Bitbit ang mga inihandang tulong tulad ng pagkain, gatas, bigas atbp. sila ay sama-samang nagride patungo sa bahay ni Lola Teresita.
Ang naturang bayanihan ay inorganisa at ipinanawagan ng Friendly Riders ClubTamaraw Philippines (FRCTP) at Kapatiran sa Dalawang Gulong – Kagulong North Cotabato Chapter. Sa pakikipagtulungan ng North Cotabato Riders Alliance (NCRA)
Dinaluhan din ito ng mga grupo tulad ng:
RRCP Kidapawan Chapter, Sulkud RAM Aspirants, Bull Riders Club-Kidapawan, NCURC-Kidapawan, Team Honda XRM-KIdapawan.